Chapter Four

7 2 0
                                    

A I D A N L E E


Time check-5:38 AM

Sigh... Tama kayang a-absent muna ako? Wala na din naman akong kawalan dahil dumeal na ako kay Ethan.

Ewan ko ba, dahil sa Cambli Ryosa app na yan eh nagkadilitchi-letchi ang buhay namin. Para sakin, siguro wala namang masama sa app na yan. Ang problema lang talaga ay biglang na install sa kanila.

Sabagay, hindi naman iyan mangyayari kapag walang rason-Wait, ibig bang sabihin may kahulugan ang pagka-install sa kanila?

Huminga ako ng malalim at kinuha ang phone pati ang eyeglass kong nasa night stand. Kumurap-kurap muna ako para masanay ang mga mata sa biglaang liwanag.

Napalakas ko ata ang brightness. Tsk!

Pag-open ko biglang may nagpop up na notification.

"Your phone is already full storage" wala sa sariling ani ko.

Hays... Mamahaling cellphone pero agad nafu-full storage. Sabagay kasalanan ko naman, ang dami ko kasing picture ni-

"AIDAN?!"

Napatadyak ako sa bedpost nang marinig ang pamilyar na boses,
"MA?!" sigaw ko pabalik at akala'y mahuhulog na ako sa kama nang makita ang pagmumukha ni mama. Halos magkadugtong na ang kanyang kilay sa galit.

Sheeeeetttt... Nahuli na naman akooooo....

At nang umakma syang pumarito sa kama ay agad kong hinablot ang kumot at nagtalukbong. Hay nako! Dise-sais na sana pero takot parin mapalo, ang sakit naman kasi mamalo ni mama buhat na siguro ng pagiging delinquent.

"Ba't hindi ka pa natutulog?!" nakakabulabog nyang sigaw, jusko mukhang umigting yung eardrums ko.

Sumilip ako ng kaunti sa gilid ng kumot, at biglang sumalubong sa paningin ang ina kong nakapamaywang.

Nako, magpaplano sana ako kung paano tumakas eh mag qua-quater to six pa nga lang nahuli na kaagad ni mama aish!

"K-k-k-"

Isip, ayusin mong pag-gagawa ng alibi ali na... Nako napaka bad trip bukas pa ang usapan kung kelan gawan ako ng alibi ni Ethan. Nangangahulugan lang talagang hindi nakikisang-ayon si tadhana sa kabulastugan namin.

Napasyahan kong umupo pero hindi parin tinanggal ang tinalukbong kumot. Nakapikit habang nagdarasal na sana may milagrong darating.

At hindi nga dumulas ang dila ko, biglang tumunog ang phone na nasa dulo ng kama.

And then milliseconds past, I saw my mother's silhouette towards my bedpost, picking up my phone. Sh*t I think my heart stop pounding on my chest when she said "hello" to the other line.

Sana si-

"Yes Ethan, napatawag ka?"

Nang marinig ko iyon kay mama, inipon ko ang natitirang lakas para lang hindi ako tumalon sa kama. Yes! A fortune came!

Tinanggal ko ang kumot na nakatalukbong sa akin at tiningnan si mama. Seryoso itong nakikipag-usap kay Ethan. Tahimik akong napa-sigh in relief kahit hindi ko pa alam kung ano ang dahilan ng pagtawag ni Ethan pero halata na sigurong tungkol yan mamaya.

Alam naming lahat na hindi sya matataguriang si Ethan kung hindi nya gagawin ang mga kabulastugang rason. Nakakatawang isipin na ang first impression ko sa kanya ay may nakakatakot na aura which is true ahahaha pero hindi ko inakalang gagawin nya ang lahat para sa mga kaibigan nya. Parang kahapon lang ako natulungan nya sa mga mangbu-bully.

Welcome To Cambli Ryosa! (DISCONTINUED)Where stories live. Discover now