Chapter 1

18 11 0
                                    

Betrayed

Ang hirap huminga. Hindi ko kaya. Nakakapanghina.

Hindi ko maiwasang isipin kung bakit sa dami ng tao bakit ako pa? Bakit ako pa ang pinaglaruan ng tadhana?

Ang sakit.

Sobra. Sobrang sakit.

I felt betrayed.

"Cass, bakit? Bes friend kita. Naging totoo ako sayo lahat ng sekreto ko alam mo, naging mabuti akong kaibigan sayo! Anong ginawa ko sayo para traydurin mo ako ng ganito? Pinagkatiwalaan kita. bakit?." Mahinang saad ko sa kaniya parang nawalan ako bigla ng lakas sa mga nangyayari.

"Y-ana, I'm sorry mahal ko siya, hindi ko napigilan ang nararamdaman ko lalo na nung magpakiata siya ng motibo. tao lang ako nagkakagusto, nagmamahal, mahina, I'm so sorry bes ple-ease f-forgive me." Umiiyak niyang wika

"Im sorry, it was all my fault, aaminin ko nagkagusto ako sa kaniya, nawalan ako ng gana sa relasyon natin, nawala nalang bigla ang p-pagmamahal ko sayo hindi ko alam paggising ko nalang isang araw hindi na kita mahal, hindi na tulad ng dati na sa tuwing gigising ako sa umaga ikaw agad ang gusto kong makita, i didn't expect that it will end up at this way, im so sorry. I don't love you anymore, habang tumatagal mas lalong nawawala ang pagmamahal ko sayo, at mas lalong minamahal ko siya, Please Unlove me, let me go. Yana, lets end this relationship because its not compatible anymore, its not stable enough to make me stay."

"Unlove you? Sa tingin mo ba ganon nalang kadali yun!. Sa loob ng tatlong taong pagsasama natin ganon ganon nalang yun, hindi yun madali Dylan! mahal kita, mahal na mahal, higit pa sa buhay ko. binigay ko lahat halos wala ng natira sa akin tapos sasabihin mong huwag kang mahalin eh! Gag* kapala eh! Madali sayo kasi hindi mo naman talaga ako minahal diba?! ako lang ang nagmamahal sa relasyong toh! Ang sakit Dylan ang sakit sakit. Sobra!"

"B-buntis ako Yana!"

Natigilan ako sa biglang saad ni Cassidy. parang literal na gumuho yung mundo ko.

"A-anong sabi mo, b-buntis ka? P-paano? K-kailan pa? B-bakit?" Sunod sunod kong tanong.

"That's the reason why I'm breaking up with you. She's three weeks pregnant. I need you to let me go, Yana, mahal ko si Cassidy bubuo na kami ng pamilya."

Napaatras ako.

Ayaw iproseso ng utak ang mga sinasabi nila. Hindi ko namalayan tumatakbo na pala ako palabas. Gulong gulo na ang utak ko. Parang sasabog na ito sa mga nalaman ko.

Sabi niya ako lang yung babaeng mamahalin at papakasalan niya. Bakit biglang nag bago?

Walang tigil akong tumatakbo. Pinagtitinginan na ako ng mga tao. Pero wala na akong pakialam kung ano man ang maging itsura ko, ang gusto ko lang ay ang makaalis sa lugar na'to.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tumatakbo lang ako ng tumatakbo.

Hindi ko alam kung ba't dito ako dinala ng mga paa ko. Parang may nagtutulak sa akin na pumasok dahil ito lang ang tamang lugar na puntahan ko.

Affinity Nightlife.

Chasing You Where stories live. Discover now