Chapter 2

766 17 8
                                    

"NAPAKA-BASTOS talaga niya! Walang modo.. Walang delikadesa! Walang... walang.. Grrr! Buwisit na lalaki!" naiinis na sabi ni Anne habang palabas ng hotel Valiente. And speaking of the damn maniac devil! Kuu! Wala yata gagawin ang lalaking ito kung hindi sirain ang araw niya. Umagang-umaga pa naman. Hindi na nga siya gaanong nakatulog dahil sa mga narinig niya sa telepono nang nakaraang araw, tapos ngayon heto na naman. Aist! Relax Anne, kalma lang. Deadmahin mo na lang siya.

"Hi" bati ni Joshua.

Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy siya sa paglalakad na parang walang nakita.

"Saan ka pupunta?" tanong nito na sumabay pa sa paglalakad niya. Hindi pa rin niya ito pinansin. Saan nga ba siya pupunta? Peste talaga! Dahil sa lalaking ito nakalimutan niya kung saan nga ba ang destinasyon niya ngayong umaga. Lumiko siya pakanan at dahil okupado ng lalaki ito ang isip niya ay hindi niya napansin ang isang kahoy na nakaharang sa daan niya kaya naman ay napatid siya. Napapikit siya.

"Hey watch out!" sigaw ni Joshua. Hindi natuloy ang pagkakabagsak niya dahil maagap na nahawakan siya agad ni Joshua sa kanyang beywang. Unaware na napayakap na pala siya dito.

She's safe now. Ang bilis ng kabog ng dibdib niya. Akala niya talaga ay makaka-face-to-face niya ang sahig ngayong umaga. Dahan-dahan siyang dumilat para lang magulat. Masyadong malapit kasi ang mukha nila ng binata sa isat-isa. Nagulat pa siya kung saan ito nakatitig, Joshua is staring at her lips. Unting-unting umangat ang tingin nito kaya naman ang nangyari ay nagkatitigan sila. She can't help staring back at him. Kakaibang pakiramdam ang hatid ng mga titig nito. Masarap na nakakakiliti. Parang puno ng pagmamahal. Pagmamahal? Hindi maaaring mangyari iyon! Hindi ito marunong magmahal. Hindi kailanman.

Itinulak niya ito. Napalakas yata ang ang tulak niya dito dahil ito naman ang napatid patalikod sa kahoy. Napa-upo ito.

"Damn! Anak ng... Ano ka ba naman! Bakit mo ako tinulak?" galit na sabi ng binata.

Nakonsiyensya naman siya agad pero hindi niya pinahalata. "K-kasi.. Kasalanan mo iyan!"

"Kasalanan ko pa? Ikaw na nga ang tinulungan, tapos kasalanan ko pa? Napaka-imposible mo talaga!" sabi nitong nakatayo na.

"O-oo! Bakit mo kasi a-ako hinawakan?" ganting sabi niya dito para pagtakpan ang kasalanan. Alam naman niya iyon na kasalanan niya. Nahihiya din siya dito dahil ito pa ang sinisi niya. Handa na sana siya humingi ng sorry dito pero hindi niya nagustuhan ang sumunod na sinabi nito.

"Ano ba akala mo sa akin? Si Spiderman? Gagamitin ang spiderweb para mailigtas ka? I am no Spiderman. Kung ayaw mong tinutulungan ka ay huwag kang tatanga-tanga." sabi nito, iyon lang at umalis na ito.

Hindi siya nakahuma ng ilang segundo. Aba't! Ang walanghiyang iyon! Tatanga-tanga daw siya!? E, kasalanan naman talaga nito kung bakit muntik na siyang madisgrasya. Iniisip niya kasi ito-- napahinto siya bigla. Iniisip? Jusko! Ipinilig niya ang ulo dahil naaalala niya bigla ang nangyari kanina. Ang mga titig nito. Ang mga mata nito-- Aist! Nababaliw na siya para isipin pa ito. Ipinagpatuloy na niya ang paglalakad. Ngayon malinaw na kung saan siya pupunta. Siguro ay iiwasan na lamang niya na mag-krus ang landas nila ni Joshua dahil nawawala sa tamang huwisyo ang utak niya kapag nagkikita sila. Ngek! Paano iyon? E, ito ang Finance Controller ng Valiente Resort. Magkikita at magkikita sila kahit may bagyo pa. Argh! Bahala na nga si Batman!

Be My Girl : Ongoing [c/o Sonja Sta.Maria Srcp ValiantRp]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon