Chapter 26

103 23 13
                                    

Love is a gamble where you try your luck. Kahit malaki ang posibilidad na matalo, susugal ka pa rin.

Minsan, kahit panalo ka na sa laro ng pag-ibig, pinipili mo pa ring ituloy ang laro. Kahit may nagmamahal na sa iyo, mas pipiliin mo pa ring tumaya dahil iba ang gusto mong mapanalunan. Iba ang gusto mong mahalin.

Sa larong ito, dalawa lang ang maaaring kalabasan—mananalo ka o uuwi kang luhaan.

“Mahal na mahal kita, Six.” I can feel Lauren’s pain as she uttered every word between her sobs. “Kasalanan ko rin naman. Nagmahal ako ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba.”

Gusto kong humingi ng tawad sa sakit na naidudulot ko sa kaniya. Paulit-ulit na “sorry”. Baka naririndi na siya.

“Ngayon, ia-apply ko na sa sarili ko ang mga advice ko sa ’yo noon. Sometimes, you have to accept that people’s part on your story is over.”

Tanging ang mariing pagkagat ng dila na lamang ang nagagawa ko habang nakatayo kami sa labas ng elevator. Hinihintay ang pagbukas nito.

“Don’t worry about me, I’ll be fine. I am still cheering for you no matter what.”

That was the final talk between Lauren and I last night.

Desperado na ba ako?

Walang kasiguraduhan ang lahat pero ito ang ginusto ko. Mas pinili kong sumugal ulit.

I let go of the person who truly loves me to chase the one that I love.

Gago nga talaga ako. Walang duda.

“Sir Columbres, may sakit po ba kayo?” Umiling ako sa secretary ko bago humarap sa laptop at itinuloy ang pagtitipa.

Maybe it was evident that I haven’t got enough sleep.

After attending three long meetings the whole afternoon, I decided to go home straight. Akala ko ay didiretso na ako pauwi pero natagpuan ko ang sarili kong nakatayo sa tapat ng bahay kung saan ko inihatid si Lea kagabi.

Ulok! Bakit ba ako dinala ng mga paa ko rito?

Exhaling a large amount of breath, I pressed on the door bell before putting my hand back inside my pocket. Ilang sandali, bumukas ang gate at iniluwa nito si Lea.

Thereafter, her forehead instantly creased when she saw me. Lumakad siya hanggang sa magkatapat na kami.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya. “Ayos ka lang ba? Bakit namumugto ’yang mga mata mo?”

“We broke up,” tanging sagot ko.

“Ano?” she asked, puzzled.

“I told her what you mean to me.”

“Ha? Hindi mo alam sinasabi mo, Gilvan.” Umawang ang bibig. “Kaya ka nagkakaganiyan dahil kumakapit ka pa rin sa nakaraan. Hindi na ako ang Lea na nakilala mo noon.”

I tilted my head slightly. “But you are. You’re still the same. Don’t tell me that what I feel for you is just lingering feelings from my youth. From my past.”

Nanatili akong kalmado samantalang si Lea, hindi na naipinta ang hilatsa ng mukha.

“Si Lauren, mahal ka niya. Ang daming babaeng nagkakagusto sa ’yo!” Napahawak siya sa sentido.

“I pushed everyone else away because they weren’t you.” I shot back.

“Seryoso ka? Pitong taon iyon, Gilvan! Imposibleng mahal mo pa rin ako. Sa libro lang nag-e-exist ang mga lalaking naghihintay nang ganoon katagal.”

The Certified GhosterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon