My Endless Love
Unang nakita ni Kendrick si Gani sa isang park na bahagi ng school na pinapasukan nila.
Seryoso itong nagbabasa ng libro habang nakaupo sa damuhan.
Sa unang tingin mukha siyang weird at old fashioned geek dahil sa eyeglasses nito, pero kung tititigan mo siyang mabuti ay maga-gwapuhan ka naman sa kanya.
4rth year high school na si Gani, samantalang nasa 3rd year naman si Kendrick.
Mula noon, naging tambayan narin ni Kendrick ang park na iyon kapag may bakanteng oras siya.
Lagi niyang nakikita si Gani doon. Hindi niya maipaliwanag pero masaya siya kapag nasisilayan niya ang mukha nito.
May kakaiba siyang nararamdaman sa tuwing magkakatama ang kanilang mga mata.
Nagkaroon sila ng pagkakataong magka kilala noong minsang naglakas loob si Kendrick na hiramin ang librong binabasa ni Gani na may titulong "MY ENDLESS LOVE" by Adam Secret.
Mabait at approachable naman pala si Gani. Palangiti at may sense kausap.
Aminado si Kendrick na tila nagkaka crush na siya dito.Pauwi na si Kendrick, nagkasalubong sila ni Gani kaya nagdesisyon silang sabay umuwi at habang nagke kwentuhan sila ay mas lalo pa nilang nakikilala ang isa't-isa.
---
Laging excited pumasok si Kendrick sa school.
Tatlong oras bago magsimula ang klase niya ay naroon na siya sa park ng school upang magkaroon pa siya ng pagkakataon na makasama at makausap si Gani.
Maaga din kasi itong pumapasok sa school at inilalaan ang mga bakanteng oras niya upang magbasa basa sa park.Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalo pa silang nagiging close na dalawa.
Araw araw silang magkasama, Sabay magbasa, sabay kumain, sabay umuwi.Lagi silang naghahanapan kapag wala ang isa sa park.
Isang araw, inimbitahan ni Gani si Kendrick sa bahay nila.
Birthday kasi nito at hindi naman nagdalawang isip si Kendrick.
Ipinakilala siya ni Gani sa Mommy nito. Mabait naman si Mrs. Robles.
Solong anak din pala si Gani kagaya nya.
Naging masahol pa sa magkapatid ang turingan nila sa isa't-isa.
Masaya sila kapag nakikita ang isa't isa, makikita yun sa mga mata nila kapag magkasama sila. Lagi silang nagtatawanan at nagkukulitan.
---
Nagkasakit si Gani kaya ilang araw siyang hindi nakapasok.
Nag alala sa kanya si Kendrick kaya dinalaw niya ito sa kanilang bahay.
Dumiretso na siya sa kwarto nito. Palibhasa ay kilala na siya ng mommy ni Gani kaya ayos lang na labas masok siya sa bahay nila.
Parang anak na rin kasi ang turing ni Mrs. Robles kay Kendrick.
Kendrick: Kamusta na ang pakiramdam mo Gani?
Gani: Kanina hindi pa maayos eh. Pero nung dumating ka naging maayos na.
Napangiti si Kendrick.
Kendrick: Sus, niloloko mo naman ako eh. Ano nga? Okay ka na ba?
Gani: Oo okay na ako.
Hinipo ni Kendrick ang leeg ni Gani upang malaman kung mainit pa ito.
Nagkatitigan silang dalawa at kapwa namula.
BINABASA MO ANG
MY ENDLESS LOVE (BOYXBOY) (EDITING)
RomansaAng istorya ng dalawang lalake na umibig sa isa't-isa. Nakalimot man ang utak ng isa, ngunit hindi ang puso niya. Ito ang wattpad seryeng mamahalin niyo ng walang hanggan. "My Endless Love."