Chapter 3

632 10 2
                                    

NAGWEWELGA na ang mga alaga sa tiyan ni Anne ng sumandal siya sa kanyang swivel chair. Tinignan niya ang oras sa wrist watch. Ala una na pala ng tanghali, hindi na siya magtataka kung bakit ibig ng kumawala ng mga 'alaga' niya sa tiyan. Gutom na ang mga ito.

  

Tinignan niya ang mga papeles sa lamesa. Marami-rami na rin pala ang nagawa niya. Hinimas niya ang tiyan. Makakain na nga muna sa ibaba at baka magka-ulcer na siya sa pagpapalipas niya  ng gutom.

Tinawagan niya sa intercom ang secretary slash kaibigan nila ni Bea na si Jana.

"Jana, pumunta ka muna dito saglit." sabi niya at hinintay ito. Ilang saglit lang ay pumasok na ito.

"Akala ko bukas mo pa ako tatawagan para kumain." sabi ni Jana pagkapasok pa lang nito. Umupo ito sa upuang nasa harap niya.

Napakunot noo siya. "Hindi ka pa din nagla-lunch?"

"Anne, kailan ba ako kumain na walang kasabay? At hindi ka kasabay? Kailan ba uuwi iyang si Bea? Nakakaloka dito sa resort niya? Wala man lang guwapo!" sunod-sunod na sintimyento pa nito.

Isa rin si Jana sa pinakiusapan ng kaibigan nilang si Bea para pansamantalang alagaan ang resort nito. Ay mali pala, para kunsintihin ang kahibangan nito kay Jake. Dalawa pa sa kaibigan nila ang pinakiusapan nito. Si Megan at Grace. Incharge ang mga ito sa Human resources at Operations ng resort.

"Hindi ko alam." maikling sagot niya. Kahit naman kulitin nila si Bea na umuwi na ay mabibigo lang sila. Kung sila ay matigas na ang ulo mas lalo ito. Palibhasa manang mana sa kuya nito. Nagingay na naman ang mga alaga niya sa tiyan. Hmft! Pati tiyan niya ay naaalibadbaran kapag nababanggit ang hinayupak na iyon.

"May isa pa lang guwapo. Si Joshua kaso babaero nga lang." ani Jana.

"Don't say bad words, Janalyn" itinirik pa niya ang mga mata. Guwapong tipaklong kamo!

"Ikaw na---" nabitin ang sasabihin ni Jana sa pagpasok ng dalawa pa nilang kaibigan. Si Grace at Megan.

"Hello, Gals. Zup? Seryoso yata ang pinaguusapan ninyo?" bati ni Grace. Napansin niya na tahimik na umupo si Megan sa sofa. Nakasimangot pa ito. May topak siguro.

"Pinaguusapan lang namin si Joshua." sagot ni Jana.

"Aba! Himala, interesado ka na Anne sa topic na 'Joshua'?" nakangiting sabi ni Grace at inakbayan pa siya. "Let's celebrate!"

Be My Girl : Ongoing [c/o Sonja Sta.Maria Srcp ValiantRp]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon