Isang linggo ang lumipas at sa wakas ay hindi na ginulo ni Kevin ang isipan ko. Hindi ganun kabusy ang unang linggo namin. Minsan may mga activity pero madalas ay wala.
Ang araw ngayon ay Lunes na natakdang magbotohan ang klase para sa mga mamamahala sa klase namin.
Si Jasmine Castro ang napili namin para maging Presidente, hindi siya kagandahan pero nasa grado at paguugali at kakayahang mamuno naming binase ang aming pagpili. Si John Reven naman sa Vice President.
Nasa harap sa si Jaymie dahil siya ang napili namin sekretarya. Dahil maganda nga naman ang kanyang sulat. Sinusulat niya sa harapan ang mga pangalan na ibinibigay ng aming nga kaklase.
Nang muse at adonis na ang botohan, madami na ang naexcite. "The nomination for Muse and Adonis is now open" ani Jasmine na aming Presidente.
"I respectfully nominate myself for muse and Kevin for adonis" ani Alexa. Eto yung babaeng may gusto kay Kevin sa pagkakaalam ko e. Baliw na baliw sakanya.
Agad namang sinulat ni Jaymie ang pangalan ni Alexa Suarez at Kevin Berkeley sa pisara.
"I respectfully nominate Janize Buenavista for muse and Stephen Calderon for Adonis." napatayo ako sa gulat pero gaya ng sabi nila bawal umangal.
Nang oras na para sa botohan kung sino samin ni Alexa ang magiging Muse ay mas madami ang nagtaas ng kamay sa akin, kaya wala akong choice kundi tanggapin ang pwesto bulang Muse.
Nang Adonis na ang pagpipilian kung sino kay Kevin at Stephen ay biglang ako kinabahan. Dahil alam ko na sa sarili ko na si Kevin ang mananalo kahit may laban naman sa mukha si Stephen pero di hamak na may mukha at laban si Kevin.
At gaya ng sabi ng isip ko si Kevin nga ang nanalo. "So ang gawain ng Muse and Adonis ay sila ang magprepresinta sa section natin sa dadating na Intramurals." sabi ni Jasmine.
Kaya ko naman siguro yun kasi nakasali naman na ako sa mga ganyan sa dati kong paaralan. Pero si Kevin kaya? Kaya niya naman siguro hays.
Habang palabas ako tinawag ako ni Stephen na kaklase namin "Ah, Ize. Congrats nga pala. Bagay sayo maging muse ng klase." sabi niya ng nahihiya.
Nahiya at at the same time nagpasalamat sakanya. "Ah salamat, hindi ko ineexpect e. Haha! Sige mauna nako Stephen a. Thanks uli." sabi ko at tinalikuran na siya.
Palabas na kami ni Jaymie, at di padin siya makagetover na secretary siya. "Ganda ka gorl! Muse ang peg ha. Congrats sissy! Ewan sa Alexa na yun kala mo naman may laban e di hamak na mas maganda ka. Matalino pa, bonus pa ang kasexyhan." kakaloka tong babaeng to. Narinig pa ng ibang dumadaan sa kalakasan ng bunganga.
"Manahimik ka nga jan! Miss Sexytary. Hahahaha!" humalakhal ako.
"Che! Dito na tayo maupo. Ano sayo? Ako na bibili. Nakakahiya naman sa 'MUSE' namin." may diin pa talaga ung muse. kakaloka tong babaeng to.
"Isang rice lang, adobo ulam. Tas sa drinks ice tea. Hehe thanks sissy keep the change." sabay abot ko sakanya ng pambayad at pumunta naman agad siya para makaorder na ng makakain.
Kahit kelan talaga swerte ako kasi naging kaibigan ko tong si Jaymie. Wala nakong mahihiling pa kasi napakabait niya sakin. Ang di ko lang maintindihan sakanya e ang pagkabungangera.
Wala akong sikretong hindi ibinunyag ng babaeng yan. Kaya lagi akong bukinh kahit kay Daddy. Pero kahit ganyan yan mahal na mahal ko yang babaeng yan.
Ang Alexa papalapit sakin. "Look who's here!" nakataray niyang sabi kasama ang mga alipores niya. "Hindi bagay sayo may muse, mas bagay ko. Di hamak na mas maganda ako sayo. Sigurado ako kaya ka napili kasi hinuthutan mo mga kaklase natin." inggiterang babae to. hindi niya lang maatim na ako napili e. Tsaka duh did i even say na mas maganda ako? E sa totoo naman.
Ayokong magskandalo kaya maging mabait muna ako. "Ah, Alexa to tell you ha. Wala akong alam sa sinasabi mong hinuthutan. Just accept it nalang na ako ang nakuha. Kung gusto mo kausapin ko si Jasmine para ikaw nalang pumalit. Kasi in the first place ayaw ko din naman maging Muse ng klase pero since sakin may tiwala ang klase edi go nalang ako." tinaasan lang ako ng kilay. "Pero if you want the place of being the Muse, hmkay. Ill talk to Jasmine later and go take the place." sabi ko pero ang loka loka tinaasan lang ako ng kilay.
"No, Ize. Alexa won't take the place." nagulat ako ng makita na si Kevin ang nagsalita mula sa likod ni Alexa na agad namang nagtataka sa sinabi ni Kevin.
"What? E mas bagay tayo Kevin. Ize is not good enough para sa intramurals. Me, Im sure na i can win." pagmamayabang ni Alexa.
"Im sure kaya ni Ize yun. Hindi papalitan si Ize. Thats Final. Ize is my Muse. And no one can dare to change that." sabi niya sabay talikod samin.
Ako, si Jaymie na kakadating, si Alexa, mga alipores niya at ang mga nanonuod ay naiwang nganga.
"Arghhh! Hindi pako tapos sayo, Loser!" ani Alexa na nagpapadyak na umalis.
"Anyare sissy?" nagtatakang tanong ni Jaymie sakin na ikinawala ng pagkatulala ko.
Kinweto ko sakanya habang kumakain kasi at siya naman tong nagreact ng wagas. Hays. "Alam mo sissy. I smell something fishy sa Kevin na yan. Feeling ko bet ka nun." hindi naman yata.
"Hoy, hindi naman siguro sissy. Berkeley yun sis, malabong pumatol sakin. Tsaka ano kaba, hindi ako ready magjowa."
"Luh, jowa agad. Sabi ko lang may gusto wala ako sinabing jowain ka niya. Asus ikaw a, pati sayo i smell something fishy narin!" ani Jaymie habang sumusubo pa.
Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Kevin. Arggg! Hindi nanaman ako makakaconcentrate neto.
Tama ba rinig ko? Ize is my Muse. Sus baka iba lang pagkakaintindi o pagkakarinig ko. Wag muna akong umasa at mahirap nang masaktan nanaman.
Tsaka malayong magustuhan ako nun gaya ng iniisip ni Jaymie. Ang mga tipo ng Kevin na alam ko is ung maganda, syempre yng mayaman din, makinis a basta yung halos kaparehas niya lang. E alam ko naman na malayong maging ako yun. Hays. "Ize yohooo! Im talking here!"
"Ay palaka!" napasigaw ako sa gulat. "Ah.. Ano nga uli yun?"
"Sabi ko si Kevin ayun sa likod mo makatitig sayo wagas, haynako nawawala ka na sa sarili. Tama na kasi isip kay Kevin!" huh? panong nasa likod.
"Hoy, anong iniisip hindi a!" sabi ko sabay sulyap sa likod at nagtama ang mga mata namin ni Kevin na agad naman siyang nagiwas.
"Yieee ikaw ha, kabago bago natin dito meron nang may bet sayo. Si Stephen nahalata ko na, at pati yang Kevin halatang halata. Haba ng hair." sabi ni Jaymie na sinusuklay pa ang buhok ko pababa na akala mo e mahaba talaga.
'Ize is my Muse'
'Ize us my Muse'
Paulit ulit na bumubulong sa isip ko na parang naging awit na sa kahibangan ko.

BINABASA MO ANG
My Amnesia Boyfie
RomanceThe heart remembers what the mind forgets. -- KayeF @kayessabble STARTED: 10/13/14