01

12 1 1
                                    

Axton P.O.V

Nagising ako nang tumunog ang alarm ko bumangon ako na may ngiti sa aking labi gustong gusto ko talaga pumasok sa paaralan dahil marami akong matututunan ngayong college na ako

Iniligpit ko na ang pinaghigaan ko at inihanda ang uniporme ko pagkatapos kong ihanda ang uniporme ko ay pumasok na ako sa banyo upang maligo

Naligo ako nang maayos para mabango ako sa una kong klase sana marami akong maging kaibigan doon tulad nang dati mababait rin kaya ang mga nandoon?

Natapos na akong maligo nag punas ako nang katawan at nag balot nang puting tuwalya lumabas na ako sa banyo isinuot ko ang uniporme ko sinuklayan ko ang buhok ko

Nakatingin ako sa salamin na may ngiti sa aking labi sobrang excited na talaga ako sa unang klase bumukas ang pintuan at nakita ko si mama na nakangiti sa akin

"Mukhang masaya ka ha" Sabi niya at lumapit sa akin

"Opo ma" Sabi ko at ngumiti sa kaniya

"Mag almusal ka na doon para makarating ka na sa school mo" Sabi ni mama na ikinatango ko kinuha ko ang bag ko at lumabas na

Ang sarap nang ulam pritong manok mukhang makakadami ako nito ha umupo ako at tiyaka nagdasal nag sandok na ako nang kanin at ulam nag simula na akong kumain

Natapos na akong kumain naka tatlo akong kanin ang sarap kasi eh uminom ako nang tubig at tiyaka nag paalam na kay mama

"Una na po ako ma" Sabi ko at hinalikan siya sa kaniyang pisnge

"Osige ingat ka ha enjoy your first day of college" Sabi ni mama at ngumiti siya sa akin ngumiti din naman ako sa kaniya

Nag aabang ako nang masasakiyan ko kaso wala pang dumadaan malelate na niyan ako eh may biglang huminto sa harapan ko na sobrang laking kotse biglang bumaba ang bintana ngayon lang ako nakakakita nang magandang babae na walang make up bukod sa mama ko

"Sakay na" Malamig niyang sambit

"Po?" Sambit ko

"Narinig moko diba? Sakay na" Malamig niyang sambit binuksan niya ang pintuan pumasok nalang ako pagkapasok ko ay sinara ko ito

"Sa susunod wag ka agad agad magapapaniwala" Sabi niya kaya tinignan ko siya

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko

"People nowadays will do anything just to get money wag agad maniniwala paano kung kikidnappin ka pala?" Sabi niya na hindi pa rin tumitingin sa akin tama naman siya alam ko naman iyon pero malay ko ba pinasakay niya ako dito eh sumunod lang ako

"Sorry malelate na kasi ako eh kaya di na ako nag inarte pa" Sabi ko

"Sa Mary The Queen ka nag aaral?" Tanong niya

"Oo bat mo alam?" Tanong ko

"I can see it through the mirror" Sabi niya

"Ah ikaw den ba?" Tanong ko

"Isasakay ba kita kung hindi ako doon?" Sarkisto nitong sambit pero puwede naman na hindi siya doon

"Puwede naman na sa iba ka mag aaral" Sabi ko

"Ayan ang malapit sa amin at tiyaka maganda" Sambit nito tumango nalang ako

Nakarating na kami sa paaralan namin bumaba na ako sa sasakiyan kaso hindi pa bumababa ito kaya tinanong ko siya

"Hindi ka bababa?" Tanong ko

"No!" Sambit niya

"Bakit?" Tanong ko

That GirlWhere stories live. Discover now