Amanda's POV:
What to wear? Alas Nwebe but still wala pa ako doon. Naiinip na siguro sila kakahintay saakin! Paano ba naman,hindi ko kase alam kung anong pwedeng isuot pag nasa club ka eh. Like, hindi naman ako pala-club na tao at ngayon lang talaga since may problema ako.
Ano ba dito? Naguguluhan na ako! Wala akong mapili.
May choices ako and it is short skirt na stripes at black and white and the top is also crop top na black and white kaso baka mag mukha akong tanga dito kaya ekis!
Meron namang isa dito simple lang sya. Napaisip ako, hmm. I prefer this one.
A white short skirt na may zipper sa gitna at may bulsa sa magkabilang gilid na may zipper rin, sa baba nito may nakalabel na NY CITY. Tas ang top naman ay isang black long sleeve na crop top. This one looks so simple.
Eto nalang.
Bukod pa dyan kumuha din ako ng mga accessories. Yung thin circle earrings na sure na sure akong babagay sa outfit ko. And I also wear a three thin rings na nasa middle finger ko lang. Wala lang para kaseng mas maganda yung ganito eh.
Tinignan ko muna sa salamin ang susuotin ko ngayon. Nako, pag dating ko dun,pagagalitan talaga ako ni Ivy, knowing na maaga yun sa lahat. Psh.
Sumulyap ako sa world clock sa kwarto ko. 9:30 na. Matagal kase talaga ako gumayak kaya as long as kaya kong bilisan,bibilisan ko talaga. Nagmadali na akong pumasok sa cr dito sa kwarto at saka nag umpisang mag hubad para maligo. Mas bet ko maligo kesa magbihis lang ng basta.
As what my mom said, she'll be out of nowhere for 2 months. So it means, ako nalang mag isa muna sa mansion, I don't know why. Pero kapag nandito si Daddy, wala si Mommy. Kapag wala si Daddy, andito si Mommy. Maybe, umuwi si Daddy dito bukas. I just don't know when,but I'm willing to wait for him. I miss him so much, since 3 months na sya sa California.
I missed daddy so bad.
May yaya naman ako dito sa mansion but I prefer na pagpahingain nalang muna sya since medyo matanda na sya,so as a concern boss ako na minsan nagawa ng mga ginagawa nya. Ayoko naman pahirapan si Nanay Imelda 'no! I love her din kaya!!!
At sya tiyak na magagalit talaga saakin sila Liah sa sobrang tagal ko. Knowing them, ang pinaka mainipin sakanila pero kayang maghintay ay si Kim Ivy. O mas kilala bilang Kim Ivy Velasquez. Sya ang isa sa mga war freak saaming apat. Sya na ata ang taga-pagtanggol namin. Psh,pero kahit minsan nasosobrahan na ang pagiging badbitch nya. Oo at dahil nga namana nya na ata iyon sa boyfriend nyang bad boy na mayaman. Ewan ko ba kung saang ilog nya nabingwit 'yang si Shanyx. Gwapo naman eh, kaso basagulero. Mayaman ang magulang ni Ivy kaya spoiled brat yan,pero syempre, mas spoiled nya kami. Famous engineer kase Daddy nya at tanyag na mang-aawit ang Mommy nya. Kaya ang kinalabasan, magaling sumayaw si Ivy. Hindi ko alam anong connect, pero kapag may mga contest na sayawan sa school,sya ang laging panlaban ng section namin. Galing nya kaya!
Si Liah. O Liah Finn. Kung may mas babadbitch pa kay Ivy, malamang si Liah na 'to. Liah is a mood as always. Yung kapilosopohan at kasungitan nya namana nya yon kay Ivy. Although tahimik sya pero kada-sagot nya saamin puro pang-pipilosopo kaya minsan hindi na kami nagtatanong ng pabobo at sinisikap namin na talinuhan pa ang mga tanong namin para masagot kami ng maayos netong si Liah. No jowa kase si Liah kaya boring syang kakwentuhan about sa lovelife pwe! Pero she's good at advicing people. Mayaman din ang mga magulang nya. Pati sya malamang,kase sa murang edad natutulungan nya na ang Daddy nya na gumawa ng mga formula na hindi ko alam kung saan ginagamit. Wala na syang Mommy, basta ayaw nyang pag-usapan yon. Sikat na scientist ang Daddy ni Liah at hindi maipagkakaila na namana nito ang katalinuhan ng kanyang ama. Nakakamangha lang dahil matalino talaga si Liah. Sya ang pambato namin kapag may mga quiz bee, isipin mo, nag iisip ka palang pero nakasagot na sya. Kaya Top 1 ranker sya always e. Nuxx,sana ako din para proud sakin si Mom. Hihi.
BINABASA MO ANG
Crush Ko Si Mr.Transferee
Novela Juvenil(Your beautiful author is coming back, to share a clever story again..chos.) Description na 'to? Eto na yon? Final? Eto na? Let's begin; Isang dalagang nag ngangalang Amanda Smith ang hahanga sa isang gwapong binata na kakalipat lang sakanilang paa...