Sa kwarto ni Kendrick.
Pinagmamasdan niya ang stuff toy na bigay ni Gani.
Makikita sa mga mata niya ang kilig.
Excited na siyang makitang muli si Gani bukas.
Noon lang siya nakaramdam ng ganung klaseng kaligayahan.
Hindi pa siya nakakaranas magmahal, ganun pala ang pakiramdam nun para kang idinuduyan sa hangin. Lagi mo siyang naiisip, lagi mo siyang gustong makasama at makita. Ang saya sa pakiramdam.
Ito ang unang pagkakataon na tinamaan siya ng pana ni kupido, at sa kapwa pa niya lalake.
Pambihira talagang maglaro ang pag-ibig sa isip nya.
Alam niya at ramdam niya na ganoon din ang nararamdaman ni Gani sa kanya.
Sa mga oras na iyon ay iniisip din siya ni Gani.
Hindi rin niya maipaliwanag ang kaligayahang nararamdaman niya kapag kasama niya si Kendrick.
Kung hindi iyon pagmamahal, ano pa bang pwedeng itawag dun?
------
Ito ang araw na pinakahihintay ng mga 3rd at 4th year students.
Ang J.S Prom!
Ang lahat ay masaya ng gabing iyon.
Nag gagandahan ang mga babae at nag ga-gwapuhan naman ang mga lalake.
Nagkabanggaan sina Kendrick at Gani at nagkangitian.
Gani: Nice suit, bagay sayo.
Kendrick: Ikaw din, bagay sayo ang suot mo. Mas lalo kang gumwapo.
Namula sila pareho.
Gani: Wala ka pa bang naisasayaw?
Kendrick: Wala pa, nahihiya kasi ako sa mga gusto kong isayaw eh.
Gani: Bakit ka naman mahihiya eh napaka gwapo mo nga oh? Sayang naman ang porma mo kung wala kang maisasayaw. Nakita mo ba kung gaano kinikilig ang mga babae kapag dadaan ka sa harap nila at akalang yayayain mo silang sumayaw?
Namula si Kendrick sa papuri ni Gani.
Kendrick: Ano kasi, ang totoo ikaw ang gusto kong isayaw pero alam ko namang hindi naman pewde eh hehehe.
Napangiti si Gani.
Gani: Sayang noh?
Lumapit si Maggie sa kanila.
Maggie: Gani! Isayaw mo naman ako oh? Please?
Nagkatinginan sina Gani at Kendrick. Tumango at ngumit si Kendrick.
Gani: Okay tara.
Kinilig si Maggie.
Maggie: Ayyyy!!! Let's go.
Nagsayaw na sina Gani at Maggie. Sinundan sila ng tingin ni Kendrick.
Nakita niya si Niña na nakaupo kaya nilapitan niya ito at niyayang sumayaw at pumayag naman si Niña.------
Tinginan lang ang tanging nagagawa nina Gani at Kendrick habang kapwa sila may isinasayaw.
Maya't maya ang sulyap nila sa isa't-isa.
Natapos na ang prom.
Magkasama silang umalis.1pm na. Sakay sila ng taxi pauwi.
Antok na antok na si Kendrick kaya bumabagsak na ang ulo niya.
Napangiti si Gani sa itsura nito.
Hinawakan niya ang ulo ni Kendrick at isinandal sa balikat niya.
Bahagyang nagising si Kendrick ngunit hndi na siya dumilat.Naramdaman niya ang ginawa ni Gani. Napangiti siya sa kilig kahit antok na antok na siya.
-----------
Naunang bumaba si Kendrick ng taxi.Kendrick: Salamat sa paghatid, Gani. Ingat ka pauwi ah?
Gani: Sige, salamat.ü
Umalis na ang taxi.
Sinundan ito ng tingin ni Kendrick tsaka pumasok sa loob ng bahay at nagpahinga na sa kanyang kwarto.
-------
ILANG LINGGO ANG LUMIPAS.Isang balita ang sinabi ni Mrs. Robles na ikinalungkot ni Gani.
Pagka graduate daw nito sa high school ay dadalhin na siya sa Amerika upang doon na mag aral sa kolehiyo.
Sa school.
Nagsisimula na ang mga 4rth year students na mag practice para sa nalalapit na graduation.
Halong emosyon ang nararamdaman ng bawat isa.
Matapos ang practice ay nakita ni Gani si Kendrick na nakaupo sa wooden bench. Nilapitan niya ito
Gani: Kendrick, hinihintay mo ba ako?
Kendrick: Oo. Malapit ka nang umalis sa school. Tapos college ka na next school year. Nakakalungkot kasi hindi na kita makikita dito sa school pero ok lang kasi next year ga-graduate na rin naman ako eh at kung saan ka mag aaral ng college edi dun na din ako mag e-enroll para magkasama ulit tayo diba? ü
Natahimik lang si Gani. Hindi pa kasi niya nasasabi kay Kendrick ang tungkol sa pagpunta niya sa Amerika.
Napansin ni Kendrick na parang malungkot si Gani.Kendrick: Bakit parang wala ka sa mood, may problema ka ba?
Umiling lang si Gani.
Gani: Wala. Napagod lang ako sa practice.
Hindi niya masabi kay Kendrick ang plano ng mommy niya dahil alam niyang masasaktan ito.
----------
Isang linggo bago ang graduation.Nasa mall sina Gani at Kendrick.
Kinausap ni Gani si Kendrick upang sabihin ang plano niyang pag aaral sa Amerika at gaya ng inaasahan niya ay nalungkot ng husto si Kendrick. Umiiyak sila pareho.
Kendrick: Ang daya naman eh. Bakit ka aalis? Bakit mo ako iiwan?
Gani: Wala naman kasi akong magagawa eh. Si Mommy ang may gustong mag aral ako dun. Pero pangako, magkikita tayo ulit. Babalik ako at magkakasama tayo ulit.
Kendrick: Tatawagan mo ako lagi ah? Mami-miss kita.
Gani: Ako din, mami-miss kita Kendrick.
--------------
Sinulit nila ang bawat araw na nalalabi.Dumating na ang araw ng graduation.
Masaya pero may lungkot din ang lahat.
Nagkaroon ng konting salu-salo sa bahay nina Gani at syempre nandoon si Kendrick.
Habang abala ang mga bisita, nagkaroon ng pagkakataong makapag usap sina Gani at Kendrick sa likod bahay.
Umiiyak si Kendrick, niyakap siya ni Gani.
Gani: Huwag ka ng umiyak. Babalik pa naman ako eh. Magkikita pa naman tayo ulit.
Hindi na napigilan ni Kendrick ang kanyang nararamdaman.
Kendrick: Gani, MAHAL KITA! Mahal na mahal kita!
Gani: Mahal na mahal din kita, Kendrick.
Naghalikan sila.
Sakto naman ang paglabas ni Mrs. Robles at nakita silang naghahalikan.
Nabigla ito.
Mrs. Robles: Diyos ko!
UPNEXT CHAPTER THREE

BINABASA MO ANG
MY ENDLESS LOVE (BOYXBOY) (EDITING)
RomantikAng istorya ng dalawang lalake na umibig sa isa't-isa. Nakalimot man ang utak ng isa, ngunit hindi ang puso niya. Ito ang wattpad seryeng mamahalin niyo ng walang hanggan. "My Endless Love."