Chapter 12- My Own Investigation

3 0 0
                                    

Palinga-linga ako sa paligid para alamin kung walang bantay na nakatingin sakin, dali-dali kong binuksan ang kahon na kinuha ko sa kwarto ng ate.

Hinalungkat ko ang laman nito upang alamin ang mga mahahalagang impormasyon na iniwan sakin ni ate zephy.

Ilang sandali pa, naagaw agad ng aking pansin ang isang maliit na album na nakatago sa ilalim ng mga sobre kaya tiningnan ko ito.

Tumambad sakin ang litrato ng ate nung siyay bata pa, at hindi ko inakala na nandito rin ako.

"Hindi niya talaga ako kinalimutan"

At bigla nalang ako nagtaka kung sino ang batang lalake na kasama niya. Kaya tiningnan ko pa ang ibang litrato nila na nasa album. "Noah and Zephy" nakalagay sa likod ng litratong kinuha ko.

"Gan'to pala si Noah" saad ko sa sarili ko.

Walang ano pa'y kinuha ko ang flashdrive na nakita ko sa kwarto ng ate.
************
"Uhh...Andrew pwede magtanong?"

"Ano yun?"

"May laptop ka ba? Pwede hiramin?"

"Bakit anong gagawin mo?" Pagtataka ni Andrew.

"Titingnan ko lang sana laman nitong flashdrive na kinuha ko sa bahay ng ate ko, sandali lang promise..pleaase?"
Pagmamakaawa ko kay Andrew.

" Hayss O sige, basta sandali lang ahh"

"YESS!! Thankyouu" tsaka niyakap ko siya

Pagkuha ko ng laptop niya agad naman ako tumungo sa kwarto ko para buksan ang flashdrive.

"SAFE"

Agad ko binuksan ang folder na ito para alamin ang laman nito.
Walang ano-ano pay tumambad sakin ang mga litrato nila Timothy at Thalia? "How can that be?, Kilala sila ni ate Zephany?"

Hinalungkat ko pa ang laman ng folder. Natuklasan ko ang iba't-ibang mapa, kaya napuno na kagaad ako ng curiosity.
Tapos nun may isang folder pa na nakalagay "DEMONS" at isang litrato ng symbolo ng grupo.
Akmang bubuksan ko na ito ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Hep!! Times up, akin na laptop ko," saad ni Andrew.

"Ayy hehe suree sayo na, thanks btw"
Panira naman to

"Uhu, no probs" at kinuha niya yung laptop niya.

******************

"Zoee~~ he's already right next to you"

"Noah~~ help her!!"

"Zoe run!!"

Bigla akong nagising dahil sa masamang panaginip.

It's already 8 am, at masyadong late na pala gising ko.
Bigla ko naman naalala ang folder na iyon "DEMONS"  At nakalimutan kong kunin ang flashdrive na nasa laptop ni Andrew.

Kaya dali-dali akong bumangon kahit nakapantulog paako.
Hinanap ko kaagad si Andrew.

"Uh excuse me nakita mo ba si Andrew?"

"No"

"Si Andrew asan?"

"Nasa garden"

Agad naman ako tumakbo patungo aa garden, at naabutan ko siya.
_____________________________________
Third Person's POV

"Andreww!!!" Sigaw ni Zoe sa malayo, agad namang napalingon si Andrew sa Kanya.

"O bakit?" Tanong nito

"Laptop mo asan?!" Hingal na tanong ni Zoe

"Ano? Diba kakatapos mo lang hiramin yun kahapon?"

"Naiwan ko flashdrive ko dun"

"Ohh really?? Bakit anong laman nung flashdrive na yun?" Pagtataka ni Andrew

"Sabihin mo na kasii" inis na sabi ni Zoe

" San ko nga ba yun nilagay.....hmm.. sa kwarto ni Luca..." Hindi na pinatapos ni Zoe si Andrew at agad na tumungo sa kwarto ni Lucas..

"Patay na.. bawal siyang pumasok dun"

Hingal na hingal si Zoe na umakyat pupunta sa kwarto ni Lucas.

Kumatok siya ng ilang beses at hinintay na buksan ang pinto, ngunit walang sumagot.

Dahil naiinip na siya sa kakahintay, binuksan niya ang pinto ng kwarto ni Lucas.

Agad nawala sa kanyang isip ang kailangan niya ng namangha sa ayos ng kwarto nito.

Halos lahat ng gamit ni Lucas ay nasa tama at organisadong lalagyan. Nilibot niya ang loob nito dahil malawak din ito.

Agad naman naagaw ng kanyang pansin ang isang picture frame na may litrato ng dalawang bata.

Agad naman siyang nagtaka dahil mukhang pamilyar sa kanya ang batang iyon.

"Ate Zephy?"
Bat siya nandito

Pinagmasdan niyang mabuti ang batang kasama ng ate niya.

Nabalik ang kanyang isip sa larawan na nakita niya sa album ng ate Zephy niya.
"Noah... it's Noah"
Bakit merong ganito si Lucas

"What the hell are you doing here?!" Agad namang napalingon si Zoe kay Lucas na kakapasok lang sa kwarto niya.

"Hinahanap ko ang laptop ni Andrew"
Kinabahan si Zoe dahil sa madilim na awra nito.

" Sino nagsabi sayo na pwede kang pumasok dito?" Agad naman kinuha ni Lucas ang picture frame ngunit pinigilan ito ni Zoe.

"Sabihin mo... Sino 'tong batang lalaki na nasa litrato nato" tanong ni Zoe kay Lucas.

"Anong kailangan mo jan?"

"I'm asking you, who is this boy?" Hindi alam ni Zoe ang nangyayari sa sarili niya, pero sa puntong yon naiiyak na siya.

Dahil sa gusto niya ng kasagutan sa mga tanong niya, pakiramdam niya unti-unti ng nabubuo ang mga tanong  sa kanyang isipan.

Agad na hinablot ni Lucas ang picture frame kay Zoe.
"Get out of my room now! "
Walang choice si Zoe at umalis nalang siya.

Kailangan niya umipon ng lakas ng loob para sa pag iimbestiga niya.

______________________________________
A/N:
Stay still babies, there's more exciting moments will be shown to you.


A Demon's LoveWhere stories live. Discover now