1

1 0 0
                                    

Third Person's P.O.V.

In the middle of the night, screams were heard inside the abandoned building. But no one is able to hear it outside. Mourns of the innocent kid, totally blind folded and tied on a pole. He was all by himself, suffering from the pain buried inside. "Mama, Papa," he cried out loud as he mentioned those ones he loved. Calling them by their names was the only thing he could do. 

A metal noise was heard near him. A metal tube was dragged and rasped against the floor, creating a loud noise. He remained silent, trying to avoid sobbing loudly. Once he creates some noise, it is all over. His body was trembling; fear was all he could feel. It was like his last day on earth. 

The presence of the murderer is too strong for him to stay calm. He knew that the guy was standing in front of him, waiting for his final breath. But after a few minutes, it remained silent. It feels like the room he was in was empty.

Suddenly, skin touched the back of his head. He removed the blindfold on his head. In a second, he can now clearly see where he was. The whole room was dark, and the bonfire was the only light inside. The bodies of his family were lying on the ground, dead. 

"Mama... Papa..." he cried out loud. He tried untying the rope, but it was no use. His body was too weak to force a move. It was like the whole world had given up on him. There's no hope for him to survive at this point. All he can do was crying, begging for his life. 

He suddenly woke up from that dream.  Agad niyang hinawakan ang kaniyang kaliwang mata habang umiiyak. Suddenly, his roommate woke up from the noise. "Ayed? Okay ka lang ba?"

Agad naman niyang pinunasan ang luha niya at huminga nang malalim. "Hindi, natusok ko lang mata ko habang natutulog."

"Ang tanga mo naman, matulog ka na nga" sabay taklubong.

Napailing na lang si Ayed at pinagmasdan ang kisame. He stayed awake the whole night with full of questions on his mind. What could be the reason for him to suffer from a nightmare?

-

Ayed's P.O.V.

"Ayed! Nanilip ka na naman ba? Berde mata mo eh" agad ko naman sinipa yung paa niya. "Aray! nagtatanong lang, anong masama don?" habang hinihimas niya ang paa niya.

"Hanggang kailan mo ba ako aasarin? Napakakorni ng joke mo" sabay hawi sa buhok ko.

"Penge pambili contact lens pre. Para matchy matchy tayo" at saka nagpapangit sa harap ko. Kung sa iba pacute 'yon, papangit tawag non sakin. "Tantanan mo ko, Hindot"

"Alam kong Hin ang tawag mo sakin, pero huwag naman dumating sa Hindot. Ito naman, 'di mabiro" sabay siko sakin. "Kain na, bagal bagal mo kasi. Hindi naman kasi uso maligo eh." dagdag pa niya.

"Huwag mo nga ako igaya sayo. Malinis akong tao please lang." sabay upo.

Since pareho kaming walang pamilya ni Hin, magkasama kaming nagrerenta dito sa transient. Turingan na namin ay magkapatid. Minsan kaaway din, o sapilitang 'di na lang kilala.

"Ayed, napapatanong pa rin talaga ako," tanong niya habang kumakain kami. "Ano na naman?"

"Sa tingin mo ba Foreigner magulang mo tapos Filipino yung isa. Tapos ipinanganak kang half-half, kaya green isang mata mo." napailing na lang ako sa tanong niya.

Kung ano ano lang talaga pumapasok sa isip niya. Ang bilis magisip ng mga walang kwentang bagay pero kapag mga patalasan na ng utak, tunganga na. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ginagamit ang utak niya sa mas importante? Sa kalokohan pa talaga gumana.

"Bakit mo ba pinapakealaman 'tong mata ko? inaano ka ba? Minu-minuto mo atang pinag-iisipan."

"Curious lang talaga ako. I mean, hindi mo ba talaga alam kung bakit? or sadyang ano yong tawag non? sakit na ano pucha ano ulit yon? basta yung sakit na magkaiba yong mata?"

"Ba ka heterochromia." Napabuntong hininga na lang ako.

"Ay Oo yon, talino mo ha" sabay palo sa balikat ko. "Penge naman ng utak lods." Minsan talaga hindi ko alam ang gagawin ko dito. Minsan naman matino, hindi ko lang alam anong trip niya ngayong araw.

"Nga pala Ayed, ikaw nga maggrocery ngayon. Kailangan ako sa cafe eh, kulang kami ng staff. Tutal wala ka namang ginagawa, pasuyo na. Kumakain ka rin naman."

"Wow ha, kala mo talaga ikaw naglilinis at nagluluto. Prito lang naman alam mo." sabay subo.

"Atleast masarap, kasing sarap ko." Kunwaring nasuka naman ako at inilayo agad yung plato ko. "Hindi masarap, lasang luma."

"Parang tanga naman 'to, anong luma ka dyan? Matanda lang naman ako sayo ng ilang taon ah." Natawa na lang ako sa pagmamaktol niya.

-

Wala ng laman 'yong ref namin kaya kailangan nang maggrocery. Habang tumitingin ako ng yakult, may narinig akong sigaw ng babae. Tumingin tingin ako sa paligid ko pero nakatunganga lang 'yong mga tao.

Naglakad ako palapit sa ingay at biglang nabangga ako ng isang lalake. Nakamask siya, nakacap din at itim lahat ng damit. Tumingin ako sa sumusunod sa kanya at iyon ang babaeng kanina pang sigaw ng sigaw.

Agad akong tumakbo para habulin nang mapagtanto kong magnanakaw 'yon. Binato ko 'yong isang de lata sa harap niya at nangyari ang inaasahan ko. Pagkaapak niya sa lata ay agad siyang natumba. Hinablot ko agad ang bag at tumawag ng pulis.

Bago pa siya makatayo ay nagsitakbuhan na 'yong mga pulis palapit sa kanya. Hinagilap ko naman 'yong may-ari nong bag. Ang alam ko kasunod ko lang kanina.

Pagtingin ko sa likod ko ay nakita ko ang babaeng may hawak na basket at bigla akong hinampas. "teka miss! Hindi ako yong magnanakaw!" pang-aawat ko sa kanya.

Tinitigan niya naman ako at napatingin sa lalakeng hinuhuli. "Hala sorry! Pareho kasi kayong nakaitim. Sorry talaga at tsaka salamat. Kung hindi mo ko tinulungan, ba ka nakatakas na 'yan."

Iniabot ko sa kanya 'yong bag niya at agad niya itong chineck kung kumpleto pa ang gamit niya. "Wala akong kinuha."

"Chinecheck ko lang, mahirap na kapag kulang no" habang busy pa rin siya sa paghahalungkat ng gamit niya.

Hindi ko na siya hinintay matapos at naglakad na ako pabalik sa cart ko. Ba ka wala na rin 'yong laman non. "Hoy teka! Anong pangalan mo? tsaka number mo para naman masuklian ko 'yong pagtulong mo sakin"

"Hindi na kailangan. Mag-ingat ka na lang next time." Patalikod na sana ulit ako nang bigla ulit siyang nagsalita.

"Sasabihin lang eh. Sige na, huwag ka na maarte" napairap naman ako sa sinabi niya. Kailan pa naging maarte 'yong pagtulong ng walang kapalit?

"Hindi ako maarte, ayoko lang makaabala. Okay?" pagsusungit ko. "Ako nga nagaaya tapos abala pa. Sabihin mo na lang para tapos na." at saka niya binigay 'yong phone niya para mailagay ko number ko.

No choice kundi ilagay number ko at sinave sa contacts niya ang pangalan ko. Hindi na ako nagsalita at naglakad na lang palayo.

"Hoy salamat Ayeeed! Libre kita bukas!" Napailing na lang ako.

Green-EyedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon