2

0 0 0
                                    

Ayed's P.O.V.

Pagkatapos ko maggrocery at iligpit sa transient, agad akong pumunta sa cafe na pinagtratrabahuan ni Hin. Nagugutom na rin ako at gusto ko ng tumikim ng kape.

Papasok pa lang ako, rinig ko na ang sigaw ng boss niya. Parang nagkakagulo sila sa loob. "ANONG KLASENG EMPLEYADO KA BA HA? ILANG BESES KA NA NAKABASAG NGAYON ARAW. ALAM MONG MADAMI TAYONG CUSTOMERS NGAYON AT DAHIL SAYO NAGSIALISAN NA SILA"

Pagtingin ko sa taong nasisigawan, nakayuko siya at nakatayo lang ng matuwid. Agad akong lumapit para awatin sila. "Teka teka teka. Boss hindi namn ata tama 'to. Pwede niyo naman ata siyang pagalitan mamaya o sa likod na lang. Huwag naman po dito sa harap ng mga customers." sabay harang sa gitna nila dahil kunti na lang parang sasaktan niya na.

"Pasalamat ka may umawat kundi kinalbo na kita" at pumunta na siya sa likod para kumalma. "Sorry po sa nangyari, hindi na po mauulit" sabi nong babae habang nagbobow sa mga tao doon. Agad siyang tumakbo palabas pagkatapos siyang humingi ng tawad.

Susunod sana ako kaso pinigilan ako ni Hin. "Hayaan mo muna, hindi 'yan makakaiyak kapag nandoon ka." Tumango na lang ako.

"Sino ba 'yon? bagong staff?" sabi ko habang paupo sa bakanteng upuan. "Oo, first day niya nga ngayon eh. Syempre magkakamali 'yong tao, pero si boss kasi stress na stress ngayong araw. Minamalas nga naman" at saka ibinigay sa akin 'yong menu.

"Paniguradong hindi na 'yan babalik bukas, pinahiya ba naman sa unang araw niya" habang tinignan ko 'yong menu. "Dalawang Iced Spanish Latte at isang Chicken teriyaki 'yong medyo spicy lang."

"Bakit dalawa? ililibre mo ba ako?" tanong niya habang kinukuha sakin 'yong menu. "Libre mo mukha mo. Don ka na nga"

"Lakas mo naman uminom, parang naglalasing ka lang ha." pang-aasar pa niya.

Pagkaalis ni Hin ay agad kong hinanap kung saan nagtungo 'yong babae. Hindi ko mahagilap kung nasaan siya kaya hinayaan ko na lang muna.

May mga libro dito sa cafe kaya kumuha ako ng isa at nagbasa muna. Habang nagbabasa ako ay may lumapit sa akin na bata. Tinititigan niya ako na akala mo tumitingin ng obra.

"May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya saka sumandal paharap para mapantayan ko siya. Itinuro niya lang 'yong mata ko. "Nagtataka ka ba kung bakit magkaiba?"

Tumango naman siya. Ngumiti lang ako at sumandal sa upuan. "Hindi ka matutuwa kapag narinig mo 'yong kwento."

Bago pa makapagsalita 'yong bata ay tinawag na siya ng mama niya kaya pumunta agad siya. Sakto namang dumating na order ko na dala-dala ni Hin.

"Tinakot mo na naman ba 'yong bata?" tanong niya habang nilalapag lahat ng inorder ko. "Wala akong ginagawa ha"

"Agaw pansin din naman kasi 'yong mata mo. Sabi ko kasi sayo magsuot ka ng contact lens para di ka tanungin o biglang tinitignan. At alam mo na ngang ayaw mo ng atensyon tapos ikaw naman 'tong bigla biglang sumusulpot sa eksena." at saka siya umupo sa harap ko.

"Kunti na lang pagkakamalan na kitang nanay ko sa panenermon mo. Tsaka tama ba 'yang staff na umuupo sa gitna ng trabaho ha? Gusto mo bang isumbong kita sa boss mo?" Ganti ko sa kanya. Agad naman siyang tumayo at inirapan ako. Natawa na lang ako at nagsimula ng kumain.

Pagkatapos ko ay agad akong nagpaalam kay Hin na aalis na. Hawak hawak ko ang dalawang kape sa magkabilang kamay ko. Hinanap ko agad 'yong babae kanina. Pagtingin ko sa tabing eskinita ng cafe ay nandoon siya nakaupo sa sahig at magang maga pa rin ang mata.

"Oh" sabi ko habang inaalok ang kape sa kaniya. Tinignan naman niya ako ng ilang segundo bago niya tuluyang kinuha. "Okay lang 'yan, hindi talaga maiiwasan ang mapagalitan at mapahiya minsan."

Nanatili lang siyang tahimik habang sumisipsip sa binigay kong kape. "Okay lang din ang magkamali, matututo ka rin habang tumatagal" dagdag ko pa.

"Kung nadapa ka, tumayo ka ulit para tumuloy at gamutin ang sugat mo." Napatingin naman siya sakin pagkatapos ko sabihin ang mga katagang 'yon. Ngumiti lang ako at tumalikod na para umalis.

"Salamat" mahinang sabi niya sakin at tuluyan na akong umalis.

-

"Grabe pagod ko ngayon ah" sabi ni Hin habang sinusuntok suntok ang likod niya. "May napagod bang umuupo sa gitna ng trabaho?" sabi ko habang inaayos 'yong kama ko.

"Parang tanga namn 'to, hindi pwedeng magpahinga ha? Pasalamat ka ang laki ng kita mo sa pagbebenta ng gawa mo." at saka siya humiga sa kama niya.

"Wala na nga akong kita, papasalamat pa ba ako?" sarcastic kong tanong sa kaniya. "Ano pala ginawa mo ngayong araw? Gumagastos ka na naman no?"

"Naggrocery lang, tsaka umeksena ano pa ba?" sabay upo sa kama ko at kinuha 'yong isang notebook ko para maglista ng mga nagastos ko ngayong araw.

"Hilig mo talaga umeksena kahit hindi ka naman involve. Tinanong pala pangalan mo kanina" napatingin naman ako sa kaniya. "Nino?"

"'yong babaeng napahiya kanina? Ewan ko kung bakit, sinabi ko na lang. Papasalamat siguro sa pagtulong mo kanina" napatango na lang ako.

Biglang tumunog naman 'yong phone ko kaya kinuha ko agad at tinignan sino ang tumatawag. Unknown number, ba ka 'yong babae sa grocery.

Sinagot ko namn at nilagay sa loudspeaker dahil busy pa ako sa pagsusulat. "Hoy Ayed! Kita tayo sa grocery bukas, ililibre kita sa Golden Baboy kapalit ng pagtulong mo sakin! Sumulpot ka ha kundi ipapabluter kita" at bago pa ako umangal ay binabaan niya na ako.

"Tulong? Balak mo ba maging superhero sa dami ng tinutulungan mong babae sa isang araw?" sabi niya habang palapit sa akin. "Iyan ba 'yong paraan mo kaya madaming naghahabol sayo ha? Send tips namn dyan para naman magkajowa ako oh"

Agad ko siyang tinulak pagkaupo niya palang sa kama ko. Napaupo naman siua sa sahig sa lakas ng pagkalatulak ko. "Pucha naman uupo lang naman eh" habang tumatayo siyang hawak hawak ng balakang niya. "Yan napapala ng nakikialam sa buhay ng iba"

"So pupunta ka ba? papabluter ka daw oh paghindi ka susulpot." tanong niya sakin habang nakatayo siya sa harap ko. "Ano pa bang choice meron ako? Pagbibigyan ko na para matapos na. Tsaka sabihin mo don sa bagong staff na huwag na niya rin akong bayaran, please lang."

"Papakahero ka kasi, tatanggi ka rin naman pala ng pasasalamat." at saka siya bumalik sa kama niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Green-EyedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon