Like any other story it all started with some childish thing.
Math class namin noon nung grade 9 at uligaga ako. Na-late ako at nakalimutan kong gumawa ng assignment dahil sa panunuod buong magdamag nung 'My ID is a Ganggnam beauty', tinapos ko kasi yung buong series sa isang bagsakan lang dahil na-addict ako kay Cha Eun-woo ^&^. Sobrang kyoottt niya kasi! (*꒦ິ꒳꒦ີ) Wala na akong choice nun, since siya ang katabi ko na buti nga pumasok dahil laging cut-class naman ang mood nito, sa kaniya ako lumapit para mangopya ng assignment, hindi naman kasi ako ganun ka-bright para ma-solve agad yung 'find x and explain' na yun on the spot!! Okey lang naman sana kung ipa-pass lang yung assignment tas tapos na, pero hindi e. Magtatawag yung teacher namin ng studyante na magsasagot sa board, kaya paano nalang kung ako ang tawagin? Nakakahiya yun kung wala manlang akong maisagot dun kaya kinapalan ko ang mukha ko at lumapit sa kaniya para mangopya.
Pumayag naman siya nun, little didn't I know was in exchange he will going to annoy me for the rest of my life!!
Well, I didn't exactly remember how and why but I'm sure it started with that math assignment kasi inborn naman siyang abnoy, lumalala lang nung time na yun.
Pero ang hinala ko, inisip niya sigurong may gusto ako sa kaniya at nagpapapansin lang ako nung nangopya ako ng assignment sa kaniya. Super GGSS talaga niya up to his neurons!
Let me bring you to that time after class.
"Hey, natalie." -malanding tawag sa akin mula sa likod ko.
"Jeylord." As expected! Sabi ko ng maabutan na niya ako. Sino pa ba kasi ang may ganitong malanding boses sa buong school?!
"So, anong atin ngayon?"
"Uuwi?" Kalmadong sabi ko kahit naiilang ako.
Kasi naman kunting-kunti nalang ang tao dito sa school makakasama ko pa ang isang bastus slash playboy na katulad ng lalaking to?! Ano nalang ang iisipin ng makakakita sa amin?!
"Aren't we supposed to be doing something?" He maniacally hypothesized with his meaningful grin painted on his sinful lips.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Sabi ko saka binilisan ang lakad. Pero masyadong mahaba ang mga paa niya at nanatiling katabi ko lang siyang maglakad.
"C'mon. I know you know what I mean."
Huminto ako sa paglalakad saka tumingin sa kniya. "Okey...again, salamat ulit kanina, ha? Maraming salamat po."
"Hindi yan."
"Kung hindi yan, so what?" Naiinis kong sabi dahil ayaw niya akong tantanan.
"That 'thing'"
"What 'thing' what? Mukha ba akong manghuhula?" Pabalang na sabi ko saka muling nagpatuloy sa paglalakad.
"Nope. Pero mukha namang gumagamit ka ng common sense."
Aba't. Ang gago!! Tiningnan ko siya ng masama. Minamaliit ba ako nito?!
"Problema mo ba ha?! Kung tungkol to dun sa assignment but what else could it be anyway?...again sobranggg salamat. Okey na ba?" Mataray kong sabi.
Mga anim na beses ko na yata itong pagpapasalamat sa kumag na to, pero mukhang hindi nagsi-sink in sa full of pornographic images na utak niya! But yeah, becuase of that no wonder!
"C'mon babe, wala ng tao ngayon sa science lab." At dahil dun bigla nalang akong nagka-goosebumps!! Creepy!
Igagaya niya pa ako sa ibang babae diyan!
"Gago!! Manyak!" I bet umalingawngaw sa buong corridor ang sigaw ko saka ako kumaripas ng takbo.
"Arte!! Wag ka ng mahiya!!" Sigaw rin niya pabalik.
"Pakyu ka!! Bastus!!" Sigaw ko rin pabalik.
"U pak me?!! Game!! Kailan?!!" Sigaw niya.
Putik yun!! Siraulo talaga!! Tinakpan ko ang mga tenga ko habang tumatakbo para hindi ko na marinig pa ang mga kahayupang pananalita niya!
Kahit hindi ko naririnig alam kong umalingawngaw yun sa buong building!
----~-----
Kinabukasan pumasok ako sa loob ng classroom pagkapasok na pagkapasok mismo ng teacher namin.
Tulad nga ng sinabi ko magkatabi kami ng upuan kaya ayokong may kunting oras pa siyang e-insist yung sinasabi niya kahapon.
"Good morning beautiful." Bulong nito sa akin pagkaupo ko sa tabi niya.
Nagkamali yata ako ng assumptions.
"Good morning everyone."- teacher.
"Gooooood mooooorning sir!"- sabay-sabay na sabi naming lahat na parang grade 3.
"Okey, please get your book and go to page 126, let's continue our discussion yesterday...."
"Ano, kailan mo balak gawin yung sinabi mo kahapon?" bulong sa akin ng manyakis kong katabi.
Talaga bang hanggang ngayon hindi pa rin niya ako titigilan?
I composed myself before speaking.
"Pagna-abot mo na ang buwan!" Bulong ko rin sa kaniya.
"C'mon, kinansel ko na lahat ng mga naka-booked ngayong araw...kahit anong oras libre ako." Sabi niya habang may malawak na ngisi.
Lumingon ako sa kaniya saka pinanliitan ng mata "Ano ka manyakis na hotel?"
"Hindi, motel ako babe, sogo motel, maraming customer....so hot so good!" Dahil dun sinapak ko siya ng notebook na nasa desk ko.
Kung anu-ano ang mga pinagsasasabi! Buti nga hindi yung libro yung ipinan-sapak ko sa kaniya. Just so you know anglo-american literature yung book na ginagamit namin! Baka nga magkabukol siya kung yun ang ginamit kong pangsapak!
"Natalie, Jeylord, may problema ba kayo diyan? Mukhang may sariling mundo yata kayo diyan." Puna ng teacher namin.
"Ayyiieeee, may namumuong love team! Ayiee." Sabat ng kaibigan kong si Sandra na nasa unahan.
"Ayieee...sana all!"
"May bagong love team! Jeylord at Natalie equalssss...Jeylie?"
"Ay bet ko be! Jeylie hang cute!"
At kami na ang naging topic ng klase namin. Buti nalang to the rescue si sir!
"Enough."- awat ni sir. "Enough class, mamaya niyan sa pang-aasar niyo mag-break pa sila hehe."
Mukhang nagkamali na naman ako ng assumption!
Mukhang mabwe-bwesit ako ngayong buong araw!! Nakakaasarrr!!
◇◇◇◇◇◇
If you liked this chapter, please consider giving it a vote or comment.
◇◇HernameisSharmen ◇◇
BINABASA MO ANG
Nevergone, Jerk
Teen FictionGood looking. Handsome. Rich. Got every girls. Most dream and fantasize, he claim. Yup, that's him. The GGSS. The Jerk. His name spells as J-E-Y-L-O-R-D B-R-A-N-D-S-H-A-W. Self-proclaimed lascivious pervert jerk! The biggest jerk who wants to be my...