Chapter One

14 2 0
                                    

E T H A N   A Q U I L A

"Nine years na ang lumipas pero hindi parin nakita sina Damian at Dylan." malungkot na turan ni Hyde.

Tama nga si Hyde. Ilan sa aming magkakaibigan tumuntong na sa edad na 16 pero hindi parin sila nahanap ng mga nagiimbestiga.  Sa narinig ko nila mama at tita Becca; ang ina nina Damian at Dylan, wala paring clue kung saan sila. At kahit saang sulok ng Intel City, lahat ng naaapektuhan sa pangyayari ay walang kaalam alam kung saan nagpunta ang dalawa.

Kung andon lang sana ako nang mangyari yun....

"—than! Ethan Aquila?!!!AQUILA?!?!?!?!" nabalik ako sa diwa nang marinig ko ang pagbanggit ng second name ko.

"How many times do I have to tell you EMMANUEL Hyde, stop calling me in my second name?" malamig kong diin sa pangalan nya.

Anyway I am Ethan Aquila Perez, 15 years old. Nag-aaral sa Apollo Highschool, simula nong nangyari ang pagkawala ng kambal ay lumipat kami ng ibang Town. Okay lang naman kay Tita Becca dahil para lang naman sa kaligtasan namin, pero di ko inakala na dito ko makilala ang mga bago kong kumag na kaibigan.

Isa na dyan si Emmanuel Hyde Martinez, 15 years old. Two months lang ang gap namin. Childhood  acquaintance pero naging barkada ko na. Magkapitbahay kasi kami noon, kaya nong makita nya ako sa Section D nong Grade 6 dito sa Pravelle Town. Agad nya akong yinakap. When I say hug, it's a big bear hug. Halos hindi na nga ako makahinga eh.

Ikawala si Lucas Rhet Delgado he's turning 16 next month. Sa aming apat, sya ang hindi talkative, cold aura at syempre napaka introvert. Ngunit di nyo inakalang maging kaibigan namin sya hindi ba?

Ang bumubuo naming lahat ay si Aidan Lee Beltran. 16 years old pero childish.  Heartthrob ng paaralan namin, oo inaamin ko. Hindi sa mahangin ngunit wala sa aming apat ang pangit, pero sa aming apat sya ang sikat dahil active sya sa lahat na tasks and  requirements ng school. Matalino naman kami pero sya lang ang masipag.

Pero alam nyo kung ano ang naging dahilan kung bakit connected kami at naging magbarkada?

May isa kasi kaming habit na common naming lahat. Ang pagiging gamer. Yup, lahat na sigurong laro na salihan na namin, iisang team but sometimes enemy.

Nabalik ako sa realidad nang  nadama ko ang hapdi sa braso. 

"Nawawala na naman ang kaluluwa niya." nilingon ko ang nasa kanan at bumungad ang mukha ni Aidan. Napaka cinnamon roll rin nya kaya nagkakaintindihan sila ni Hyde while ako at si Lucas naman ang nagkakaintindihan. Hindi sa isa akong introvert kagaya ni Lucas, nagiging approachable naman ako pag nasa mood.

Pansinin ko nga to...

"Ano ba kasi ang kailangan mo?" irita kong tanong kay Hyde na nasa kaliwa.

"Kanina pa sya nagtatanong kung ano ang masasabi mo sa pagkawala ng dalawa." sagot ni Aidan, binalingan ko si Lucas at ayon mas interesado pa sya sa crossword kesa sa pinagsasabi ng dalawa.

Alam na kasi nila Aidan, Hyde at  Lucas sa nangyari kina Damian at Dylan dahil nga isang sikat na model ang ina nila. Kaya nong mangyari yun agad itong lumaganap sa iba't ibang City. Heck! Ibinalita nga sa media.

At nang malaman nilang kaibigan ko ang kambal, agad silang nagtanong sakin pero hindi naman nila ipinagsasabi sa iba kasi iyon ang hiningi kong kapalit.

"Well para sakin, kung san man sila ngayon sana matiwasay ang kanilang pamumuhay." sabi ko, nakita ko naman kung pano ngumiwi ang mukha ng dalawang cinnamon.

"Ang ibig mo bang sabihin, ay patay na sila?" ngayon na namay si Hyde ang nagtanong.

"Ano? Hindi ah?! Bakit ba ang rami nyong tanong tungkol sa dalawa? Investigator ka na pala ngayon Emmanuel Hyde?" biro ko sa kanya, napatawa naman si Aidan at ngumiti lamang si Lucas sa biro ko  pero ang Hyde, hindi nya nagustuhan.

Welcome To Cambli Ryosa! (DISCONTINUED)Where stories live. Discover now