Umaasa

26 1 0
                                    


Dedicated sa mga taong umaasa na masusuklian ang pag-ibig na inaasam. Especially yung mga magbestfriend dyan, like secretly inlove kumbaga. Lalo na yung bespren mo na brokenhearted tapos ikaw nasasaktan din na makita ang bespren mo na ganun ang kalagayan. Mapanakit diba? 😢💔

~~~

"Umaasa"

Sana ako nalang ang minahal mo
Edi sana hindi ka nasasaktan ng ganito
Mamahalin pa kita ng todo
Ng higit pa sa buhay ko.

Ang layo naman ng tingin mo
Siguro siya na naman ang hinahanap mo
Nandito lang naman ako sa harap mo
Bakit di nalang ako ang mahalin mo?

Siya na naman ang iniisip mo
Ako kaya kailan magiging sa'yo?
Huwag mo namang sayangin ang luha mo
Dahil hindi siya kawalan para sa'yo.

Burahin mo na siya sa puso mo
Para naman makapasok ako
Ilang araw akong hindi nagparamdam sa'yo
Para naman mamimiss mo ako.

Araw-gabi, umiiyak ako
Dahil hindi ko kaya ang sakit sa puso ko
Lagi akong nandirito sa tabi mo
At umaasang masusuklian mo ang pag-ibig ko sa'yo.

~~~

Don't forget to vote and comment.😉

My Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon