Paghanga LangNung araw na nakita kita
Ako'y napanganga bigla
Sa mga mata mong mapupungay
Na parang ako'y mahihimatay
At sa korte ng iyong kilay
Na tila akoy mapapahimlayAraw-araw kitang pinagmamasdan
Kahit sa malayo man lang
Makita lng kita
Araw ko'y buong-buo naAlam kong hinahangaan lang kita
Ba't parang lumalalim na?
Sa konting panahon na nakilala kita
Ako'y nahulog na
Di ko man maamin sa iyo
Pero sana'y mapansin moNgunit biglang tumigil ang aking mundo
Nung nalaman kong may iba kang gusto
Alam kong wala akong pag-asa sayo
Dahil sa tuwing nandiyan ka balewala lang akoSino ba naman ako?
Isang dilag na patay na patay sayo
Pero huwag kang mag-alala,
Pipilitin ko ang nararamdaman ko sa iyo'y maglaho
Para hindi na ako masaktan ng lalo.......
Hayss.. I dedicated this poem to my crush, back when I was a grade 7 HAHAHAHA hanggang tingin lang ako bhiee😅. Hope you love this poem. 🙈🙉