Chapter 40: Tunggalian

1 1 0
                                    

Pagkatapos na matahimik ni Infiernus ay nagsalita ito. Alam niyang kahit na wala sa kanyang mga kamay ang kaniyang mahiwagang tungkod, dahil siya ang gumawa nito, susundin nito ang kahit na anong sabihin nito.

"Ngayon, tungkod ko na hawak na ngayon ng traydor na si Azrael, inuutusan kitang magbalik ka sa akin ngayon. Hindi ko na hahayaan pang mapasakamay ka ng traydor na Azrael na iyan. Nadala na ako sa ginawa ng anak ko kung kaya't umuwi ka na sa aking mga kamay."

Pagkatapos ng kanyang mga sinabi ay tumawa siya ng napakalakas. Humangin sa kanyang kinatatayuan dahilan para mag-galawan ang kanyang mga buhok.

"Pasalamat ka Azraep at iyan lang ang ginawa ko sayo. Pasalamat ka at hindi ko inutos sa aking tungkod ang paslangin ka."

~

Habang kumakain, napansin niyang ang kaniyang tungkod ay gumagalaw. Papalayo ito sa kaniya. Nagsalita siya para utusan ito na bumalik ito sa pwesto niya pero hindi ito sumunod. Dahil sa nag-aalala siya na mawala ang kanyang tungkod ay napatayo siya sa kaniyang kinauupuan. Hinatak niya ang lumulutang na tungkod pero hindi niya inaasahan na mapapasama rin siya dito. Huli na ng sumigaw siya ng tulong dahil mabilis na nakalayo ang tungkod sa lugar na tinutuluyan nila.

Ang kanyang ipinag-aalala ngayon ay baka kung ano ang mangyari sa kanya. Mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa tungkod na nais siyang ibagsak pero buti at magaling kumapit si Azrael. Hindi pa niya magagamit ang kanyang pakpak sapagkat ang kanyang kasuotan ay masikip, dahilan kaya't hindi niya maibuka ang mga ito.

"Ano na ang gagawin ko? Paano kung mahulog ako ngayon dito. Teka, bakit dinadala ang tungkod na ito sa aming kuta, sa kuta ni Infiernus?"

Natuwa siya ng ang tungkod ay unti-unti nang lumalapag sa lupa, pero nababahala naman siya ngayon dahil dinala ito sa kanilang naging kuta. Nang makalapag na ito ay nagulat siya, nandon si Infiernus na tawang-tawa sa nakita.

"Oh, nadala ka pala ng aking tungkod, Azrael. Natutuwa ka bang bumalik na sa kanyang may-ari ang tungkod na iyan?"

"Hindi! Hindi ikaw ang nagmamay-ari ng tungkod na iyan kundi ako lamang."

"Hoy, napakatanga mo. Alam mo ba na may kapangyarihan ako? Kaya't noong ikaw ay naging alalay ko na, inalay ko sayo ang tungkod na iyan. Nanjan halos ang aking kapangyarihan. Nagtiwala ako sayo na hindi mo ako tatraydurin pero ano ang ginawa mo! Binigay ko na sayo ang lahat pero ganito pa rin ang ginawa mo! Kaya't babawiin ko ang lahat sayo."

"Panginoon, hindi ako nagtraydor sayo. Bakit mo ako pinaghihinalaan ng ganito? Alam mo namang utang ko sayo ang buhay, ng anak mo!"

Ikinagulat ni Infiernus ang kanyang narinig. Hawak pala ni Azrael ang nag-iisang anak nitong si Handara o mas kilala nating si Jamie.

"Pa..paano mo nakuha mula kay Miguel ang aking anak?"

"Simple lang Panginoon. Dahil sa pag-ibig ng iyong anak sa Miguel na iyon, papatayin ko na sana yung hayop na anghel na iyon pero may sinabi akong kondisyon, sumama siya sa akin kapalit ng buhay ng anghel na iniirog niya."

"Ibig sabihin, hindi mo talaga nagustuhan ang aking anak?"

"Oo naman. Bakit ko naman ito magugustuhan kung hindi ko naman ito lubusang nakilala ng matagal. Saka hindi pag-ibig ang pinunta ko sa iyong kuta, kundi ang iyong trono. Gusto kong mapasakin ang trono mo, at ako ang maghahari sa buong impyerno."

"Hayop ka Azrael, napakatuso mo palang talaga. Nagsisisi akong ikaw pa ang nakuha ko!"

"Oops, huwag kang mag-aalala Mahal kong Panginoon, dahil sa may utang na loob pa ako sayo, hindi muna kita padadaanin ng aking espada sa loob ng tatlong araw. Kung nakapagdesisyon ka na, makikita mong muli ang iyong anak pero kung mahal na mahal mo ang trono mo, magpaalam ka na sa kanya hangga't maaga pa."

Dahil sa gigil ni Infiernus ay umusok ang kanyang sungay. Nasakal niya ng mahigpit si Azrael pero nagsalita ito, "oh sige, papatayin mo ako ngayon? Hindi mo na makikita pa ang iyong anak kung mapapatay mo ako ngayon!"

Dahil sa narinig ay nabitawan niya si Azrael na noon ay tinatawanan siya. Pinagpag niya ang kanyang leeg at agad na tumayo nang matikas sa harapan ni Infiernus.

"Mahal na Panginoon, hayaan niyo akong lisanin ko muna pansamantala ang inyong kuta. Umaasa ako na balang araw, ako na ang mauupo sa upuan na nasa bulwagan," ang saad ni Azrael, sabay turo ng upuan na pag-aari ni Infiernus. Pagkatapos noon ay umalis na ito. Naiwan naman si Infiernus na nakatayo, nagngangalit sa galit.

Agad siyang nilapitan ng kanyang mga alagad, pinaupo siya sa kanyang upuan at pinakalma.

"Panginoon, kumalma lamang kayo. Malalagpasan niyo rin ang lahat ng ito. Kahit na anong mangyari, ikaw pa rin ang kikilalanin naming Panginoon," saad nito sabay tapik sa balikat ni Infiernus, at iniwan na itong mag-isa.

Napapikit si Infiernus. Ngayon ay binabagabag na siya sa mga nangyayari sa kanya ngayon. Napagtatanto na niya ang pagrerebelde ng kanyang anak.

"Siguro, ito na ang mga bunga ng aking kasamaan, ng kasamaan namin ng aking ama," ang naitugon niya sa kaniyang sarili at naluha. Naisip niyang kunin sa kanyang bulsa ang litrato ng kanyang anak na nabuo sa pamamagitan ng kanyang tungkod. Pinagmasdan niya ito at hinagkan niya.

"Handara, anak ko. Patawarin mo ako sa aking mga nagawang kasalanan hindi lang sayo, pati na rin sa lahat ng mga tao at anghel na naging biktima ng karahasan ko, at ng aking ama."

Napatingin siya ngayon sa kanyang trono. Naiisip niya kung mas mahalaga pa rin sa kanya ang manakop ng lalang ng Diyos, o ang makasama at mahalin ang kanyang anak at mamuhay na ng tahimik.

"Anak. Ipinapangako ko na sa aking sarili. Hinding-hindi na kayo mapapahamak. Ililigtas kita sa mga kamay ni Azrael. Amg digmaan na aking ninanais ay mawawala na, alang-alang sayo anak ko. Magbabago ako para sayo."

Hindi inaasahan ng mga kawal na nakatayo sa bulwagan ang kanilang narinig mula sa kanilang Pinuno. Hindi nila alam ang kanilang magiging reaksyon, gaya ni Infiernus, naalala rin nila ang kanilang naging buhay noong nabubuhay pa sila, at iyon ang bagay na nagpaintindi sa kanila kung bakit nais nang magbago ng kanilang Pinuno.

Ipagpapatuloy...

My Guardian Angel ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon