**Jane’s POV**
“Hi Jas!”
Salubong ni Nikka sa amin. Classmate sya ni Ian.. at kung makadikit, naku!! Sarap ngang hambalusin eh.. halata namang may gusto kay Ian..
“Hi Nikka!”
Eto namang si Ian.. hinahayaan lang.. pagnakilala ko si Jam, isusumbong ko to..
“Sabi nga pala ni-blah blah blah blah”
O-kay..Sila na lang nag-usap.. hello? Bestfriend here!!
“Sige Ian una na ako!”sabi ko na lang
“Sige”sagot nya at tuluyan na silang umalis..
Kala ko pa naman pipigilan nya ako at mag-aalok na ihatid ako sa room namin kagaya ng lagi nyang ginagawa.. pero assuming lang ako.. hindi naman ako gf para ihatid pa.. pero bestfriend pa rin ako! Nakakaselos naman!
“Oh Lis!”
“Oh ikaw pala Paul”
“Nasan si Jasper? Bakit hindi mo sya kasama?”
“Ah-eh-ano.. Nauna na sya sa room nila..” ..at kasama ng lintang si Nikka..
“Ah ganun ba? Hatid na kita sa room nyo..”
“Naku wag na! nakakahiya naman”
Magsasalita sana si paul nang may nagsalita sa likod ko..
“Oo nga wag na.. nakakahiya naman sayo Paul..”-sabi ni Ian
Teka.. kala ko ba nauna na to?
“ Ako na lang ang maghahatid dahil ako naman ang BESTFRIEND”-dagdag nya pa
Pagtapos nyang sabihin yon.. nagtitigan sila ni Paul..
Eh kung sila kayang dalawa ang magkatuluyan? Grabe kung magtitigan eh..
Bago pa sila mainlab sa isa’t-isa dahil sa pagtititigan, sumingit na ako..
“Guys, pwede mauna na ako? Male-late na kasi ako..mukhang nastar-stuck na kasi kayo sa isa’t-isa eh”
Biglang tumingin sakin ng masama si Ian.. He-he.. Nagbibiro kaya ako..
“lika na Jane”sabi ni Ian sabay hatak sa akin..
Wala na ba tong ibang alam gawin kundi manghila?
“Bye Lis”-sabi ni Paul
BINABASA MO ANG
MANHID MO KASI!! [Completed]
Short StoryPAANO KUNG MAY MAHAL KA? TAPOS SA BESTFRIEND MO PA? EDI FRIENDZONED NA? EH PAANO KUNG MAHAL KA RIN NYA? KASO DI MO ALAM? PAANO PA KUNG MANHID KAYONG DALAWA? EDI FRIENDZONED NA TALAGA?