"I want to become a human like you Amelia." sabi ni Hael habang nakatingin sa palubog na araw. Lagi niya ito sinasabi sa akin. Gabi-gabi, bago matulog. Araw-araw, pagkagising. Naaawa ako sakaniya. Gusto ko na may magawa para matupad ko lang ang pinapangarap niya kaso wala akong ideya para matulungan siya.
Nagkita kami ni Hael nang minsan na akong naligaw dito sa kagubatan. Naglalakbay ako noon ng biglang umulan at naghanap ng masisilungan. Hanggang sa matagpuan ko ang malaking tahanan, mistulang napapalibutan ng supot ng gagamba. Na para bang walang nakatira.
Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na pasukin ito, nagulat pa nga ako na bukas ang pinto. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako ng may humahaplos sa noo ko. Minulat ko ang mga mata at laking gulat ko sa aking nakita.
"AAHHHHHHHHHH, ASWANGGG!!MONSTER!! AHHHH" sigaw ko kaya naman pati ikaw at nagulat. Akala ko nung una, tulad sa aking mga nababasa, ay kakainin mo ako. O kaya naman gagawing alay para mawala ang sumpa mo.
Yun pala ay ginagamot mo ako dahil nagkalagnat na pala ako ng mga oras na iyon.
Habang tumatagal ay naging magkaibigan kami ni Hael. Tuwing wala akong ginagawa sa aming bahay ay tumatakas ako para lang mapuntahan siya. Tumatakas ako para lang makasama siya.
Hanggang sa maramdaman ko na may kakaiba na sa aking nararamdaman. Na sa tuwing nakikita ko siya ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa tuwing malalaman ko na magkakasama uli kami ay naghuhuramento ang puso ko.
"Diba alam mo naman na mahal kita?" sabi ko kay Hael. Napatingin naman siya sa akin at ako naman ay napangiti sa kaniya. Oo, alam niya ang nararamdaman ko. Dahil umamin ako sa kaniya. Ayun ata yung oras ng kaarawan niya.
Papunta ako ngayon sa bahay ni Hael dahil kaarawan niya at gusto ko itong ipagdiwang kasama siya, pero hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang plano ko.
Sabi kasi ni manang sa akin, pag may nararamdaman ka sa isang tao, huwag mo ng itago.
Dahil baka mamaya, mahuli na ang lahat, hindi mo parin nasasabi ang totoong tinitibok ng puso mo.
Nung una ay nagdadalawang isip pa ako kung susundin ko ba si manang, kasi paano naman kung masira ang pagkakaibigan namin. Eh ayon na nga lang ang mayroon kami.
"Happy birthday, Hael!" sabi ko sabay paputok ng party poppers na inihanda ko. Nakita ko naman ang gulat sa mga mata niya.
Nakita ko din ang mga luha sa kaniyang mata. "Ngayon nalang may nagdiwang ng kaarawan ko. Salamat, Amelia. Dahil kahit ganito ang itsura ko, kinaibigan mo parin ako."
At niyakap niya ako. Hindi ko alam kung ano ang iaakto dahil bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko. Hindi ko nalang namalayan na niyakap ko narin pala siya pabalik.
"May gusto ako sayo, Hael." hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napagdesisyunan ko kasi na sumugal. Susugal ako dahil mahal ko siya. Natatakot man na baka may mawala, may tiwala parin naman ako sa kaniya.
May tiwala ako na kahit anong mangyari ay magiging magkaibigan parin kami ni Hael.
Humigpit naman ang yakap sa akin ni Hael. "Ako din. Matagal na. Pero natatakot ako, baka hindi mo ako magustuhan dahil sa kaanyuan ko." sabi niya sa akin.
"Kahit anong itsura mo o kaanyuan mo, basta ikaw si Hael, gugustuhin parin kita. Pipiliin parin kita." sabi ko at hinigpitan din ang yakap sa kaniya.
"Oo naman alam ko, kaarawan ko nga non nung umamin ka eh." biro pa ni Hael.
Tumingin naman siya sa akin ng may pagtataka.
"Pero hindi ka ba natatakot sa akin? Hindi ako prince charming na puwede mong ipaglandakan sa iba. Hindi ako tulad ng ibang ideal man na mayaman at gwapo. Kaya bakit mo pinili ang manatili sa tabi ko." sabi niya sabay tingin uli sa kalangitan.
YOU ARE READING
TRUE LOVE: ONE SHOT
FantasiAmelia is a beautiful girl. James is a beast, or a monster rather. She loves the monster. She sacrificed herself just to make him happy. Then the tables have turned. Will there be a happy ending story? Will they prove to each other that true love...