TAHIMIK akong nakaupo sa silya at bahagyang nilibot ang aking paningin sa buong paligid. Marahas kong pinagmamasdan ang bawat bahagi nitong kabahayan. Simple at maliit lamang ito pero may bahagi nito ay nagkakaroon na ng alikabog at talagang makikita mong luma na. Hindi ko lubos inasahang dito na siya nakatira ngayon. Halos tatlong taon rin kasing hindi ko siya nakita kaya laking pagtataka ko nang malamang wala na siya doon sa kaniyang dating tinutulayan.
"Matagal na ba kayong nakatira dito, Ginoong Hanjae?" Nagtataka kong tanong na siyang kaniyang tinanguan ng bahagya.
"Magda-dalawang taon na rin."
"Ano ho bang nangyari doon sa dati niyong tinutuluyan?"
"Nasunog."
Gulat ang namuo sa aking mukha nang ito'y marinig. "Ho? Bakit?" Hindi kaagad siya nakapagsalita at napansin ko pang napatigil rin siya sa pagsalin ng tsaa sa tasa. Kung kaya't hindi ko na maiwasang magtaka. Gayo'y nakikita kong parang may nangyaring hindi ko alam.
Ilang saglit ay namataan ko ang bigla niyang paghinga ng malalim. "Sinunog ng mga kawal sa utos ng hari dahil ang buong akala ng lahat ay gumagawa umano ako ng mga nakakalasong gamot na siya kakong pinapainom sa aking mga pasyente." Isang manggagamot si Ginoong Hanjae at kilala siya bilang mahusay at tanyag na manggagawa ng gamot sa buong Eleuthyia. Mula sa mga halaman at ugat ng punong-kahoy ang kaniyang mga ginagawang gamot kaya lahat ng mga iyon ay talagang mabisa at nakapagpagaling ng kahit anong sakit. Bukod sa gamot na kaniyang ginagawa ay kaya niya ring gumawa ng mga nakakamatay na lason tulad na lamang ng Neriandrin. Ito ay gawa sa Oleander na isang uri ng halaman na napakadelikadong hawakan.
Siya lamang ang tanging nakakagawa sa lasong iyon at nasa librong pagmamay-ari niya nakalagay ang eksaktong lokasyon ng halaman na ginamit nito. Nakasaad doon kung saang lugar ito matatagpuan. Subalit, wala akong kaideya-ideya kung kanino niya binigay ang libro... kung saang lupalop ng mundo matatagpuan ang kinaroroonan ng taong binigyan niya nito.
Gayunpaman, sumagid rin sa aking isipan ang bagay kung paano niya nadiskobrehan ang tungkol sa halamang ito?... kung paano siya nakakagawa ng ganoong lason? Minsan inisip ko na lamang na baka dahil iyon sa malawak niyang kaalaman... na marami siyang nalalaman tungkol sa mga halaman kaya nakakagawa siya ng Neriandrin. Ilang beses ko pa nga siyang pinipilit noon na turuan ako na gawin iyon pero tinatanggihan niya lamang ako. Siguro, naisip niya na gagamitin ko iyon para sa aking pansariling interes.
"Pero hindi mo naman talaga ginawa iyon, hindi ba?... hindi mo naman siguro magawang manglason?"
"Malamang hindi. Bakit ko naman gagawin iyon?" Sa pagkakilala ko kay Ginoong Hanjae, hindi naman siya iyong tipong ganoon... na hindi siya iyong klaseng manggagamot na kayang pumatay ng pasyente.
Ilang saglit ay inabot niya sa akin ang tasang kaniyang sinalinan ng tsaa kanina. Kaagad ko iyon tinanggap at bahagya munang inamoy ang alimyon nito, bago ito ininom. At gaya ng inasahan, isang Omija-cha. Isang tradisyonal na tsaa na gawa sa mga pinatuyong beri ng magnolia na kung saan pinapakulan ito sa mababang init at nilalagyan ng pulot. Makikitang kulay pula ito at maaaring tamasahin, aliman sa mainit o malamig. Ang ibig sabihin rin ng Omija ay limang lasa, kaya kung uminom ka nito ay maaari kang makatikim ng limang magkakaibang mga lasa tulad ng katamisan, kapaitan, kaasiman, kaalatan at (pungency).
Simula pa noong una, ito na ang madalas na iniinom ni Ginoong Hanjae dahil bukod sa kakaiba ang lasa nito ay maganda rin daw ito sa katawan. Ayon sa kaniya, ito raw ay nagbibigay tibay at lakas ng katawan na s'yang may kakayahang magtrabaho nang mas mahaba at matagal. At dahil masyado siyang nakababad sa kaniyang trabaho ay araw-araw niya itong iniinom. Gayunpaman, ito rin ang dahilan kung bakit madalas siyang pumupunta noon sa kabilang bayan, upang bumili nito. Bihira lamang kasi ang nagtitinda nito dito.