BBTCR 82: Tears

417 29 22
                                    


Mira's POV

♡♡♡

"Tita, anong nangyari?" Sambit ko nito sa kanya.

Bumalis ng todo ang tibok ng dibdib ko dahil sa kaba pa rin nito.

"Mira, si Drake...." Sambit ni Tita na ikinabagsak ng luha niya.

"T-tita, anong pong nangyari?" Nauutal ko pang sambit nito.

Pinunasan niya ang sarili niya at niyakap niya ako nito.

"T-tita ano bang nangyari?" Tanong ko nito na nangingilid na ang luha ng mga mata ko.

Hindi sumagot si Tita Daisy sa tanong ko pero kusa niya lang akong niyakap pa ng mahigpit. Bakit ganito? Bakit sobrang bigat ng dibdib ko? Bakit ganito na lang ang reakyon ng katawan ko? Nararamdaman ko na lang ang pagbagsak ng mga luha ko.

Maya-maya pa, napabitaw na lang kami pagkayakap ni Tita dahil sa naririnig naming apak na tumatakbo pa sa direksyon namin.

Nakita namin ang Doctor na nagmomonitor kay Drake at pumasok ito agad sa ICU room nito. Nagtaka ako bigla na bigla na lang niya itong sinirado ang mga bintana nito gamit ang mga kurtina nito. Pumasok naman si Tita Daisy sa loob ng kwarto na ikinabuntong hininga ko na lang sa nangyari.

"Ma, ano ba ang nangyari?" Tanong ko kay Mama na mangiyak-ngiyak na naman ako.

Niyakap ako ni Mama nang mahigpit na ikinabagsak na naman ng luha ko dahil sa pangyayari. "Anak, hindi ko alam anong nangyari." Sambit pa nito.

Ewan ko ba, sobrang iba ang nararamdaman ko ngayon. Para akong nanlamig sa mga pangyayari, para akong binagsakan ng langit at lupa sa sakit. Ano nga ba ang nangyari.

"Mira, wag ka ng umiyak please. Sobrang nakakasama ito sayo ito." Pagpapatahah ni Mama sa akin.

Hindi ko talaga maiwasan na hindi masaktan e, hindi ko maiwasan na maluha dahil sa pangyayari e. Napabitaw kami sa pagyayakapan ni Mama ng bumukas ang pinto ng ICU room at lumabas si Tita Daisy.

"Ano po ba ang nangyari?" Tanong ko nito.

Ngumiti si Tita Daisy sa akin pero nangingilid pa rin ang luha nito sa akin.

"Hali ka." Sambit ni Tita Daisy sa akin at hinawakan pa ang kamay ko bago kami pumasok sa ICU Room kung saan si Drake ngayon.

Ito na naman ang puso ko, ito na naman ang bilis ng tibok ng dibdib ko. Dumagdag pa ang nangingilid ng luha ko sa mga mata, napalibot ang paningin ko at nakita ko ang nakapatay na mga makina na nakakabit kay Drake.

Nakapatay na ang mga machine sa katawan niya except sa oxygen nito, napabuntong hininga ako na tiningnan si Drake na nakaratay pa rin sa kama nito.

"Babyloves." Sambit nito na ikinabagsak ng luha ko sa sinabi niya.

Hindi ko na kasing mapigilan na hindi mangiyak dahil sa sobrang saya dahil gising na ang taong hinintay ko at minahal ko.

"Babyloves." Sambit ko nito at niyakap siya kahit nakaratay pa rin siya sa higaan niya.

"Bakit naluluha ang Babyloves ko?" Tanong pa nito sa akin.

"Ikaw kasi e."

"Bakit parang kasalanan ko pa ngayon?" Tanong nito na ikinabitaw ko sa yakap niya.

Napatingin ako sa kanya na ikinapout ko nito sa akin. Ngumiti naman ito at dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya at hinawakan ang mukha ko bago niya pinunasan ang luha ko.

Battle between the Campus RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon