Chapter 31: Blood Moon

1 1 0
                                    

Nang lumabas ang buwang iyon, agad na idineklara ni Infiernus at ni Azrael na libreng lumabas ang mga mandirigma sa loob lamang ng gabing iyon. Bawat isang mandirigma ay kailangang may madalang isang tao na kanilang iaalay sa pulang buwan para maging kaanib na rin nila.

"Ang tagisan na ito ang magpaparami sa atin. Isang beses lamang nagaganap ang pagpupula ng buwan kung kaya't huwag kayong mabibigo na makakuha ng maraming tao. Kailangan natin ng maraming alagad, mapa-babae man ito o lalaki!"

"MABUHAY ANG PINUNONG AZRAEL!!"

Muling nilang ipinagbunyi ang pamumuno ni Azrael kaya't nabuhayan lalo ito ng loob na pamunuan sila.

~

Namamasdan pa rin nina Miguel at Jamie ang pulang buwan. Matutulog na sana sila nang biglang magyaya si Jamie na umalis silang dalawa, sa kabila ng banta ng buwang mapula.

"Bakit ka nagpaplanong umalis tayo? Hindi mo ba alam na mapanganib ang maglakbay dahil sa signos na iyan?"

"Alam kong walang mangyayaring masama sa atin Miguel, basta't kasama mo ako, at kasama kita."

"Ayan ka na naman! Sa tingin mo magpapadala pa ako sa mga pambobola mo! Matulog na kasi tayo," ang sagot ni Miguel at tinapik na sa balikat si Jamie.

"Aray ko! Ba't mo ako tinapik? Gusto ko lang naman lumabas tayo!"

"Hindi nga kasi pwede Jamie, mapanganib!"

"Oo, alam kong signos iyan pero, paano kung gagawa na naman ng kung ano-ano ang aking ama nang hindi ko na naman nalalaman ngayon? Kawawa ang mga tao Miguel! Intindihin mo naman ako kung bakit gusto kong umalis tayo ngayon."

Bigla tuloy naalala ni Miguel ang nangyari noong nakaraan tungkol sa pagtakas ng mga bilanggo at pagkamatay nila sa mismong building. Hindi rin siya matutuwa kapag muling maghahasik ng kasamaan ang mga kampon ni Infiernus kung kaya't sa pagkakataong ito ay pagbibigyan niya ang kahilingan ng kanyang minamahal.

"Tumahimik ka na Jamie, sa bagay ay may tama ka. Lalabas tayo ngayon para malaman natin ang mga kaganapan sa mundong iyong kinabilangan noon. Tutulungan natin ang mga tao na labanan ngayong gabi ang mga kampon ng iyong ama kaya maghanda-handa ka na."

"Salamat Miguel, lubos mong pinaligaya ang aking puso sa aking mga narinig sa iyo ngayon. Hinding-hindi rin kita hahayaang mapahamak ngayong gabing ito kaya huwag kang mag-alala."

Nagyakapan sila pagkatapos ng usapang iyon at naglakad na palabas sa kanilang silid.

Lumabas sila nang marami pa ang mga tao sa paligid. Hindi nila alam kung saan sila pupunta nung mga oras na iyon. Medyo nanibago naman si Jamie dahil sa wakas, nakakagala na rin siyang muli sa kaniyang nakagisnang mundo. Makikita mo sa kanya ang mga ngiti habang naglalakad siya. Habang naglalakad, pasimpleng hinawakan ni Miguel ang kaliwang kamay ni Jamie, at nagtagumpay siya. Matkahawak-kamay na sila ngayong dalawa.

Sakto sa kanilang paglalakad dahil may mall pala na malapit na sa kanila. Nagyaya agad si Jamie na puntahan ang mall na iyon.

Dahil sa siya lang ang nakakakita kay Miguel, ginawa niyo uli ang ginawa niya dati, naka earphone habang kausap ito.

"Alam kong walang mangyayari sa akin dahil kasama ko ang guardian angel na gagabay sa akin."

"Sino yun? May iba pa bang angel na nagbabantay sayo liban sa'kin?"

"Sira! Ikaw yung tinutukoy ko. At wala ng iba pang guardian angel ang makakahigit pa sayo."

Ngumiti naman si Miguel. Namumula ang kanyang mga pisngi habang pinagmamasdan ang mukha ni Jamie. Naglakad na silang muli papunta sa mall.

~

Ang mga kampon ni Azrael ay nagkakalat na ngayon sa kung saanmang sulok sa mundo ng mga tao. Ang iba sa kanila ay madaling nakabingwit ng kanilang maiuuwi para sa pag-aalay. Nais rin ni Azrael na hindi basta-basta ang kanyang mahuli, nais niyang mahuli ang magandang anak ni Infiernus.

Naglakad-lakad siya sa paligid hanggang sa napadako sa isang mall. Pumasok siya doon dahil alam niyang marami pang tao sa mall na iyon.

Sa kanyang pagpasok ay agad na nahagip ng kanyang mga mata ang babaeng nakita niya sa litrato, iyon na nga si Jamie.

Buo ang kaniyang tiwala na kahit hindi ito nakasuot ng itim ay si Handara ito. Sinundan niya ang babae, na may kasunod ngang mga anghel.

Bawat anghel na nakakasalubong niya sa mga taong nadadaanan niya ay pinapaslang niya para wala ng poprotekta sa kanilang mga buhay kung makukuha man sila ng iba pa niyang kampon. Nais niya lamang na patayin ang anghel na nakapalibot kay Handara, si Miguel.

"Mamatay kayong mga anghel na nagbabantay sa mga tao. Wala kayong mga silbi kung hindi kayo lumalaban!"

Ang mga anghel kasi na nakasunod ngayon kay Miguel ay yung mga anghel na wala ng binabantayan. Dahil sa namatay naman na ang kanilang binabantayan, nagpasya na lang silang makipaglaban para sa ikabubuti ng lahat ng mga tao, lalo na ng ibang mga guardian angels.

Hindi pa rin nawawala sa mga mata ni Azrael ang kinaroroonan ni Jamie. Hindi naman niya makita si Miguel kung kaya't nagtataka siya dito.

~

Mabilis na naglalakad ngayon si Jamie papalayo sa mga tao. Gusto na niya ngayong lumabas dahil hindi niya mahanap kung nasaan si Miguel. Nawalgit lang siya sandali at hindi na niya nakita itp sa tabi niya. Tinanong na rin niya ang ibang mga guardian angels na nakakasalubong niya ngunit hindi nila alam o nakasalubong si Miguel.

"Siguro ay nasa labas si Miguel. Sa oras na mahanap ko na siya ay magpapasya na akong umuwi na lamang kami. Hindi pala ganito kadali ang lumabas lalo na ngayong kulay pula at bilog na bilog ang buwan. Kinakabahan tuloy ako!"

Sa kaba niya ay napatakbo na siya sa mall. Dali-daling bumaba sa ground floor at gumamit nalang ng hagdan dahil nga marami ang tao sa mall, unang araw kasi ng 3-day sale ng mall na iyon kaya ganun.

Mabilis niyang narating ang labas ng mall. At doon nga niya nahanap si Miguel, na nakaupo.

"Oi Miguel, ano bang ginagawa mo jan? Bakit mo naman ako iniwanan sa loob?"

"Hala! Pasensya ka na Jamie. Hindi kasi kita mahanap kaya heto, nakaupo na lang ako kung saan tayo nakaupo kanina."

"Dali ka na, may hindi ako nararamdamang mangyayari kaya umuwi na tayo."

Nakita naman ni Miguel ang nasa likod ni Jamie, kaya't dali-dali siyang tumakbo rito, sabay sumigaw.

"JAMIE, TUMINGIN KA SA LIKURAN MOOO!"

At doon nga nakita ni Jamie ang isang nakaitim na hindi pamilyar sa kanya. Pagkatapos nun ay natumba na silang dalawa ni Miguel at biglang may umilaw ang kuwintas na nakakabit sa mga leeg ni Miguel na naging dahilan para mawala sa mga landas ni Azrael si Jamie. Nawala ang liwanag, kasabay ng pagkawala nina Jamie at Miguel.

"NAKAKAINISSSS! Yari ka sa akin Miguel!"

Ipagpapatuloy...

My Guardian Angel ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon