Kabanata 10

68 42 44
                                    

Abree's POV

"Miss, wala na po ba talagang Book One nito?" tanong ko sa saleswoman ng book store.

"Wala na po talaga, Ma'am. Pasensya na po," aniya.

Lumabas ako ng book store na nakabusangot. Napatingin ako sa suot kong wrist watch, quarter to six pa lang ng gabi.

Magkikita kasi kami ni Khea ngayon sa Mall na 'to ng 7PM, at inagahan ko ang punta ko rito dahil hahanapin ko ang librong 'yon, ang kaso wala pala akong mapapala.

"Mahigit isang oras pa 'kong maghihintay. Sa'n kaya ako tatambay nito?" wika ko sa'king sarili. Napabuga na lang ako ng hininga.

Maya-maya rin lang ay napagdesisyunan ko na pumunta na lang muna sa likod ng Mall─sa may Seaside─upang panoorin ang paglubog ng araw.

Buti na lang at hindi masyadong crowded ngayon dito. Sakto lang ang dami ng tao, ewan ko lang mamaya kapag dumilim na.

Naupo ako sa may malapad na sementong upuan malapit sa dagat. Humarap ako rito at sinalubong ang malamig na simoy ng hangin.

Hindi ko alam ngunit nababanguhan talaga ako sa amoy ng dagat. Pakiramdam ko ay nare-relax ako nang husto. Sabayan pa ng napakagandang view ng sunset.

Ang sarap pagmasdan. Unti-unti na siyang lumulubog at natatanaw ko na rin ang mga ilaw na nagkukumpulan sa gawi roon kung nasaan ang Maynila.

Habang pinapanood ko ito ay napukaw ang aking tingin sa boat na paikot-ikot sa may dagat. Marami itong sakay na tao, siguro ay hindi bababa sa bente.

"Parang ang saya sumakay do'n, ah! Sa'n ba galing 'yon?" wika ko sa'king sarili at nagpalinga-linga.

Tinapos ko munang panoorin ang paglubog ng araw bago hinanap ang ticket booth para sa boat na 'yon.

Nang makita ko na kung nasa'n ang ticket booth ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na pumila rito upang makasakay sa boat. Magkano rin lang naman ang bayad, pampalipas oras lang habang hinihintay ko si Khea.

Ilang sandali lamang ay ako na ang nasa unahan ng pila. Binigay ko ang bayad ko sa cashier at pinasulat nito ang aking pangalan.

Habang sinusulat ko ang pangalan ko sa papel ay may malamig na boses akong narinig sa kaliwang tainga ko.

"Abree Mae..."

Napalingon agad ako sa likod ko at halos mahalikan ko na ang taong nandito dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa'kin.

Kung makadungaw naman kasi sa sinusulat ko, akala mo'y nangongopya lang ng sagot. Ano kayang problema ng lalaking 'to?

Nilayo niya ang mukha niya sa'kin at tumayo na nang tuwid sa kaniyang pila. Inangat ko ang ulo ko dahil hanggang baba niya lang ako. Tinitigan ko siya at tinaasan ng kilay.

Mahahaba ang pilik-mata niya at makakapal ang kilay na bumagay sa kaniyang mapupungay na mata. Matangos din ang ilong nito at mapula ang maninipis na labi. Ang bad boy niyang tingnan dahil sa naka-brush up niyang hanggang balikat na buhok at matulis na jawline.

Inirapan ko na lamang siya saka muling binaling ang ang tuon sa kahera.

Habang abala ang kahera sa pagsusukli sa'kin ay muling nagsalita ang aking nasa likuran.

WatthellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon