Be My Girl : Ongoing [c/o Sonja Sta.Maria Srcp ValiantRp]

2.3K 22 12
                                    

"Kahit kailan hindi nagbabago ang ikot ng mundo depende na lang kung nariyan ka. You turn my world upside down..."

     Anne never thought that her heart was in chaos ng tanggapin niya ang pansamantalang pamamahala sa resort ng kaibigan niyang si Bea. Lalo na at makakasama niya ang kuya nitong si Joshua dahil wala daw itong tiwala sa kakayahan niyang pamahalaan ang resort ng kaibigan. The nerve! Para saan pa at graduate siya ng Business Management with flying colors, para insultuhin lang ng isang lalaki na wala yatang alam kung hindi mag-addition ng mga babae.

     100 percent womanizer ito, no, make it 102 percent. Ewan ba niya kung ano ang nakita ng mga babae dito. Oo, guwapo ito lalo na ang chinky eyes nito na kapag ngumiti ay para kang nasa langit. Matikas din ito at makalaglag panty sa lakas ng sex appeal. Crush na sana niya ito kung hindi lang puro panlalait ang ibinabato nito sa kanya.

     Payatot daw siya, isang ihip lang daw ng hangin ay matutumba na siya. Ubod din daw siya ng sungit. Bawal daw sa resort ang nakasimangot. Grrr. Nakapanggigil ito. Gusto niyang sakalin ito sa sobrang inis.Pero nang minsan manganib ang buhay niya ay ito nagligtas sa kanya. Itinaya pa nito ang buhay nito para protektahan siya. Lahat ng inis niya para dito ay biglang naglaho at napalitan ng kakaibang damdamin para dito. Lalo na at unting-unti nagkakapalagayan ang loob nila. Sa parte niya ay unti-unting nahuhulog ang loob niya dito. Ano ang gagawin niya? Kaya ba niyang mapabilang sa mga babaeng nagdaan sa mga kamay nito. Lalo na at nagbalik ang totoong mahal nito. Ang babaeng naging dahilan kung bakit naging womanizer ito?

     Mas maganda yata na siya na ang kusang lalayo dito. Kailangan din niyang protektahan ang puso niya. Ang tanong, hanggang kailan?

 A/N : Pasesnya na po sa mga TYPOGRAPHICAL ERROR. Please, do watch the video (right corner) Thank you :)

Be My Girl : Ongoing [c/o Sonja Sta.Maria Srcp ValiantRp]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon