A R I A . S .
"Ano ba Aria?! Wala ka bang balak pumasok?!"
"Ewan."
"Anong 'ewan'?! Sira ka ba?! Anong oras na at nakahiga ka pa 'din diyan sa kama mo! Tumayo ka na!"
"Ayaw- aray ampucha! Bakit ka nanghahampas?! Napakasakit kaya ng-"
"7:50 na at 25 minutes nalang bago magsimula ang klase. Maghanda ka nalang muna kaysa magbunganga diyan."
Sinamaan ko siya ng tingin bago tumayo at pumunta sa banyo. Nakakabuwisit talaga si Brielle. Noong lunes pa niya ginugulo ang buhay ko. Panay sermon ang peg, akala mo naman ang ganda tignan. Nakakasawa kaya mga pinag-uusapan namin.
"Putek naman Aria! Lunes na lunes lalantay-lantay ka kumilos diyan!"
"Anong oras palang naman."
"Haler? 8:00 na po! Male-late na tayo! Gusto mo bang maging bad influence ka sa mga estudyante?"
"Bakit naman? Hindi naman na ako ang president di'ba?"
"So? Hahayaan mong maapektuhan ka ng suspension mong 'yan?! Putek ka Aria! Grow up na! Hayaan mo muna 'yang suspension mo at maging normal muna na estudyante!"
And story repeat itself. Halata naman kung sino ang may kasalanan di'ba? Siyempre si Brielle. It makes sense naman, right?
Garden.
Parang gusto kong ipa-demolish 'yung garden. May kamalasan ata na nandoon. Tsk tsk tsk.
Bahala na si batman.
-' ¦
"Aria! Pinapatawag ka ni Mr. President!"
"Ha? Baka Mr. Principal?"
"Si Mr. President nga! Si Ryu!"
"Bakit daw?"
"Bilisan mo na!"
"Ang ingay naman ni Brielle."
"Pre, masanay na tayo diyan. Pagtiisan nalang natin siya dahil dito na siya sa section natin buong school year."
"Mas gusto ko pa 'yung kaingayan ni Diana."
"Rinig ko kayo mga hindot! At, tignan lang natin kung matitiis niyo ako!"
Tumayo ako at lumabas ng classroom. Hinayaan ko nalang si Brielle na makipag-bangayan sa room. Hindi ko nga alam kung paano niya napapayag si Ms. Lee na ilipat siya sa section namin.
Hindi ko na siya tinanong kung saan ako pupunta. Halata namang pinatawag ako ni Ryu dahil sa deal 'kuno' namin.
"Yow!"
Speaking of the devil.
Ngumiti siya ng PAGKATAMIS-TAMIS sa akin. Yung tipong sa sobrang tamis ang sarap patayin? Ewan ko nga 'din sa lalaking 'to. Noong natapunan ko siya ng hot chocolate grabe ang galit pati na rin noong nasa cafe kami. Tapos ngayon? Parang napaamong dragon.
"Did you think about it?"
"Yeah."
"You sure?"
"Yeah."
"Sure na sure?"
"Yeah."
"Ano? Payag ka na ba?"
"Yeah- wait!"
"Yey!"
Nanlaki nalang bigla ang mata ko nang bigla niya akong yakapin. Putek, ang higpit! Hindi naman kami close ah?!
"Uy, close pala sila?"
"Parang kailan lang noong nag-away sila sa cafeteria ah?"
"Oo nga. Pero in fairness, ang cute tignan."
Wtf?!
Dalian ko siyang tinulak at sinamaan ng tingin. Si loko naman, nakangisi. Ang cute! Ang cute ipasagasa sa bus!
"Excuse me ha? Pero, nagkamali lang ako ng sinabi-"
["Ano? Payag ka na ba?" "Yeah-"]
"AND BOOM! RECORDED!"
"Foul yan! Hindi naman talaga-"
Oh boy...
"You have no escape, my lady."
//
updating 'coz treasure already debuted!!
treasure roty <3 <3
\\
![](https://img.wattpad.com/cover/227062704-288-k943378.jpg)
BINABASA MO ANG
The Dyad's Dance ' ep.1 || ON GOING
Romance₍ 📣 ₎ synopsis "You will pay for this!" "Sorry na nga, 'e!" ↬A story in which ; the student council's president accidentaly spilled some hot coffee into the principal's son. ↬full moon high epistolary 📁i. mysticyangiel↫ - {☕.}