Prolouge

14 1 0
                                    

Zia POV

"NILIGTAS KA NIYA DAHIL AYAW KA NIYANG MAGAYA SA GIRLFRIEND NIYANG NAMATAY RIN SA BAKBAKAN"

patuloy na nagrereplay sa aking isipan ang sinabi ni Lea . Hindi ko alam kong masasaktan ba ako o magiging masaya na ngayon ay nasagot na ang aking tanong kaya pala laging nakabantay si Yander dahil ayaw niyang may mangyari sa aking gaya ng nangyari sa kanyang girlfriend na namatay sa bakbakan kaya pala ganoon na lamang ang kanyang pag aalala nong nabaril ako ang tuhod at braso ko kaya pala gusto niyang magresign ako. Kaya pala, ngayon nasagot na ang mga tanong ko.

Nakatingin lang ako sa kawalan iniisip kong ano pa ba ang magiging rason upang hindi ako magalit  kay Yander.

Mahal na mahal ko siya. Gustong gusto ko ang paraan ng pagaalala niya sa akin dahil nakikita kong mahal niya ako pero bakit ganon ang sakit palang isipin na nakikita niya ang yumaong girlfriend niya sa akin. Ang sakit lang isipin na parang akong repleka sa kanya.

Hindi ko namalayan na maraming butil ng luha ang kumawala sa aking mga mata. Kung iisipin hindi dapat ako nasasaktan eh dahil walang kami pero yung pinaparamdam niya sa aking special ako mali pala na magassume ako.

Tama nga si May ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa eh hindi pa nga niya sinasabi sa aking mahal niya ako. Ako lang talaga ang nagiisip na merong kami. Maling mali pala na umasa ako at isiping kami dahil ako rin pala ang masasaktan.

Masaya ako sa tuwing kasama ko siya dahil lahat ata ng ginagawa ko ay suportado niya pero ang hindi niya lang talaga gusto ay ang trabaho ko.

A/N: DON'T FORGET TO VOTE THANKS.....💗💗

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MILITARY QUEENWhere stories live. Discover now