Chapter 5

400 4 1
                                    

"YES?"

Napatatda si Joshua habang pinagmamasdan ang mukha ng dalaga. Napakaamo ng mukha nito. 'Yong tipong hindi mo pagsasawaan pagmasdan.

"May nakalimutan ka?" untag nito. Nakataas ang isang kilay.

Napailing siya. Back to the tigress look. "Nakalimutan ko lang ibigay ito," iniabot niya ang hawak na disc. "Nariyan ang ibang files na nais kong ikonsulta sa'yo."

"Okay." maikling sagot nito pagkakuha sa disc. "Is there anything else?" tanong nito habang diretsong nakatingin sa kanya. Nang-aakit.

Nang-aakit? Pinagmasdan niyang maigi ito. Tumayo ito sa kinauupuan at marahang lumapit sa kanya habang tinatanggal sa pagkakapusod ang buhok. Inilugay nito ang buhok. Itim na itim at makintab. Nagrereflect sa mapangakit nitong mga mata.

Nang makalapit ito sa kanya ay hinila nito ang kwelyo ng suot niyang polo shirt dahilan para bahagyang siyang mapadikit dito. Shit! Nag-react kaagad ang katawan niya sa simpleng pagkakadikit nila.

Nagulat siya ng paglandasin nito ang mga daliri sa dibdib niya. Napaungol siya. Tumawa ito ng mahina. Aaminin niyang nakakakiliti sa pandinig ang tawa nito. Bahagya pa itong dumikit sa kanya kaya langhap na langhap niya ang pabangong ginamit nito. Ilang dangkal na lamang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. At siya, bilang isang lalaki ay mahina sa mga ganitong sitwasyon.

Napatingin siya sa mga labi nito. He wanted to smash those lips. He wanted to give her a kiss na hindi nito makakalimutan sa buong buhay nito. A kiss he also wanted since he laid his eyes on her. Unti-unti niyang inilapit ang mukha dito.

Come what may, anang isip niya. Ilang hibla na lamang ang layo ng mga labi nila. Their breath crossed together. Parang sa iisang baga lang sila humihinga. And it feels like windy summer. Something like... napapikit siya. Like.... like....

"Josh... Josh! Hey, Mr. De Asis!"

Napadilat siya at gulat na napatitig kay Anne. Gone with her seducing look. Naka-pony na ito. "A-anong n-nangyari?" wala sa loob na tanong niya. Hallucinations, meyn.

Nakakunot noo  pinagmasdan siya nito. Then her gazed went down. Nanlalaki ang mga mata nito. Sinundan niya ang tinitignan nito. Shit! Nakatingin ito sa kanyang 'universe' na fully aroused. Damn fantasies!

"Oh my god, De Asis! You're so gross!" tumalikod ito. "Bakit... bakit... kung wala ka ng sasabihin pa ay makakaalis ka na sa opisina ko!"

Be My Girl : Ongoing [c/o Sonja Sta.Maria Srcp ValiantRp]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon