College?

2 0 0
                                    

College...
Akalain mo yun, mag-c-college na ako
Si Penelope Heart Atienza Ortega, mag-c-college na...

"Pst! Pssssst!" Kilala ko ang nilalang na sumisitsit pero dahil hindi ako aso, bahala siyang maubusan ng laway kaka-sitsit

"Huy P!" Buti naman may pangalan na

"Yes? Ano yun?" Sagot ko, with flipping of hair pa yan

"Wow ha, hahahaha" Mytha Louise Gallejo Angeles, I call her Lulu while the others call her either Mytha or My, yang babaeng yan ang loka-lokang bestfriend ko. Classmate ko na yan since 2nd year ng high school.

"Kanina ka pa rito?" Juan

"Hindi naman, mag-i-isang oras pa lang naman" sarkastikong sagot ko

"Sorry naman, eto kasi antagal akong sunduin" sisi ni Lulu kay Juan

"Sorry na. Idinaan ko pa kasi yung susi ng bahay kila tita, run didiretso sila mama mamayang pag-uwi nila eh"

"Ayun sila! John!" Ayan na sila, naririnig ko na ang papalapit na dilubyo

"Late na ba kami?" Hayme

"Naisipan niyo pang dumating" sarkastiko ko ulit na sagot

"Pagpasensyahan niyo na po ang makukupad niyong mga kaibigan mahal na prinsesa" Cong

"Yow, cuz'"

"Yow-Yow-in kita diyan, sabi ni tita maaga ka raw umalis, napa-aga tuloy ako kasi akala ko nauna ka na"

"Dumaan ako kina James ng maaga dahil alam kong late na naman kikilos yan. Kung di ko pa binulabog yan kanina baka nag-aantay pa rin kami ngayon ni Coln tsaka tinext kita kanina"

"Lowbat phone ko, nakalimutan kong i-charge kaya peram ng powerbank pakiusap"

"Mamaya na't tara na, anong oras na" - Hayme

"8 kasi talaga usapan, alas-nuwebe na" - Lulu

"Aga natin ah" banat ko na naman. Pwede naman talaga kaming hindi sabay-sabay mag register since magkakaiba naman kami ng colleges, mga baliw lang talaga tong mga kaibigan ko. Mas maganda raw kung sabay-sabay na kaming pumunta sa univ then maghiwalay nalang saglit para makapag-reg.

"Oh, powerbank" Inabot ni Cong sa akin powerbank niya, buti may dala tong tsonggong to

"Salamat"

"Sungit mo ngayon ah, meron ka ba?" Tanong niya sa akin

"Paano mo naman nalaman? Sabi na nga ba babae ka eh" Inilingan niya lang ako. Sumakay na kami sa sasakyan na dala ng pinsan ko.

"Hi Manong Vin, goodmorning!" Bati ni Lulu sa driver nila Ton-Ton. Nakarating na kami sa pinagpark-an nung sasakyan na gagamitin namin kahit puro kami dada habang naglalakad.

"Hi rin ma'am Mytha, magandang umaga rin po"

"Tara na manong, maaabutan na tayo ng traffic" - Ton-Ton

Habang nasa sasakyan, pinag-uusapan namin kung saan magkikita-kita mamayang uwian dahil siguradong hindi na kami makapagsa-sabay-sabay ng lunch

"May cafe run sa may pa-temple" suggest ni Lulu. Kaya naman kasi niyang lakarin mula College of Science and Technology since masipag naman maglakad yan.

"Edi run nalang tayo magkita-kita? Malapit lang college namin dun" tanong ni Juan

"Dun nalang para malapit lang" pagsang-ayon ko since same lang naman kami ni Juan tsaka Cong ng college, College of Business Administration and Accountancy

Her Series of Events (Pen's) Where stories live. Discover now