"ken, okay ka lang ba? wag ka na ma problema sa lilipatan mong school dahil kaibigan naman ng daddy mo ang may ari non" pagpapaliwanag ni mommy habang naglalagay ng kanin sa mga plato namin.
hindi ko talaga maiiwasan na kabahan dahil hindi ako marunong makipag kaibigan, at sa Bright Future Academy ako papasok, sikat na sikat ang BFA dahil halos lahat ng estudanye doon matatalino at lagi sila nalalalo sa mga competitions.
Noong una natuwa ako dahil sa isang magandang paaralan ako papasok.
Sana mababait mga students doon
"mommy, sure naba na dun talaga ako lilipat?" pagtatanong ko. "bakit ken? Ayaw moba doon?"
"hindi naman sa ganon mommy, pero kung yun talaga ang kailangan papayag po ako" sabi ko habang sumusubo ng hotdog.
"ayon naman pala e, wag ka mag alala mababait naman ang mga students doon sabi ni Mr. Sullivan"
Buti naman, gumaan ng onti ang pakiramdam ko sa sinabi ni mommy. May halong kaba at excitement yung nararamdaman ko.
Kaya kami lumipat ng bahay tas school dahil sa business nila mom at Dad.
•
Pagkatapos ko mag Half bath, uminom na ako ng vitamins ko tapos inaayos kona mga gagamitin ko para bukas. Maaga ako matutulog ngayon kasi maaga din pasok bukas.
•
"Kenzie, gumising kana 6:45 na kanina pa tunog ng tunog yaang alarm mo" pag gigising sakin ni mommy. Hindi na ako nag salita dumiretso na ako sa Cr ko para mag toothbrush and maligo.
Pagkatapos ko maligo, dumiretso na ako sa baba para kumain dahil gutom na gutom na ako T_T
"Good morning baby" pagbati ni Dad sabay halik saakin sa pisngi.
"Mom, sino mag hahatid saakin papuntang school? " gusto kona makita ang bfa kaso kinakabahan talaga ako. "Si Miguel" maikling sagot ni Mama
Pagkatapos namin kumain uminom na ako ng vitamins tapos dumiretso na ako sa sasakyan.
"Good morning kuya" pagbati ko Kay kuya miguel, si kuya miguel driver namin sya sa bahay namin kaya hindi namin sya tinatawag na manong kasi parang parte narin sya ng family namin.
••
Hindi ako makapaniwala sobrang ganda pala nito, omg im so excited like literally to the highest level.
Kaso naalala ko yung mga students baka mga bully T_T
Hiniwakan ko ang dibdib ko sabay sabi ng
"KAYAA KOO TOOOO" pero syempre sa Isip ko lang yan sinabi dahil shy type ang bebe kenz ehe.
Habang pumapasok ako sa main gate hindi ko maiwasan mailang kasi lahat sila nakatingin saakin, ngayon lang ba sila nakakita ng pangit? T_T
Dumiretso na ako sa classroom na papasukan ko.
Kinakabahan talaga ako, MAMA HELP!!
pagpasok ko palang nakuha ko kaagad ang attention nila, hindi kona pinatagal umupo na kaagad ako doon sa pinaka likod dahil nahihiya nga ako.
'hala bulag ba sya? '
'lagot na'Hindi ako mapakali sa mga bulungan nila, ano ba meron kung umupo ako dito? Kanila ba 'to ha? ha?!!
Habang hinihantay yung prof namin nagbabasa muna ako ng wattpad dahil nakakabagot, naglagay ako ng earphones sa tenga ko dahil puro parin sila sa pag gogosip, and it's very annoying. Matagal tagal din ako nakapagbasa naka 30 chapters ako.
Ano ba ito ang tagal ng prof! Habang nag mumunimuni ako may lumapit saakin na tao, weird.
"tabi" nagulat ako sa sinabi nya, hindi ko nalang sya pinansin mga 3 minutes siguro sya naka tayo doon naghihintay ng sagot ko.
"SABING TABI!" nabigla ako sa pagkasigaw nya saakin.
"BAKIT HA? SAYO BA ITONG UPUAN NA ITO? KUNG SAYO ITO DAPAT NILAGYAN MO NG PANGALAN!!" sigaw ko sakanya, sabi ko naman sayo e wag nyoko kakalabanin.
"OO AKIN YANG UPUAN NA YAN! AYAN OH MAY PANGALAN!" turo nya sa sandalaan ng upuan
"bawal umupo dahil Kay Casper lang ito!"
"ANG YABANG MO AH! IKAW BA MAY ARI NG SCHOOL HA?!!" nakataas na noo na tanong ko.
"Oo, may problema?" kalmado nyang sagot.
"di. Mo. Ako. Maloloko.Tanga" sagot ko
"ika-----"
"good morning class sorry kung late ako, any way all of you sitdown" pag putol ni Sir Kay Casper daw na may DAW ari ng School!!!
"okay so, may bago tayong student dito, Kenzie and Casper stand up"
" hi! My name is Kenzie Iya Valere, but you can call me Ken or Iya"
Bigla naman tumayo yung katabi ko na Si Casper
"Casper Ivan Sullivan" sabay upo.
Dahil sa sinabi nya bigla ako napatayo"ANO IKAW SI ANG ANAK NI MR S-SULLIVAN??!"
tumango sya bilang pagsagot
•••••
A/N:
HI GUYS FIRST TIME KO MAG PUBLISH NG STORY, HOPE YOU SUPPORT ME, SORRY KUNG MERON GRAMMATICAL ERRORS. BYE!