"Louisa! Louisa" Pag gising ng kanyang tita sa kanya
napabalikwas si Louisa at nagising.
Hingal na hingal at pawis na pawis."Anong nangyayari sayo? nanaginip ka ata?"
"Tita.. akala ko po totoo na.. " Pahingal niyang sinabi
Bumalik sila sa pagtulog ngunit di mawala sa isip ni Louisa kung totoo ba ang babaeng kanyang nakita
9:00 AM ng Lunes
bumaba na si Louisa para mag almusal. Habang ang kanyang tita ay abala sa pagtitimpla ng kanyang kape
"oh andiyan ka na pala,sakto pala tong pagtimpla ko ng kape dapat aakyatin pa kita para kumain eh" sabi ni Theresa
"Nagising lang din po ako, maingay po kasi ang mga manok sa kabilang bahay" pag ngiti na sinabi ni Louisa
"Oh siya maupo kana dito"
"Tita bakit niyo po pala naisipan bumalik dito sa Tagaytay, okay naman po ang tinitirahan niyo sa may Antipolo"
"Iha, balang araw kasi sa iyo naman mapupunta tong bahay na ito.. ayoko namang mapupunta to sayo tapos di ka sanay sa bawat sulok ng bahay diba"
"ayoko pong tumira dito tita, may iba po kasi ako nararamdaman dito"
"ano yun iha? Nananaginip ka nga kagabe eh"
"aah eh opo sana panaginip pero mukhang totoo may nakikita akong babae na nakaupo doon" Turo niya sa upuan kung saan nakita ang babae
"Ha? panaginip lang yon iha, ano ba itsura ng babae"
"Kulot po ang kanyang buhok, nakangiti siya sa akin pero nanlalaki ang mga mata ngayon ko lang po siya nakita"
"Baka dala lang ng pagod mo iha"
"Theresa! Tara na mamalengke na tayo" pag tawag sakaniya ni Mang Rudy.
"Ay nanjan na pala si Rudy sasabay ako sakaniya mamili ng tanghalian natin, dito ka muna ha magikot ikot ka sa bahay kung gusto mo"
"Ha ? Iiwan niyo po ako?"
"Mabilis lang ako iha mamalengke lang ako kung gusto mo makipagkwentuhan ka muna sa anak ni Rudy diyan sa kalapitbahay Desiree pangalan niya" biglang alis ng kanyang tita
Habang humihigop siya sa kape may bigla siyang napansin sa bintana. May kurtina ngunit may hugis tao.
Nang lapitan niya ito bigla siya tinawag ng isang babae tumalikod siya sa kurtina upang silipin ang babaeng tumatawag
"Tao po, tao po, Louisa?"
pagharap ni Louisa sa kurtina wala na ang hugis tao. Lumabas nalang si Louisa para silipin ang tumatawag sakanya.
"Sino po sila?" tanong niya sa isa pang dalagita
"Hello Louisa, ako nga pala si Desiree. Anak ako ni mang Rudy. Binilin ka sa akin ng tita mo silip silipin daw kita"
"ay salamat, halika pasok ka dito mag almusal ka muna"
"Sige, para magkakilala din tayo" Masayang sinabi ni Desiree
BINABASA MO ANG
Ang lihim ni Theresa
HorrorNagsimula ang mga kakaibang mga pangyayari sa isang dalagita matapos siyang bumisita sa bahay ng kanyang namayapang ama.