"Addie, What if your long time crush started hitting at you?"
Tanong ng isa sa matalik kong kaibigang si Sheena habang kami'y naglalakad sa hallway ng Villegas Building papunta sa canteen ng City University.
Napaisip ako sa tanong niya at natawa ako bigla."Impossible, di niya nga alam na nageexist ako. Pano niya ko mapapansin"
Diretsong sagot ko sa kanya. Im not delusional person para isipin yun, I love non fiction story but I know the difference of truth and not sa isip isip ko.
"Saka, wala akong planong magpakilala unless graduate na ko, siguro papapicture lang ako for souvenir then okay na yun" dagdag ko.
It was only a simple crush on the first place and hindi ako bata para isipin na ikamamatay ko if di ko na makita si crush.
"Pero I really wanted to have a picture with him, I mean masabi ko man lang na lumandi ako nung college in the future" sabay hagikgik ko.
I really fond of collecting memories and all the dumb things na gagawin ko for fun in the future since I regreted that during my highschool days where I took it seriously.
"Really dumb.. " kasabay ng pag iling ko ng aking ulo.
Well, coming back to this mysterious crush guy. I started to admired him during second semester of my second year as college student.
Dapithapon na at papauwi na kami noon dahil tapos na ang klase namin. Kasabay ko ang anim na kaibigan ko and we were walking palabas ng Corazon Building hanggang sa malapit na kami sa gate ng school. Plano ko sanang sumakay sana ng libreng shuttle bus para makatipid.
"Sasakay ka ng shuttle bus? Ang haba ng pila na " Tanong sakin ni Rick sabay turo niya sa labas ng gate.
Napatingin ako sa sakayan ng bus and andami na nga kaya napilitan akong mapailing bilang sagot. Sayang yung aircon. Sayang yung 16 pesos.
"Late na kasi tayong pinalabas ni Professor Reyes, bangag na nga ako sa klase di ko na maintindihan yung lecture niya sa Anatomy" dagdag naman ni Les habang nakasimangot.
"Tangina talaga!, andami pang home activities, mga feeling major yung minor subjects" Gigil naman na sabi ni Evan.
Napahalakhak na lang kami sa lutong ng mura niya habang si Mae ay napangiti na rin.
"Si Sheena nasaan na? " bigla tanong ni Mae sabay tingin sa may likuran ko. Napalingon na rin ako ngunit di namin nakita si Sheena.
"Wait lang daw, kinausap niya lang yung isang kaklase natin para sa groupings nila" sagot naman ni Rick na nasa likuran namin.
"Wait na lang natin siya sa labas ng gate, alam niyo namn yung mga guard dito sa school, feeling batas chakadoll naman" Sabi ni Claire sabay simangot.
Habang naghihintay kami sa labas ng University gate, naguusap naman sila Evan, Rick, Claire, Les. Habang di Mae ay hawak ang kanyang phone.
Hinarap ko ang aking bag para iwas nakaw at dahil ngawit na rin ang aking balikat sa bigat. Napatingin ako sa langit, kinakain na ng kulay kahel ang langit kasabay nito ang unti unting pag dilim ng kalangitan.
Hindi ko napigilan ang masdan aking paligid at tignan ang mga estudyanteng nakapila, naglalakad pauwi at mga nag-usap. Typical set up ng uwian sa isip isip ko.
Maya maya ay nakalabas na rin si Sheena at nakisabay sa usapa ng aming barkada. Nagsimula na kaming lumakad ngunit hindi sinasadyang nahagip ng mata ko sa isang madilim na bahagi ng daan sa kabilang dako ay may isang bulto ng lalaki na naglalakd rin pauwi ang naka nakaw ng pansin ko.
Hindi ko alam anong nangyare pero namagnet yung tingin ko sa kanya. It was not a love at first sight because I dont believe in them. I just find him attracting. He was tall, dark and musculine kahit bulto niya lang ang nakikita ko. Medyo gasgas na description sa mga romance novel pero it was the first time na naprove yun sa diwa ko.
He was wearing a light blue long sleeve and a black pants with his black backpack. He has this strong aura and serious face and I know hindi lang ako ang nakapansin sa kanya that time because I know some girls noticed him too. Everything suits him really well. His musculinity is overwhelming and Im not maniac or something but I know inside those clothes is a mesomorph body.
Tinitigan ko siyang mabuti habang naglalakad. I had this urge na I want to see his face pero natatabingan iyon ng dilim. May ilaw sa aming dinaraanan but it wasnt enough para makita ko.
While walking on the other sideway. My friends were still talking about our exams and perks of some of the professors in our college habang nagpahuli ako sa kanila para sabay siya sa lakad.
"Hmmm.." I murmured while thinking if what college does he belong. I chuckled thinking na sana makita ko siya ulit. Staring is rude but I fancy him for unknown reason. Well fancy lang naman. After that, napansin kong kumanan na siya and there I lost the sight of him.
"Sayang, hindi ko masyado nakita yung mukha. " sabay ngiti ko. Sinabayan ko ng maglakad ang aking mga kaibigan sa paglakad. He gave me good vibes kaya sumali na rin ako sa usapan nila.
-----------------------------------------------
Sorry for the grammar. Thanks for reading.
BINABASA MO ANG
What Ifs
General FictionEvery one had there fair share of what ifs. They were questions for people that usually has trust issue and needs a lot of assurance... ________________________________________________ They say sometimes you need to take a risk, go outside your com...