Linggo ng umaga nang nagmamadaling gumising si Louisa, naalala niyang pupunta pala siya sa kanyang tita kung saan nakatira sa bahay ng namayapa niyang ama.
Si Louisa ay 23 years old mag isang namumuhay sa Quezon City, matagal ng namayapa ang kanyang ama at ina ng dahil sa plane crash. Itinaguyod siya ng kanyang tita Theresa, magkasama sila na nanirahan sa Antipolo noong bata pa siya at nagpasiyang mamuhay mag isa noong siya ay grumaduate ng college.
Tumunog ang cellphone ni Louisa
Ringggggg! Ringggggg!Louisa : Hello tita Terry
Theresa : Anong oras ka makakarating dito Louisa?
Louisa : Pasensya na po tita medyo nalate po ako ng gising eh.. pero mag aayos na din po ako at pupunta na
Theresa : Oh siya mag ingat ka Louisa naghahanda na din kami dito para sa pagdating ng mga bisita
Louisa : Sige po tita byeSi Louisa ay papunta sa Tagaytay kung saan nakatira ang kanyang mga magulang noon. 2 years old pa lamang ng namatay ang kanyang mga magulang kung kaya't unang beses pa lang din niya ito mapupuntahan dahil sa wala ding tumira dito na kamag anak nila.
Pagkatapos ng ilang oras na byahe nakarating na din sa Tagaytay si Louisa
"Louisa anak!" Tawag ng kanyang tita sakanya
"Hello po tita, tagal po nating di nagkita infairness wala po kayong pagbabago maganda pa din" Pabirong sambit ng dalaga
"Ikaw talagang bata ka bolera ka,halika dito ipapakilala kita sa mga kaibigan ng
tatay mo" Inakay ni Theresa si Louisa patungo sa hardin"Si Louisa nga pala ang nag iisang anak ni Marvin" Pakilala ng tita sa mga tao
"Siya na pala yan, napaka gandang bata ah nagmana siguro sa ina niya" sambit ng isa sa mga bisita
"Tara na't kumain na tayo sa loob baka lumamig pa ang mga pagkain" Pag aya ni Theresa sa mga bisita
Habang kumakain, nagkukwentuhan at nagtatawanan ang mga bisita at si Theresa nang mapansin ni Louisa ang isang babaeng nakaupo sa isang sofa sa sulok malapit sa pintuan.
Nakangiti ang babae habang nanlalaki ang mga mata nito. Umiwas ng tingin si Louisa ngunit pagkatingin niya ulit ay nandun pa din ang naturang babae.
Nag cellphone nalang si Louisa para makaiwas ng tingin sa babae. Nang maramdaman niyang may bumulong sa kanyang tenga
"Shhhhhhhhhhh"
"Ahhhhhhhhh!" napasigaw si Louisa,agad nagtinginan ang mga bisita sa kanya
"Bakit? anong nangyari Louisa" Pagtanong ng kanyang tita
"Ah.. ahmmm wala po tita, ako na po magligpit at maghugas ng mga pinggan"
Nakaharap sa lababo si Louisa hindi pa din mawala sa kanyang isipan ang babaeng nakita.
Pagkakurap ni Louisa.. biglang dumilim ang buong paligid wala ng tao sa paligid.. pero siya nakatayo pa din kung saan niya hinuhugasan ang mga plato.. labis na takot ang kanyang naramdaman sa mga oras na yon.. pagkita niya sa orasan alas dose na ng madaling araw.. ilang oras na pala ang lumipas na nakatayo siya sa doon..
lumakad siya papunta sa hagdan kung saan malapit ang kinauupuan ng babaeng nakangiti sa kanya.
laking gulat niyang makitang nakaupo pa din ang babae doon at nakangiti sa kanya ..
BINABASA MO ANG
Ang lihim ni Theresa
HorrorNagsimula ang mga kakaibang mga pangyayari sa isang dalagita matapos siyang bumisita sa bahay ng kanyang namayapang ama.