1: Club Agad.

85 4 0
                                    

Amanda's POV:

"Nako beh! Kapag akira nabwiset sa mudrabels mo, baka maiuntog ko kayo pareho sa pader!" aning Crazhy na nakapahalumbaba pa sa harapan ng table ko. Kahit kelan talaga 'tong si Zhy, hindi mo alam kung bakla ba talaga o babae. Psh.

I'm here in school right now, and guess what? Late ako pero pinapasok pa din naman ako since wala na din silang magagawa. Bawal kase na merong student pa na nasa labas pa din kundi baka masuspend kami ni Dean. Nako!!!!

Nag dismissed na si Miss, kaya eto kami ngayon nagchichikahan dahil nga recess time na, at ang ibang studyante ay nasa cafeteria na.

"Bakit kase ang tagal mong magising huh,Amanda?!" pang gagaya ni Kim Ivy sakin. Tsk,isa pa 'to. Porket may badboy na boylet ang angas na din. Bakit may syota sya tapos kami wala?

"Pano ba naman kase nood ng nood ng Kdrama." panggagatong pa ni Liah.

At opo,sila po ang barkada ko. Hindi ko alam kung barkada ko ba 'to, oh nanay ko na din. Grabe mas malala pa sermon nila kesa kay Mommy. Imagine, tatlo sila tas isa lang ako. Psh.

"Can you please stop!" inis at irita kong ani sakanilang tatlo.

Napahinto sila.

"Ay wow English beh!" -Zhy.

"Saang dictionary ka kumuha ng English huh, Amanda?!" -Ivy.

"Kdrama 'yan! Sa subtitle. Pfft." -Liah.

Napairap nalang ako,"Clubbing after class?" suhestiyon ko na nagpahinto sakanila.

"At bakit naman,Amanda?" taas kilay na tanong saakin ni Ivy.

"Please. Kahit minsan lang." pagmamakaawa ko sa tatlo.

"Amanda, we know naman na malaki ang bunganga ng nanay mo sayo,at alam mo din na 17 years palang tayo. Kaya hindi!" parang nanay na pangaral saakin ni Ivy. Saaming apat sya naman talaga ang puno ng pangaral eh.

But suddenly my tears started to form on my eyes. I don't know what I should feel right now. Sabi nila wala namang masama kung itatry mo yung best mo eh, but I already tried my best pero bakit ganon? Ayun lang yung kaya ko eh.

They let out a sigh.

"Hys, we feel you, Amanda." aning Zhy at nilapitan ako para yakapin.

"Papayag kami,Manda. Pero sana ngayon lang,okay?" Liah said and hugged me too.

"Alam mo naman na kami lang ang makakaintindi sa sakit mong kabaliwan, Amanda." usal ni Ivy kaya naman medyo maluha-luha na ako.

Hanggang sa yakapin nalang nila akong tatlo. They're really my best friends.


CLASS DISMISSED

"Meet you at the bar mga beks!-askdjdhdejwj!" sigaw ni Crazhy kaya halos mapatalon kaming tatlo para takpan ang bibig nya. Baka may makarinig pa samin jusko, masususpend pa kami!

"Ano ka ba, Zhy! Hinaan mo lang boses mo! Para ka din lumunok ng microphone eh!" bawal ni Liah habang hawak nya sa bibig si Zhy.

"Siraulo kang bata ka! Baka gusto mong magkita-kita tayo sa Dean's office ha!" gigil na sita ni Ivy habang nakahawak naman ito sa magkabilang braso ni Zhy.

Habang ako nakatingin lang sakanila na parang ikukulong nila si Zhy dahil sa posisyon nila. "Oy gOrl, linya mo na. Delay ba?" pilosopong ani ni Liah at parang inip na inip na nakatakip ang kamay nito kay Zhy.

Crush Ko Si Mr.TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon