Chapter 8

1.5K 34 0
                                    

Chapter 8

"I'M PREGNANT!"

Parang sirang plaka iyon na nagpapaulit-ulit sa pandinig ni Aicka. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman ng mga oras na iyon. Mix emotions as they say. Naroon ang saya pero naroon rin ang takot.

Ilang buwan mula ngayon ay magiging ina na siya. Handa ba siya?

The baby is an unexpected blessing pero hindi naman niya pinagsisisihan ang pagdating nito. She's happy dahil may isang dahilan ang nadagdag para tuluyan niyang iahon ang sarili niya sa kamiserablehang pinagsadlakan sa kaniya ni Clein.

She look at her tummy, wala pa iyong umbok pero damang dama na niya ang buhay sa loob non. Napangiti siya. "Hi there baby, be healthy and a good baby ah. Mommy's so excited to see you!'

"Time to eat, babe!"

Kahit hindi niya lingunin alam niyang si Corvette ang nagsalita.

Corvette... the father of my child.

Napabuntong hininga nalang si Aicka. Ngayon ay lalong hindi na pwedeng umalis sa tabi niya ang binata, may karapatan na itong sundan siya dahil sa anak niya...anak nila.

Naramdaman niya ang pagtabi nito sa kaniya.

"Still thinking about my offer? You know you don't have to think twice dahil karapatan ko iyon, as the baby's father gusto kong maging parte ng buhay ng anak ko.. ayaw mo man o hindi!"  naroon ang himutok sa boses nito.

"I know Corvette, it's just...

"Dahil ba kay Clein?"

Kunot noo siyang napatingin dito. Bakit naman nasali si Clein sa usapan. Wala naman itong magiging papel sa buhay niya at ng anak niya dahil hindi naman ito ang ama ng bata.

Corvette is the one who told her that she's pregnant. The baby is just two weeks old at wala ng iba pang pwedeng maging posibleng ama kundi si Corvette dahil ito lang ang huling lalaki na kaniyang nakatalik.

Sinabi nitong pananagutan ang bata, ayos lang naman iyon sa kaniya at walang kaso. Pero sa bata lang ito magkakaroon ng karapatan iyon ang gusto niyang ipaintindi dito. But Corvette wants to marry her na para sa kaniya ay hindi tama. Ayaw niyang pwersahin ito sa isang bagay na sa bandang huli ay pagsisihan nito.

She don't want a loveless marriage too at iyon ang ipapaliwanag niya dito.

"Bakit naman nasali si Clein?"  naguguluhang tanong ni Aicka.

"I know you're still into him. Aicka wake up magkaka-anak na tayo at ikakasal na ang pinsan ko sa kapatid mo! Why can't you just accept that!" naroon na ang inis sa boses ni Corvette.

"I already did Corvette. Kaya nga nandito ako sa Islang to e, so i can move forward and forget him!"  nauubusan ng pasensiya na sagot niya.

"Then marry me!

"Hindi madali ang gusto mo."

"Why? Dahil pa rin ba kay Clein?

"No!!  she shouted

"Then what?!" he do the same.

"Dahil hindi kita mahal and i don't want a force and loveless marriage!" that's it. Nasabi niya rin ang gusto niyang iparating dito. Totoo naman iyon, wala siyang nararamdaman sa binata. Ayaw niyang ipilit ang bagay na hindi niya gusto dahil alam niyang hindi siya magiging masaya dito.

Ilang sandali itong hindi nakaimik pero talagang nagulantang si Aicka sa sinabi nito makalipas ang ilang sandali.

"Then i'll make you fall in love with me!" napatanga siya sa mga sinabing iyon ni Corvette. Nasa mata nito ang determinasyon at isang emosyon na hindi niya mapangalanan.

SeduceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon