CHAPTER 5

5 0 0
                                    


Sabado at walang pasok.

Balak agad ni Ken ituloy ang pag kikita nila ni Vivien kaya kinukulit  niya si Vivien sa chat.

Ken: Hi.
Vivien: Hello?
Ken: Ahm.. ako nga pala yung dapat mami-meet mo doon sa rooftop , kaibigan ako ni Jo hehehe.
Vivien: Ahh,  ikaw pala yun, sorry ha? may biglaan akong lakad kaya ayon di na tayo nakapag meet.
Ken: Ahh okay lang yun. Ahm.. pero ngayon pwede ba tayo mag meet?
Vivien: Hmm.. pwede naman ,free naman ako ngayon, saan tayo mag kikita?
Ken: Sa park nalang pwede? sabi saakin ni Jo malapit lang naman bahay niyo sa isa't isa.
Vivien: Ahh, oo malapit nga lang bahay ko sa kanila. Sige doon nalang sa park , punta nako.
Ken: Sige papunta nadin ako.

At pumunta na nga si Ken sa park para hintayin si Vivien ng dumating si Vivien
natulala ito sa ganda ni Vivien.

Vivien: Huy! HAHAHA hello Ken.

Ken: Ow! Vivien?  Ah.. eh... hello din, tara dito maupo ka.

Nag usap ang dalawa ng kung ano anong bagay habang nakaupo sila at nag mumuni- muni sa park at biglang may tinanong si Ken.

Ken: Btw, Vivien may itatanong ako sayo kung pwede?
Vivien : Sure ! Ano yung tanong mo?
Ken: Tatanong ko sana kung may boyfriend ka na ba? hehe
Vivien: Ow, wala pa. Hinahanap ko kasi yung kababata ko. Tawag ko sa kaniya super K. Nasaan na kaya yon? HAHAHA.

Nagulat si ken at hindi nag dalawang-isip na umamin kay Vivien dahil matagal niya na itong gustong sabihin makalipas ng ilang taong hindi nila pagkikita.

Ken: Vivien may sasabihin ako, naalala mo 'tong panyo na ito?

Vivien: Kay super K yan ahh.  So.. ang ibig sabihin ng K is Ken?

Ken: Umm, Oo matagal kita hinintay bumalik. Alam mo ba yun ikaw lang first crush ko na pwedeng maging first love.

Vivien: Hala! di mo ba alam bumalik pa ako doon sa dating bahay niyo kasi baka sakaling makita pa kita doon pero sabi ng mga nakatira doon lumipat na daw kayo
kaya parang nawalan nadin ako ng pag asa.

Ken: Ahh, so ngayun na nandito na ako ano masasabi mo? your super K will never leave you again sana ikaw rin.

Vivien: Pero dahil lang pala kay Jo kita mahahanap. Oo naman hinding hindi na ako aalis ulit sa tabi mo.

Ken: Yah! so hindi na ako mag papaligoy ligoy pa sakin ka na ahh girl friend na kita.

Habang masaya ang dalawa sa pag dedate sa park padaan si Jo doon upang bumili ng shake at nakita niya ang dalawa na mag ka akbay na sobrang sweet. Nabitawan ni Jo ang hawak niyang shake at tumakbo pauwi.

Nung maihatid ni Ken si Vivien chinat agad ni Ken si Jo.

Ken: Pre! Kami na ni Vivien!

Jo: Huh? Ambilis naman! ( Gulat na gulat doon si Jo pero hindi niya pinahalata) ah ganun ba congrats pre ah!

Ken: hindi naman mangyayari yun kundi dahil sayo eh , labyu pre!

Jo: ( ok na may labyu na ehh bat may pre pa?) Cge pre wala yon, bye ligo muna ako.

Nalungkot si Jo sa kaniyang nalaman kaya ang ginawa niya ay nag shower siya para umiyak ngunit pag tapos ng ilang minuto nawalan ng tubig kaya nag tabo na lang siya para ituloy ang pag iyak..

Jo: Kailan mo kaya malalaman? Hayst napaka manhid mo kasi eh!

Ng matapos maligo si Jo nag FB siya at nakita niya ang My day ni Vivien na mag ka holding hands.

Jo: Kamay ni Ken at Vivien toh ahh so sila na pala talaga nice!

Ken Dantes is Calling*
- Answer

Ken: Hi jo!

Jo: Oh ano yon?!

Ken: Oh bat ang sungit mo?may problema ba? Mag sabi ka lang ako lng naman ang laging dadamay sayo diba?

Jo: Ano kasi worried lng ako baka kasi pag sobrang sweet niyo na makalimutan mo na nandito ako like isasantabi mo na lang ako.

Ken: Wag ka mag alala pre no matter what happen ako parin bespren Jo!

End call*

Biglang lumabas sa notification ni Jo na may nag add sa kaniya.

Jo: Sino naman toh? Shin santos? (Accept)

At chinat agad siya nito

Shin: Hi jo! Pwede makipag kaibigan?

End of chapter 5

I'm Into YouWhere stories live. Discover now