Chapter 2 - Assignment

1K 25 5
                                    

"HOY LALAKE. Baliw ka ba?! Anong pinagsasabi mong we love each other?! ha?!" pasigaw kong sabi sa kanya sabay hampas ng malakas. Nakakainis! Basta naiinis ako. OA na kung OA.

"Aray!" Sigaw niya rin sabay himas sa braso niyang hinampas ko. Na sunod na din akong nakarinig ng mga babaeng nagalit sa ginawa ko.

"OMG! Wala siyang karapatang hampasin ng ganun ganun lang ang baby ko!" baby your face, bwisit haharot e!

"Sorry na garud! Brutal mong babae ka," hinihimas niya parin yung braso niya habang sinasabi yan.

"Tsk! Huwag ka kasi gagawa gawa ng kwento sa susunod! Okay?!" galit na sabi ko sa kanya. Naloloka ako sa kapogian ng lalakeng to... ah este kalokohan!

"Okay na! Sorry na din okay?" hays, pasalamat siya mabait ako.

Tumalikod nako at inirapan ko siya. Amp!

Nakakabwisit, ano nalang sasabihin ng mga kaklase namin sakin. Baka mamaya ako pa paginitan nila sa kabaliwan nila sa Kevin na yan. Na ayan na nga nangyayare na.

"Tara na sissy! Iwan na natin tong lalaking to!" Sabi ko kay Jaymie.

Without another word, sinunod niya naman ako. At iniwan na naming nakatayo si Kevin dun. Hay! Badtrip siya. Ano anong pinagsasabi.

Napagod ako buong araw, ewan ko kung bakit pero napagod ako. Habang inaantay namin ni Jaymie ang kapatid ko na dumating ay nakita ko si Kevin sa may tabi bumibili sa isang ale ng wait...Ano yun? Laruan? Pambata? hahaha weird ha. Nagulat ako ng napatingin siya sa gawi ko na agad naman akong nagiwas ng tingin.

"O anjan na pala si Joel e, pano ba yan una nako sissy ha! See youuu tomorrow labyu!" sabay beso niya sa akin at talikod.

"Tagal mo Joel, kanina pa tayo inaantay ni Dad." sabi ko kahit hindi naman siya natagalan pero wala nainip lang ako or baka keme ko lang?

Habang palakad kami sa direksyon ni Dad na kung saan andun si Kevin ay nakayuko lang ako sa hiya sa ginawa ko kanina.

Che! Siya dapat ang mahiya. "O, Kevin!Kamusta?" sigaw ng kapatid ko sa direksyon ni Kevin. What? Magkakilala sila? Tsk!

"Ayos lang Joel, pauwi na hehe. Bukas ha yung laro. Ingat bro!" at nagkamayan ang dalawa. Ako naman tong nakayuko lamang at nakikinig sa usapan nila. Nakahinga ako ng maluwag nung nakaalis na siya at nakasakay na kami sa sasakyan.

"Kamusta unang araw Janize, Joel?" tanong ni Daddy habang nagmamaneho.

"Ah, okay naman po Daddy." sabi ko habang nagtitipa sa akinh cellphone.

Pagdating sa bahay dumeretso agad ako sa kwarto at naligo para makapagpalit na ng pambahay. Pagkatapos ko ay nahiga ako at nagbukas ng cellphone.

Pagbukas ko ng Facebook ko may mga friend requests akong natanggap. Chineck ko isa isa, pero bigla akong nanlumo dahil may isang tao akong inaasahang iAdd ako. Wait, no Ize. Ano ba yang iniisip mo.

Sa pagiisip at paglilibang ko sa sarili ko napunta ako sa isang Timeline, okay oo na. Iniistalk ko ngayon si Kevin.

So, Kevin Berkeley ha. Mayaman talaga tong mokong na to. Pagbukas ko ng Profile Picture niya halos buong school na ata ang reactors niya sa dami. Edi wow siya nang famous.

Buong gabi kong nilibang sarili ko dahil di ako makatulog, kasi ndi maalis sa utak ko tong Kevin. na to. Kahit isang araw palang kaming nagkikita. Hays ewan. Bahala na bukas.

Kinabukasan bago ako pumasok sa school, inalis ko muna sa sistema ko si kevin kasi ayaw talaga maalis. Hayssssh kakabwisit.

"O ke aga aga e nakakunot yang nuo mo." ani Jaymie sa tabi ko. "Smile ka naman kahit konti." pilit ang ngiting ipinakita ko.

Habang nasa klase kami hindi talaga mawala isip ko si Kevin. Alam kong isang araw palang kaming nagkikita pero lakas ng epekto ng mokong sakin. May pa welab its ader pa kasing nalalaman ayan tuloy natamaan ako. Char!

Ize ha mabilis ka masyado. Baka nakakalimutan mong nabroken kana dati sa naging crush mo na pinaasa ka lang. Not now Ize.

Focus Ize. Focuu- "MISS BUENAVISTA! ANO TUTUNGANGA KA NALANG JAN! HINDI MO BAKO NARINIG? ASAN ANG ASSIGNMENT MO!" nawala ako sa ulirat sa sigaw ni Mrs. Delilah. Sht? Assignment? Argh! May assignment pala. Bwisit nalimutan ko dahil sa kakaisip sa Kevin na yan. Nakakabwisit naman!

Ano nalang idadalihan ko ngayon? Kung sabihin ko naman totoo ano sasabihin ko? Na inisip ko magdamag si Kevin ganon? Bobo lang gagawa nun. "Ah, mam. Ano po kasi e. Hindi ko po nagawa...na ano. Nawala sa isip ko. Sorry mam." napayuko ako sa kahihiyan. Ano ba yan Ize. Tatanga tanga kasi e.

"MAGLABAS KA NG DALAWANG BUONG PAPEL AT PUNUIN MO NG 'SORRY, I WILL DO MY ASSIGNMENT NEXT TIME' NGAYON DIN! In 30 minuted!" pasigaw ni Delilah. Sht! 30 minutes? Kaya ba yun? Kaya na siguro huhu.

University to pero pumyemas may ganun pala! Pero okay na to kesa macall parent diba. Or matawag sa Principals Office e keri na to.

Napatingin ako sa direksyon ni Kevin at nagulat ako dahil nakatingin din siya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay, pero nginitian niya lang ako. Damn!

Damn! Ngumiti pa si gago. Sa tingin niya makakaconcentrate pako sa ginawa niya. Haynako Ize, simula ngayon di kana papaapekto sakanya. Simula ngayon!

Letseng Kevin, pati Assignment nakalimutan ko nang gawin dahil lang sakanya!

Nang natapos ko ang sinusulat ko tinawag ako sa labas ni Mam at kinausap. "Dont do that again Miss Buenavista. I am very disappointed lalo nat pangilang araw palang ng klase at unang assignment palang iyon. Okay, Ill see you tommorow." tango lamang ang naging sagot ko kay Mam.

Hays nakakahiya naman yun. Kung bat ba kasi nalimutan ko pa e.

Pagpasok ko sa room ay lahat sila nakatingin sakin.

"Buti nga sakanya! Kala ko pa naman kung may ibubuga e bobo naman pala." aba aba,

Pasalamat siya wala ako sa mood na patulan siya. Gunti nasabunutan ko talaga yan.

Pagkaupo ko sa upuan ko napatingin ako sa direksyon ni Kevin, nakadungaw lamang siya sa bintana habang dinadaldal siya ng mga haliparot pero wala lamang sakanya iyon.

"Hoy Ize! Ano bang nangyare bat hindi mo nagawa assignment mo? Kakaloka ha, ngayon lang yan." nagtatakang tanong sakin ni Jaymie sa aking tabi. "Wag mong sabihin na ngayon kapa magloloka e kakaumpisa ng klase."

Haynako Jaymie, pati ako ay di narin maintindihan sarili ko. "Wala sissy, napagod lang kahapon kaya nakatulog na paguwi." rason ko.

Inirapan ako, "Luh! Nakatulog e online ka magdamag. Bakit sino kachat mo ha?" interesado niyang tanong. Pero bago ko masagot ay may kumalabog.

Tumayo si Kevin ng padabok, at sumulyap pa sakin na may masamang tingin sabay labas niya.

Luh, problema nun?

Habang inaantay namin ang susunod na klase ay wala parin si Kevin hanggang sa dumating na ang susunod na guro namin.

"Mister Berkeley, you're late. Sit down." ani Mam Lapeña na guro namin sa English.

Umupo naman agad si Kevin at lumingon pa sakin bago tumungo ang mata sa harapan.

Natapos ang klase namin at pagkauwi ko sa bahay ay diretso buklat ako ng aking mga libro para gawin ang aking nga assignment. Laking pasalamat ko naman at hindi ginulo ni Kevin ang isipan ko.

My Amnesia BoyfieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon