02

9 1 1
                                    

Axton P.O.V

"Kumain ka na ba?" Tanong niya sa akin pagkadating namin sa cafeteria umiling ako umalis siya sa harapan ko at pumunta sa pabilihan

Lumapit siya sa akin na may dalang isang burger at isang tubig inabot niya sa akin ito kinuha ko naman na wala akong makita na dala niyang pagkain para sa kaniya

Umupo kami sa bakanteng upuan na naroroon mag kaharap kami hindi ko parin ginagalaw ang pagkain ko dahil pinag titinginan nila ako dito nahihiya ako

"Ayaw mo ba niyan?" Tanong ni Matilda anong isasagot ko sa kaniya?
"Kung ayaw mo bibil---" Naputol niya ang sasabihin niya nang nag salita ako

"Ayos na toh salamat pero yung saiyo nasaan?" Tanong ko

"Nahulog eh" Sagot niya

"Edi ito nalang ang kainin mo" Inaabot ko sa kaniya ang burger kaso ayaw niyang tanggapin dahil dala ko naman ang bag ko ay kinuha ko ang ginawa ni mama para sa akin

Inabot ko ito sakaniya kinuha naman niya kaya napangiti ako "Ano toh?" Tanong niya "Cookies" Sagot ko tumango nalang siya at binuksan ang takip nang tupperware

Kumuha siya nang Isa at kinain yun napangiti siya kumain din ako nang burger ko "Ang sarap" Sabi niya at kumain pa nang isa

"Binili niyo? Tanong niya pag katapos niyang kumain

"No ginawa yan ni mama" Sabi ko ngumiti lamang siya at kumain ulit ganon din naman ang ginawa ko sa burger ko kinain ko hanggang sa maubos

"Ay opz sorry naubos ko na" Sabi niya natawa nalang ako sa sinabi niya

"Ayos lang" Sagot ko tumawa siya at tumawa na rin naman ako

Uminom ako nang tubig ngunit hindi dumikit ang labi ko sinalo ko lang ang tubig na bumubuhos sa bibig ko nag tira ako para kay Matilda inabot ko sa kaniya ito kinuha naman niya

"Salamat" Sabi niya tumango nalang ako ininom na niya ang kaniyang tubig

"Tapos ka na ba?" Tanong ko tumango naman siya tumayo na kami sa pagkakaupo at naglakad palabas para makapunta na nang classroom habang nag lalakad ay hindi ko maiwasan mag tanong sa kaniya

"Meron ka bang kaibigan?" Tanong ko habang nag lalakad kami lumingon siya sa akin saglit lang at nag patuloy na sa paglakad

"Meron ikaw" Banggit niya

"I mean yung friend na babae" Sabi ko

"I don't want" Sambit niya

"Why?" Tanong ko

"They're fake!" Sigaw niya sa akin "They want fame" Sigaw ulit niya sa akin at nauna na naglakad sa akin ano kaya nangyari doon? Ganon lang ang sinabi ko sinigawan pa ako mga babae talaga

Naiwan akong mag isa dito maglalakad na sana ako nang may humarang sa dinadaanan ko mga babae ang nakaharang may gusto kaya silang sabihin kaya hinarangan nila ako?

"Bakit?" Tanong ko

"Give me your wallet!" Sigaw ng babae na naka cheerleader na damit

"Why?" Tanong ko ngumisi lang siya at biglang hinatak ang bag ko aagawin ko sana nang hawakan ako sa magkabila kong braso nang dalawang babaeng kasama niya

Kinalkal niya ang bag ko at nagkahulog hulog ang mga laman nito "Bitawan niyo ko gamit ko yan!" Sigaw ko kaso inapakan nila ako sa mag kabila kong paa na ikinaaray ko

Nahanap niya na ang wallet ko binuksan niya iyon at nakita ko siyang tumatawa "Nice money!" Sabi niya at kinuha ang pera ko pagkatapos niyang kinuha iyon ay hinulog niya nalang ang wallet ko lumapit siya sa akin at hinawakan ang buhok ko

That GirlWhere stories live. Discover now