Chapter 9 - Who are you?

7 0 0
                                    

Zoe's POV

Alam kong delikado na buhay ko, ito na siguro yung sinasabi ni Ate Zephy. Kailangan ko maging alerto lalo na di ko alam kung kanino ako ngayon pumapanig, I need to find that Noah siya lang makakatulong saakin.

Saan ko kaya siya mahahanap? Lalo na si ate Zephy miss ko na siya. Gusto kong sabihin sa kanya na malaya nako sa pagmamaltrato nila papa saakin.

Pero....

Naging sunod-sunoran naman ako dito sa mansion,di ko alam kung ano pumasok sa utak ng demonyong 'to at sobrang dami ng pinapatrabaho saakin.
Sobrang pagod na ako at pinipilit ko lang ng katawan ko na mag trabaho.

Hihingal akong pumasok sa opisina ni Lucas para dalhin sa kanya ang sandamakmak na librong 'to.
"Lucas eto na lahat ng pinapadala mo"

"ilagay mo lang jan" umupo muna ako sa isang vacant chair malapit sa table niya para makapag pahinga.

Umagaw naman ng pansin saakin ang isa sa mga librong pinakuha ni Lucas, kinuha ko ito at binuksan. Napangiti ako ng mabasa ko yon.

" A Supernatural Fairy tales"  i said and smiled, patuloy lang ako sa pagbabasa,

"you loved that?" tanong naman ni Lucas

"ahuh, sabay kaming nagbabasa nito ng ate ko, tuwing nagkikita kami" sagot ko dito.

Nanatili lang siyang tahimik, at pinagpatuloy ko parin ang pagbabasa ng libro. Ilang sandali di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

*****
Third Person's POV

Dahan-dahang kinuha ni Lucas ang librong hawak ni Zoe
He scan the book and remembering all those days na binabasa din nila ito ng magkasama ni Zephany.

"who are you Zoe? " napatingin siya kay Zoe. Halos may pagkakapareho sila ni Zephany.

Pagkagising ni Zoe, nasa kwarto na niya siya, napabalikwas siya ng maalala na may trabaho pang pinapaggawa sa kanya, kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto at tumungo sa office nito.

"hindi ka ba naawa kay Zoe? Pinapatrabaho mo siya" napatigil si Zoe sa harap ng pinto ng office ni Lucas ng marinig niyang nag-uusap sila ni Quiver.

"why would I, she's just a bait na gagamitin natin.

She's not that special.." dagdag pa nito. Hindi niya naituloy ang pagpasok at umalis nalang siya.
Inaamin niyang nasaktan siya sa mga narinig niya.
Iniisip niya na sanay na siya dito, being used for something.

Napa buntong hininga siya habang pinagmamasdan ang kabilugan ng buwan sa labas ng bahay. "I miss you ate Zephy"
She said. Sinabayan naman ito ng pagpatak ng kanyang mga luha.

Kinabukasan, tahimik lang na kumakain ng agahan si Zoe kasama si Lucas at mga tauhan niya. Masama ang loob nito kay Lucas hindi dahil ginagamit lang siya kundi di niya maintindihan ugali nito. Gusto niya lahat ng gusto niya masusunod.

"Ang lalim ata ng iniisip mo" ani ni Quiver kay Zoe, binalewala niya lang ito at pinagpatuloy ang pagkain.

"You keep on acting that way, di nako mag tataka kung bat masama pakikitungo ng mga kapatid mo sayo" sabi ni Lucas, natigilan naman si Zoe sa pag-kain dahil sa sinabi ni Lucas.

"hindi mo alam ang sinasabi mo"
" wala ka man lang kakampi how—"
"kaya nga hinahanap ko ang ate ko Diba! Dahil siya lang ang kakampi ko" di na napigilan ni Zoe ang sarili niya at nasabi niya yon.
"where's your sister?" pagtatanong ni Quiver
"she's gone!" she wipe her tears and walked out.
She really miss her sister, at di niya alam kung saan ito hahanapin.

____________________________________________
Enjoy reading babies 💕

/please don't forget to follow @naomi_xxie THANK YOU!/

A Demon's LoveWhere stories live. Discover now