02: Bobong Palusot

25 5 0
                                    

Monday

It's been a week simula nung nag-umpisa ang kamanyakan nung Jeylord na yun. Buti nalang at nag-weekend at nakapagpahinga ako kahit papaano. For two days nakahinga rin yung buhok ko sa kamanyakan nung Jeylord na yun at sa pang-aasar ng mga klasmet ko. Idagdag mo pa yung English teacher namin na tuwang-tuwa tuwing inaasar kami sa klase niya! Not to mention na nakikisali siya! Hmp.

If I only had known na magiging ganito ka-bwesit ang buhay ko, sana mas pinili ko nalang ang walang assignment for once kesa yung palagi akong nai-imbyerna!

Pagkatapos kong i-park ang scooter ko ay nagsimula na akong maglakad papunta na naman sa tabi ng impyerno. Keaga-aga nararamdaman ko na ang pagkulo ng dugo ko kahit hindi pa ako nakakalapit sa impyernong yun. It's like walking in to a flame with a drum of gasoline.

"Good morning pineapple pie! Muah!" Sino pa ba? Edi yung may degree na 'bachelor of annoying Natalie'!

"Oy! Snob siya." Hindi ko pa rin siya pinansin bagkus nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Sa room ka ba babe pupunta? Walang klase, may sakit si sir!" Dahil dun napatingin ako sa kaniya ngunit agad ko rin namang binawi.

"Seryoso nga walang klase, pwede na nating gawin yung 'ano' if you want...buti malamig-lamig pa haha!"

Hindi talaga titigil ang baliw na'to.

"Sa room ka ba papunta? Walang klase, mamaya pa sa second period." Sabi ni Sandra na nakasalubong ko kasama ang unggoy niya.

"Galing na kayo sa room?" Tanong ko. Naninigurado lang.

"Oo. Wala ng tao dun." Sabi niya.

"Sa'n kayo pupunta ng unggoy mo? Haha." Tanong ko.

"Tingnan mo babe, inaasar na naman ako ng baboy na to." Parang batang pagsusumbong ni Alex kay Sandra.

"Okey lang yan...ikaw naman ang pinaka-gwapong unggoy...sa mga unggoy haha! Charot lang!" Sabi niya saka malanding nagpa-cute sa boyfriend niya. "Anyway mags-snack kami sa labas, sama ka?" Tanong niya sa akin.

Ano ako third wheel? Ayoko nga! OP lang ako dun! Tsaka maiinggit lang ako! Kaya wag na. (ノ_<、).

"Hindi na, may date rin kami ni babe e." Biglang sabat ni Jeylord out of nowhere pagkatapos ay umakbay sa akin.

Tumingala ako. "In your dreams!" Sabi ko saka ko sinubukang sikuhin ang tiyan niya pero hindi naman siya natinag.

"Yun naman pala e. May date naman pala si Natalie." -Unggoy.

"Okey, sige see you nalang mamaya. Take care of my Natalie okey?" Sabi ni Sandra.

"Ano?!" Hindi makapaniwala na sabi ko. "Manyakis kaya to!" Protesta ko kay Sandra saka sinubukang tanggalin ang pagkaka-akbay sa akin ni Jeylord.

"Ano ka ba babe, wag ka ng umepal sa date nila, may date rin naman tayo e."- epal na sabi ni Jeylord.

"See you mamaya, let's go." Sabi ni Sandra saka umalis sila ng unggoy na yun na parang hindi nila ako narinig.

Mga traydor! (#><).

"So, sa'n tayo magde-date babe?" Sabi niya pagkaalis nila Sandra na kina-career na ang pag-akbay sa akin.

"Sa impyerno! Sunugin ko kaluluwa mo!" Inis na sabi ko saka naglakad.

Teka, sa'n naman ako pupunta? Bawal sa room Diyos ko, may satanas sa tabi ko!! Wala pa man din daw tao roon!

"Bakit hindi nalang sa langit? Kama lang ang ating sasakyan sabi daw sa kanta haha."

Napupuno na talaga ako sa kamanyakan ng sira ulong to! Tiningnan ko siya ng masama habang naghahalungkat sa bag ko. Makuha nga yung pepper spray ko!

Nevergone, JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon