Kapitbahay

5 1 0
                                    

"Halika dito umupo ka, kukuha lang kita ng pandesal at kape" Pag aya ni Louisa kay Desiree

"ang ganda pala ng loob ng bahay ninyo, medyo luma nga lang pero vintage na vintage ang datingan!" sabi ni Desiree habang parang batang manghang mangha sa mga nakikita sa paligid ng bahay

"ngayon kapa lang ba nakapasok dito?" sabay abot ng kape kay Desiree

"Oo ngayon palang, naaalala ko nga tuwing aayain ko si tatay pumasok dito kahit sa hardin niyo lang ayaw niya. Pag nagwawalis naman siya dyan sa hardin di niya ko isinasama nung bata pa ko"

"Bakit naman?"

"Hindi ko din alam, ikaw pala bakit ngayon ka lang napadalaw dito? Bakit ni minsan di ka pumunta dito?"

"Sa Antipolo kasi kami tumira ng tita ko nung bata pa ko, bago lang din ako dito sa bahay na to."

"Ah ganun ba, kaya pala ngayon lang kita nakita. Ilang araw ka mag-stay dito?"

"1 week lang siguro, may inaayos lang kasing papeles yung tita ko para dito sa bahay na ito. Pero isang araw palang ako mukhang mapapraning na ko"

"Ha? Bakit naman nakikita mo din ba yung babae? Sabi kasi sa akin nila tatay yung babae daw na yun...."

napatigil bigla sa pagkukwento si Desiree ng dumating si Theresa at Mang Rudy

"Hi, Desiree nandito ka pala mabuti naman at sinamahan mo ang pamangkin ko"

"Hoy! Desiree matigas talaga ulo mo bumalik ka nga sa bahay" Pagsita ni Mang Rudy sa anak niyang si Desiree

"Sorry po tay" Agad na sinunod ni Desiree ang ama niya at dali daling lumabas sa bahay nila Louisa

"Pasensiya kana Iha ha, kung ano man ang ipinagkukwento ni Desiree medyo malikot lang ang imahinasyon nun" pagpapasensya ni Rudy

"wala naman po siyang naikukwento sa akin"

"Ah mabuti naman, sige aalis na ko,
Theresa tawagin mo nalang ako pag kailangan mo ulit ng mag seservice pa-palengke" agad umalis si mang Rudy

Ang lihim ni TheresaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon