**Jane’s POV**
“Lis, ang gwapo talaga ng bestfriend mo.. pwede ligawan?”
“Hoy Salazar! Anong ligaw? Gusto mo gawin kitang lugaw?”
“Eto naman selos agad..sayo na ang Ian mo!”
Nandito ako ngayon sa canteen at kasama ko ngayon ang isa ko pang bestfriend.. Siya si Alexa Salazar.. may pagkaloka-loka yan.. nagkakilala lang kami noong 4th year highschool.. nagtransfer kasi sya sa school namin.. simula noon, naging close na kami at naging magbestfriend.. At nga pala, pinsan nya si Ian kaya naging close kami kaagad.. Oo, magpinsan sila.. wag na kayo magtaka kung ganyan yan.. may sayad eh.. Alam nya na may gusto ako sa pinsan nya pero nagpromise naman sya na hindi nya sasabihin..
“Hindi ako nagseselos.. Pinsan mo, tapos liligawan mo? atsaka ikaw manliligaw? ipapaalala ko lang, babae ka po”
“Wushu! Mga palusot mo!Wag kang mag-alala.. sayong sayo na ang BF mo..”
“A-anong bf ka dyan?”
“BF, short for BestFriend.. kunwari ka pa, gusto mo naman..”
“H-hindi ah!”
“Eh bakit namumula ka? Ayieh! Kinikilig!”-pang-asar nya sa akin..
Namumula ako? Naman kasi eh..
“Bakit kasi hindi ka pa umamin na mahal mo sya?”
“Alam mo naman di ba? Baka masira lang yung pagkakaibigan namin..”
“Ewan ko sa inyo.. ang mamanhid nyo..”
“Ha? Pabulong-bulong ka pa jan..”
“wala..”
“May mahal nang iba yung tao, aamin pa ako”
“Hay! Naku! Bakit kasi ang bobo ng pinsan ko!!”
“Hoy sinong bobo?!”
Biglang sumulpot na lang si Ian kung saan..
“Ikaw! Argh!! Ewan ko sa inyo!!”
Pagtapos nya sabihin yon.. umalis na sya..
Anong nangyari sa Alexa nay un??
BINABASA MO ANG
MANHID MO KASI!! [Completed]
Historia CortaPAANO KUNG MAY MAHAL KA? TAPOS SA BESTFRIEND MO PA? EDI FRIENDZONED NA? EH PAANO KUNG MAHAL KA RIN NYA? KASO DI MO ALAM? PAANO PA KUNG MANHID KAYONG DALAWA? EDI FRIENDZONED NA TALAGA?