Kabanata 9

82 54 59
                                    

"Lorynn, please."

Napabuga ako ng tubig at naghabol ng hininga. Ang sikip pa rin ng dibdib ko, pero buti na lang at mukhang ligtas na 'ko. Akala ko kanina'y mamamatay na 'ko.

"Thank God, you're finally awake, Lorynn."

Dahan-dahan kong nilibot ang tingin ko. May gwapong lalaki sa ibabaw ko, ngunit nakatagilid siya. Kulay asul ang mapupungay niyang mata, may mahahabang pilik mata, napaka-pointed ng ilong at ang pupula ng labi.

Hinawi niya pataas ang basa niyang itim na buhok. Basang basa siya. Bumaba ang titig ko at napahinto ako sa 6 pack abs nito, kaya mariin akong napalunok.

At hindi ko napigilan ang sarili na mas ibaba pa ang titig. Naging hapit ang manipis niyang shorts dahil sa pagkakabasa, kaya bumabakat ang kaniyang . . . Napakagat na lang ako ng ibabang labi.

"Hey, Lorynn. Are you okay? It's me NP. Hey," wika niya saka tinapik nang mahina ang kaliwang pisngi ko.

Napabalik ako sa ulirat at napasinghap. Bigla akong namula dahil sa mga pinag-iisip ko, kaya tinulak ko ang lalaking 'to at bumalikwas mula sa pagkakahiga.

Ngunit hindi ko napansin na nasa gilid lang pala kami ng pool at halos katabi ko lang 'to. Kaya pagkatayo ko ay nawalan ako ng balanse at muling nahulog sa pool.

Heto na naman ako sa pagwawagayway ng mga kamay ko upang humingi ng saklolo.

Pero ngayon ay hindi na pinatagal ni NP ang pagsagip sa'kin. Naramdaman ko agad ang braso niya na pumulupot sa'king baywang saka ako itinaas at lumangoy pabalik sa may gilid.

Pagka-ahon niya sa'kin ay sunod-sunod ang naging pag-ubo ko. Nakainom na naman tuloy ako ng tubig.

Umahon na rin si NP at nakita kong muli ang matipuno niyang katawan. Ginawa niyang muli ang paghawi sa basa niyang buhok.

"Just tell me Lorynn if you want me to kiss you again, hindi 'yong tatalon ka na naman sa pool," natatawa niyang sabi.

Kiss?

Gago ba siya. Ano'ng pinagsasabi niya?

"Ha! Anong kiss?" wika ko saka tumayo.

"Kidding. I just did CPR," saad niya at muling humagikhik. "Wait here, I'm going to get a towel for us."

"Teka lang. Hoy!" sigaw ko pero tuluyan pa rin siyang pumasok sa loob ng bahay.

Napatingin ako sa lapag at nakita ang t-shirt niya. Bigla akong napahawak sa labi ko.

Hinalikan niya 'ko? Bakit hindi ko naramdaman. Napa-iling ako. Ano ba, Lorynn. CPR daw 'yon. Ba't ba kung anu-anong pinag-iisip mo.

Bigla akong napayakap sa sarili ko nang umihip ang malakas na hangin. Basang basa kasi ako pati na ang mga damit ko. Ang ginaw.

Nagulat ako nang may tuwalya na lumapag sa mga balikat ko. Lumingon agad ako at nakita si NP sa'king likuran, nakapagpalit na siya ng damit niya.

Matatamis ang ngiti niyang nakatingin sa'kin sabay abot ng nakatuping mga damit. "Change your clothes, you're wet."

Namula ako dahil sa huli niyang sinabi. Wet? Shit bakit iba ang pumasok sa isip ko. Kinuha ko na lang ang inaabot niya at agad na tumalikod sa kaniya.

WatthellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon