Lumipas ang araw at naging busy ang lahat sa nalalapit na Intramurals. Sumali si Jaymie sa Cheerleading, magisa ako ngayon dahil nasa practice siya.Papunta ako sa PE Hall dahil ngayon ang araw ng Rehearsal namin para sa Ms&Mr Intrams.
Lahat ng tao sa paligid ay abala sa kani kanilang mga ginagawa. May mga nagdedisenyo narin ng mga kani kanilang booth.
Ang nakaassign sa booth ng section namin ay sila Jasmine. Ang booth namin ay ang Marriage Booth kung saan maghahanap sila ng isang babae at lalake at pipiringan nila tsaka nila ipagkakasal.
Habang nag lalakad ako ay biglang nagtext si Jaymie.
Jaymie
-Sissy, may chika ako sayo mamaya madami. Naloloka ako sa Alexa na to. Bat pa kasi sumali dito. Haynako, basta ill see you later. Goodluck!
Ako
-Goodluck too sissy! Ill see you later, wag mo nalang pansinin si Alexa. Just focus. Mwa!
Hindi padin kami tinantanan ni Alexa pero pinagsawalang bahala nalang namin. Lagi niya akong kinocorner at sinasabing layuan si Kevin. E hindi ko naman nilalapitan yung lalakeng yun.
Pagkadating ko sa PE Hall ay ako palang ang andun at ang magtuturo samin. Mas mabuti nang maaga kesa mahuli.
"Ah, Mam cr po muna ako." paalam ko sa magtuturo samin na si Mam Lara. Agad naman siyang tumango.
Pagkapasok ko sa cr ay humarap ako sa salamin. Naglagay ako ng kaonting powder, blush on at liptint. Inayos ko din ang aking buhok.
Nagulat ako sa pagkabukas ng pinto ng isang cubicle at lumabas ang isang babaeng matangkad na nasa 5'9 mas matangkad sakin ng isa.
Maganda siya, mahanda ang hubog ng kanyang katawan. Natural ang pagkakulot ng kanyang buhok. Ang ganda at ayos ng pagkakawave. Makinis din ang kanyang mga balat at may singkit na mga mata.
"Hi, so kasali ka sa Mr&Ms Intrams?" sabi niya sakin ng nakangiti habang nagaayos ng kanyang sarili.
"Ah, oo e. Ikaw?" tanong ko medjo nahihiya dahil bigla akong nahiya sa kanyang kagandahan.
"Ah yes kasali ako from section A, btw I'm Chesca. And you are?" pakilala niya sabay lahad ng kanyang kanang kamay.
"Im Janize, from section B. Well, goodluck to us." nginitian ko siya at inilahad din ang aking kamay at agad kaming nagkamayan.
"Lets go, sabay na tayo baka late na tayo." aya niya at agad naman akong sumunod.
Bigla akong nawalan ng pagasa na baka matalo ako, kasi sigurado akong mananalo siya. Pero hindi ako pwedeng mawalan ng pagasa.
Pagkadating namin sa Hall ay kompleto na sila lahat dun. Agad kaming naupo at ang katabi ko ay si Kevin.
"Kanina pa kayo inaantay, rehearsal lang to hindi mo na kailangan magpaganda para lang dito. Maganda kana." nagulat ako sa ibinulong sakin ni Kevin.
Nasa likod na kami ng stage ng natapos kaming iorient. Sa kabilang gilid ay dun lalabas ang mga Adonis at kami naman sa kabila.
Nang si Chesca at ang kayang kapareho na ang lumabas may mga taong nakikinood lamang pumalakpak sa kagandahan niya. Magaling siyang lumakad at halatang sanay na.
Nang ako at si Kevin na ang lalakad, huminga ako ng malalim at rumampa na.
Agad naman kaming nagsalubong sa gitna ni Kevin.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Boyfie
RomanceThe heart remembers what the mind forgets. -- KayeF @kayessabble STARTED: 10/13/14