Chapter 13

183 78 97
                                    

“Ala e, anong oras ba kayo nagsitulog kagabi at mukhang puyat na puyat kayo?”

I yawned and rubbed my eyes before taking a seat. I chuckled when I saw Lea staring at the glass table, probably preoccupied. Nakataas ang mga paa niya sa silya. Yakap ang mga binti, hindi pa siya pumipikit. Ang mahabang buhok niya ay nakalugay at mukhang binagyo.

Inilapag ni Manang ang mainit na sabaw sa mesa. Umuusok ang kanin sa plato ko. Inaantok pa ako.

“Kung hindi ko pa kayo ginising, hindi pa kayo babangon, e.”

Lunch na ang naabutan namin.

“Kumikidlat noong madaling araw, Manang, kaya hindi ako makatulog,” reklamo ni Lea.

Mabuti at hindi kami naabutan ng malakas na ulan noong madaling araw.

Naramdaman ko ang masamang titig sa akin ni Lea. “Ikaw! Bakit ang laki ng eyebags mo?” usisa niya.

“Nanood ako ng porn.” I whispered so that Manang Charo wouldn’t hear. She exaggerated a cringe.

Of course, that was just a joke. Hindi talaga ako makatulog kagabi dahil sa kuwento niya tungkol sa papa niya. Napa-stalk tuloy ako.

Gumayak kami pagkatapos kumain dahil nagkasundo kaming bumisita sa orphanage kahit kulang kami sa tulog.

“Kuya Gilvan! Ate Ganda!” Yumakap si Saichi kay Lea. Kumaway naman ang bata sa akin.

Bakit kay Lea, ganda? Tapos sa ’kin, Gilvan lang?

Cooking class ng mga bata ngayon. Umupo ako sa bench sa labas pagkatapos batiin sina Mrs. Lopez at ang mga houseparents. Si Lea ay nasa loob kasama ng mga bata.

Nag-online ako para tingnan ang chat ni Boss.

Grey Columbres:
Meet him at 4pm at the Newport Mall.

Ayos.

Napakunot ang noo ko nang mag-chat si Math. Nag-reply pala sa story ko.

Mathianna:
rel@tionshEep gOaTs 😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍

Napakamot ako sa batok ko dahil mukhang sinaniban ng jejemon na kaluluwa si Math.

Chineck ko rin ang group chat.

Sementeryo de Bayags

Daxtona sent a photo.

I viewed the photo. Screenshot ito ng story ko kung saan din nag-reply si Math. It was the boomerang video where Lea and I were eating the giant burgers.

Gustavo:
Sana all magkasama ng 2am @Gilvan Columbres

KyutMongHari:
Wow! Grabe, ang ganda! Use data to see photos 👏👏👏

Kael:
naks! may date sila?

Zachol:
potangena, tamang sana all na naman tayo nito :)

Daxtona:
iyak si kuya. crush mo si Xyzhlea ’di ba, kuya? HAHAHAHHAA

Gustavo:
Hoy! Sa ’kin dapat siya ma-pol! Papaya ko✊😭

May mga nag-HEART and WOW react sa story ko. Si Gustavo naman SAD react, amp! Ewan ko kung nangti-trip ba siya o ano.

Pinanood ko ulit ang story ko kung saan naka-tag si Lea. She reacted three hearts to it. A few minutes ago, she added on her story. It was a picture of the kids in the kitchen, playing with flour and enjoying making dough. They all looked messy.

The Certified GhosterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon