BBTCR 66: Sumbatan

414 23 79
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

Quarter to 11PM na ng may natanggap akong text na sinugod daw sa hospital ngayon si Eunice. Kaya nga sobrang kaba namin ng malaman ito at pinaharurot ang kotse para naman makarating kami dito.

Bumaba kaming tatlo nina Maggie at Chesca matapos kong iparada ang kotse sa parking lot sa hospital na ito.

"Nikki." Napalingon pa kami si boses na 'yon.

Si Steven pala kasama si Miko na kababa lang nila sa kotse niya. Napabuntong hininga pa kami ng makarating sila sa direksyon namin.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko nito.

"Ahmm... Nandito kami para kay Drake, may natanggap kasi kami na text na nabaril daw siya e." Sagot ni Miko.

"Totoo? Si Eunice rin nandito." Sagot naman ni Chesca.

"Tara na, sabay na tayong pumasok." Sagot ko nito at nauna ng pumasok sa loob.

Hays, kinakabahan tuloy ako sa maaring mangyari. Ito kasi si Eunice e, bigla na lang nawawala at nakaoff pa ang phone nito kaya ganito na lang kami nag-alala sa kanya.

"Ahmm... Miss, saan po ang room ni Eunice Madrigal?" Tanong ni Maggie sa nurse station.

"Si Drake Santos po, saan siya ngayon?" Tanong naman ni Miko.

"Ahmm... Si Miss Eunice Madrigal at Mister Drake Santos ay magkasama lang po sa isang room, nasa Room 15 sila ngayon sa second floor nag-stay kallilipat lang po." Sagot ng nurse.

"Sige po." Sagot namin nito.

Tumakbo pa kami papunta sa second floor para naman makita namin ang dalawa. Ano ba kasing nangyari sa kanila? Bakit kailangan pang umabot sa ganitong sitwasyon? Nagugulohan na talaga ako sa nga nangyayari sa amin ngayon.

☆☆☆

Nang makarating kami sa room na sinabi ng nurse agad naman kaming pumasok nito na walang katok na katok.

"Eunice!" Sambit naming mga girls

"Drake!" Sambit naman ni Miko st Steven.

Napalapit kami sa kanila na ngayon ay nakaupo pa sila sa kama. Niyakap agad namin si Eunice ng makita namin na nakaplaster ang paa nito at may mga pasa pa ito.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko nito.

"Bakit ganito ang itsura mo? Saan ka ba nanggaling? Tapos nakaoff pa ang phone ko. Saan ka ba galing?" Tanong ni Maggie nito.

"Syaka bakit andami mong pasa? Saan mo nakuha 'yan? Nag-alala kami sayo Eunice." Sambit naman ni Chesca.

"Teka nga lang, kumalma nga kayo." Sambit nito sa amin.

Napabuntong hininga naman kami sa sinabi niya at tiningnan si Drake. "Ano naman ang nangyari sayo Drey?" Tanong ko kay Drake.

Nagkatinginan pa ang dalawa na si Eunice at Drake na ikinakunot ng mga mata namin.

"Ahmm... Aksidente lang." Sagot ni Eunice.

"Paano nagiging aksidente?" Tanong ni Miko.

Nagkatinginan silang dalawa ulit bago nagsalita si Drake. "Aksidente lang natamaan ang mga paa namin, medyo may nagkaputukan kasi kanina."

"Wait! Magkasama kayo ni Eunice?" Tanong ni Maggie.

"Ahmm... Oo." Sagot ni Drake.

"Paano?" Tanong ko.

"Ah, kasi tumambay kasi ako sa Cafeteria kung saan nagtratrabaho sina Mira at Drake, kaya ayon hinintay ko matapos ang shift nila para makalibre ng pamasahe." Sambit ni Eunice.

Battle between the Campus RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon