Chapter 15

163 57 116
                                    

Mamaya na ako magbibihis. Hinubad ko ang puti kong shirt dahil mainit kahit may aircon. Nakasuot pa rin ako ng jeans.

Nagpaalam akong lalabas muna dahil kung hindi ako lalabas, hindi sila titigil sa katutukso.

Sa aking pagbukas ng pinto, sabay kaming napaatras ni Lea.

“Wow, abs... Abstract!” taranta niyang itinuro ang painting na nakasabit sa gilid ng pintuan.

Akala niya siguro nakalusot siya. Kita ko kaya kung paano dumapo ang paningin niya sa tiyan ko.

“K-Kakain na.” Nautal pa nga.

Wala sa mata ko ang tingin niya, kundi bumalik sa tiyan ko.

“Mata mo.” Hinila ko ang cap pababa para takpan ang mata niyang halos hindi na kumurap.

Malakas kong kinatok ang pinto. Tinawag ang mga ulok para sumunod na sa cottage kung saan kami manananghalian. Hinayaan ako ni Lea na akbayan siya habang naglalakad kami pababa ng hagdan.

“Magdamit ka nga. Akala mo naman nakaka-attract ’yang one two three four five six...” Natawa ako nang bilangin niya sa bandang tiyan ko.

“Manyak!” I dramatically hugged my body.

She scowled before we continued walking.

Komportable na ako sa suot ko dahil halos lahat ng nakakasalubong namin ay nakasuot din ng beachwear. Malamang beach resort ’to.

Marami ang napapalingon sa amin habang naglalakad. Head turner ang kasama ko dahil sa lakas ng boses niya habang nagkukuwento.

Mabilis kong sinuri si Lea na naglalakad sa tabi ko. Nakasuot ng isang sleeveless shirt na may malaking gupit sa sides kaya kailangan niyang magsuot ng sando sa loob. Pinaresan niya ito ng puting shorts.

Hindi mahirap maglakad sa buhanginan dahil nakatsinelas na kami. Dapat yata nag-shorts na rin ako agad.

Nasa ilalim na ng cottage sina Math at Deynn. Napansin kong pare-pareho nakaputing shorts ang mga babae. Mukhang napagkasunduan.

Sunod na nagdatingan ang mga ulok. Hindi na nag-abalang magbihis si Zach at si Jaecov. Nakasando at beach shorts naman ang kambal. Parehas pa ng design ang suot ni Daxton at Davon, pinanindigan ang pagiging kambal. Tulad ko, nakasuot pa rin ng jeans sina Gustavo, Harry, at Gael. Wala ring pantaas na damit.

Kung mas maaga lang kaming nakarating, magsi-swimming sana muna kami sa dagat pero dahil malala ang traffic, tanghali na at masakit na rin sa balat ang sikat ng araw.

Our cottage is in a good spot. Tall coconut trees surrounded the cottages near the sea. Lunch was served in clay pots and banana leaves.

Karamihan ng nasa mesa ay seafoods at prutas. Ang mainit na kanin ay nakalagay sa mga bilao. Para kaming magbo-boodle fight.

Binanggit ni Lea ang mga pagkain sa harap namin. Hawak niya ang isang menu kung saan nakalista ang pangalan ng mga order.

“Ito ang halabos na hipon, sugpo sa gata. Ito naman ang garlic butter crab, grilled scallops, sinabawang tahong ni Carla. Ito yata ’yung crispy mussels?” Tinuro niya ang isang pot. “Pancit Malabon. Pinaputok na tilapia at inihaw na bangus! Super duper ultra mega alpha beta yummy kapag ang sawsawan nito ay kamatis na may sibuyas at onion leaves! Panalo!”

“Pancit Malabon pero nasa Bataan?” tanong ni Davon.

“Turista rin yata,” kibitbalikat na sagot ni Daxton.

May barbeque pork liempo pa sa isang bilao. Patay, wala nang diet.

Bago kumain, nagdasal muna kami na pinangunahan ni Lea. Pagkatapos ay kaniya-kaniyang kuha at lagay ng kanin at ulam sa dahon ng saging. Walang binigay na kutsara at tinidor kaya magkakamay kami.

The Certified GhosterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon