Remember Me /19/ Bumili ako.. pero natalo ako..

408 3 0
                                    

Remember Me

Pagdating ko ng bahay ay doon ko lang naramdaman ang pagbigat ng ulo ko. Ito na siguro ang pagdating ng epekto ng alak sa katawan ko..

Napag-isip-isip ko na hindi nga talaga kami pwede ni Kathryn kahit na sabihin ko pa na meron na akong nararamdamang espesyal na pakiramdam sa tuwing kasama ko siya. Lagi kong nararamdaman yung takot ko na maagaw siya ng iba sa akin kaya nga nagagalit ako at inis na inis ako lagi kapag may kasama siyang iba.. Dahil sa nangyari ay napatunayan ko lang na wala nga talaga kami sigurong pag-asa na dalawa. Kahit pa sabihin kong mahal ko siya o kahit na siya pa ang magsabi na mahal niya ako ay wala pa rin..

May kanya-kanya kaming buhay bago kami nalagay sa sitwasyon na toh kaya kayang-kaya naming mabuhay na wala ang isa't-isa. At isa pa ay..

Masasaktan lang ako.

Masasaktan din lang siya..

Aaminin ko na.. Nasaktan talaga ako nung piliin niya yung lalaking yun kaysa sa akin. I was so hurt to the point na naglasing na ako at halos madurog ko pa yung kamay ko kaya napag-isip isip ko na...

Iwasan na lang si Kathryn.

Pigilan yung damdamin ko na umuusbong pa lang naman dito sa loob ko para sa kanya. Pipigilan ko na lang tong nararamdaman ko para sa huli ay hindi kami masaktan na dalawa.

That's better siguro..

Magmula ngayon ay iiwasan ko na talaga siya.

I won't talk to her unless it's an important thing to talk about. Ihahatid at susunduin ko lang siya without any discussion between us. Wala ng asaran o kahit sigawan.

Hindi ko na siya kakausapin unless kung kailangan lang talaga. Yes.. I will do that.

Hawak-hawak ko yung ulo ko na pumasok sa bahay,

As usual.. Wala siguro sigurong tao dito, siguro ginagamot niya pa yung lalaking halos madurog ko ata yung mukha.. Siguro alagang-alaga na siya ni Kathryn ngayon. Tuluy-tuloy lang ako sa loob tapos hindi ko inaasahan na si Kathryn andun pala. Nagtama yung mata namin, hindi ko alam kung anong gagawin ko. I literally froze on my place..

"Kanina pa kita iniintay.." sabi niya sa akin. Diba hindi ko nga sia kakausapin kaya hindi ko siya pinansin. tuluy-tuloy lang ako na humakbang, dinaanan ko lang siya. Gusto ko ng magahinga at isa humahapdi din yung kamay ko kaya gusto ko ng malagyan toh ng first aid man lang.

Nung dumaan ako sa harap niya ay pinigilan niya ako.

Hinawakan niya yung kamay ko.

"Sandali.." Napatigil naman ako.

Tinitigan ko siya ng matalim na tingin. Kung hindi siya iiwas ay gagawa ako ng paraan para iwasan niya ako. Susungitan ko siya kung kinakailangan para lang siya na mismo ang umiwas sa akin. Gagawin lang namin yung pinagkasunduan namin then after that we can move on.

"Ano?" tanong ko.

"Kahit anong sama ng titig mo hindi mo ko matatakot jan.. Kailangang magamot niyang kamay mo. Umupo ka." sabi niya sa akin. Diretso din ang tingin niya sa akin..

"Okay lang ako, kaya ko toh.. Kaya kong gamutin ang sarili kong sugat okay?" sabi ko sa kanya at inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. Hahakbang na sana ako paalis pero nagsalita siya.

"Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mo yun ginawa.. Pero kung ano man yung dahilan sana wag mo ng uulitin yun. Hindi mo naman kailangang manakit ng ibang tao o kahit yung sarili mo kapag galit ka. Makipag-usap ka lang.. Kasi.. Pati yung sarili mo nasasaktan mo. Ayan tuloy, may sugat ka.." lumapit siya sa akin.

Remember Me (My Future Bride)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon