Chapter 7

475 20 0
                                    

**Jane’s POV**

“ANG BOBO-BOBO MO MICA!! ARRGH!! Bakit kasi tumakbo ka kaagad?! Yun na yun eh!!Andun ka na!! pano kung mahal ka pala nya at aamin na sya?”, sermon sa akin ni Alexa dahil kinuwento ko ang nangyari kanina..

“Pano kung hindi?”

‘Arrrgh!! Ewan ko sayo!!”

“Eh kasi naman.. natatakot ako.. may mahal syang iba Alexa!! Si Jam yun! Hindi ako.. bestfriend lang ako!!”

“MANHID KA NGA!!”

“Ano ba yang manhid na yan??kanina nyo pa ako sinasabihan nyan ah!! Hindi ako manhid!! Nasasaktan kaya ako!! Batukan mo pa ako!”

“Talaga babatukan kita!! Hindi ka lang manhid, slow ka pa!!”

“Alexa.. anong gagawin ko? Pano kung lumayo si Ian? Pano na ang friendship namin?? Pano na lang ako?”

“Hay naku!! Wag kang mag-alala.. maaayos din ang lahat.. magtiwala ka”

“bakit parang kampanteng kampante ka??”

“Basta.. Trust me, okay?”

“Okay.. Thanks Alexa”

Nginitian lang ako ni Alexa kaya gumaan na ang pakiramdam ko..

***

Kapag nasa school kami.. todo iwas ko talaga kay Ian..

Minsan sinusubukan nya akong kausapin..

Pero umiiwas ako.. kunwari may gagawin ako o kaya may ibang kausap..

Parang kanina lang..

“Liya yu—“

Lumapit sa akin si Ian para kausapin ako pero kinausap ko yung katabi ko..

“Anong assignment?”

“ha?”

Parang nagulat pa yung katabi dahil hindi ko pinansin si Ian..

Makisakay ka please..

Tumingin muna sya kay Ian at nagsalita na..

“Ah.. eto oh.. tungkol sa blah blah blah”

Umalis na si Ian kaya hindi na ko nakinig sa katabi ko.. ang bad ko no?hay..

MANHID MO KASI!! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon