Prolouge

1 0 0
                                    

Bryzon Series
Let's Sleep Together

Written by ItsZhyyy

Prolouge

"We can only see things on the surface"
-ItsZhyyy

Paano mo nga ba masasabi kung nahanap mo na ang taong nakatadhana para sa sa'yo? 'yung tao na siguradong handa kang samahan hanggang kamatayan. 'yung tipo ng tao na magpaparamdam sa'yo na hindi kailan man dapat katakutan ang pagmamahal.

We all have our own ideal type of relationship, sometimes we aim too high pero hindi naman lahat ng gusto natin 'e makukuha natin. Madalas, natatapat sa atin ang klase ng relasyon na malayo sa tinatawag nating "ideal relationship"

There's a kind of relationship na puro sakit lang ang meron, minsan kung sino pa ang taong nabibigay lakas sa'yo 'e siya pa ang taong dudurog sa puso at pagkatao mo. May relasyon ding' tinatawag na right love at the wrong time, yun bang pinagtagpo pero hindi tinadhana. Masakit pero kailangang tanggapin na hindi s'ya para sa'yo

May mga relasyon 'din namang puro saya lamang. Maraming naghahangad ng ganitong relasyon, pero sabi nila ang ganitong tipo relasyon daw ang pinaka-masakit sa lahat.

Dahil kapag ang relasyon na tila perpekto, tila walang problema, ay sinubok ng tadhana. Siguradong labis na sakit ang idudulot nito.

Parang yung mga sakit at problema na hindi n'yo naranasan 'e naiipon at bigla na lamang babagsak ng isang buhos na siguradong ikasisira n'yo.

Bahagya kong ini-angat ang manggas ng suot kong longsleeve. I've been standing here for about 10 minutes waiting for her. Ayos lang naman sa'kin maghintay, I courted her for a year kaya sisiw na sisiw nalang ang pag hihintay ng 10 mins sa kanya. She deserves all my time anyway.

Habang hawak-hawak ang flowers at chocolates 'e hindi ko maiwasang mapangiti. "Paano mo nga ba masasabi kung nahanap mo na ang taong naka tadhana sayo?" Wika ko sa isip ko.

Wala na akong paki.

Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko nang masulyapan ko na s'yang papalapit sa'kin.

Sigurado akong nasa harapan ko na s'ya ngayon, ang babaeng naka-tadhana sa'kin.

Kahit madilim, nagliliwanag ang kagandandahan niya. 'yung mga mata nya, nakatitig sakin habang may malaking ngiti sa mga labi. 'yung tipo ng ngiti na alam mong totoong masaya s'yang nakita n'ya ko.

Gantong-ganto ang eksena nang una kaming magka-kilala back when we we're just senior highschools. Parang slow-mo ang lahat.

She's wearing simple white dress at tinernuhan nya ng black na heels. Fuck! She's making my heart fall deeper. The way she walk kills me. Ang lakas ng dating n'ya. Bawat pag alon ng buhok nya 'e tila nagpapabagal ng mundo ko. No wonder why I'm so inlove with this girl.

"Happy 5th anniversary Sky!" bati ni Luna. "pinag antay ba kita ng matagal?"

Umiling ako at binigyan s'ya ng matamis na ngiti at iniabot ko sa kaniya ang dala kong mga bulaklak at chocolates.

"Kailan ka ba hindi na late." pabiro kong tugon.

"bakit nga pala dito mo ako pinapunta? 'e sarado na to oh! Gabi na ang dilim dilim." pagtataka nyang tanong. "saka Sky, meron bang nag date ng ganitong oras? Jusko! 1:00am ng madaling araw palang kaya."

Bahagya akong napangiti dahil sa reaksyon niya. Nasa tapat kami nagayon ng isang malaking amusement park. Pero sarado pa 'to. Sinabihan ko s'ya kahapon na pumunta dito sa ng 1:00am para i-celebrate ang 5th anniversary namin. 'di naman sya umangal, dahil alam nyang kukulitin ko sya pag hindi sya pumayag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let's Sleep TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon